∞ Fifthy Two ∞

5.2K 83 0
                                    

Chandra POV :

        "P-please Pat, tell me. He won't leave us right?" Humarap ako kay Patricia habang nakahawak ako sa mga braso niya, para kasing nauubusan ako ng lakas.

        "Of course. He won't. Kaya ikaw, please, stop crying. Makakasama yan sayo."

       "Paano ako makakapagpahinga? Kung sa tuwing pipikit ako, mukha ni Kendrick ang rumirehistro, 'yong mukha niyang…" Hindi ko mapigilan ang umiyak ng todo. "…nag-aagaw buhay. Patricia ang sakit eh. Ang sakit sakit sakit."

       "I know. But you have to be strong."

       Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ng kama niya. Ngayon ko nalang uli napagmasdan ng mabuti ang mukha niya. Pero, ang sakit makita siya'ng ganito. Kung hindi niya sana sinalo ang bala na para sakin, sana ako ang andito sa kamang to at hindi siya. May parte ng utak ko na nagsasabing ako ang may kasalanan nito. Kung hindi lang ako eager na maghigante, sana walang ganitong mangyayari.

       Ginagap ko ang kamay niya at hinalikan 'yon.

       "Baby, Im sorry. Patawarin mo 'ko. Kasalanan ko kung bakit nasa ganyang sitwasyon ka…" Napahikbi ako. "…kasalan ko 'to, patawad talaga. Pinagsisihan ko talaga 'to."

       Tahimik lang akong umiiyak habang nakahiga ang ulo ko sa gilid ng kama niya at yakap ang kamay niya. Ayoko'ng umalis sa tabi niya. Gusto ko na sa pag gising niya ako agad ang makikita niya.

       Lumipas pa ang mga oras na ganun pa din ang posisyon ko. Pagud na din ang katawan ko. Pero, ang utak ko ayaw parin sumuko.

       Namalayan ko nalang na may tumapik sakin sa balikat. Pero, hindi nako nag-abalang tingnan.

       "Tama na Cha, kailangan mo ng magpahinga." Alam kung sobrang nag-aalala din siya sakin.

       "Nico…" Yumakap ako sa bandang bewang niya. Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak ng umiyak. Ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagpatak. Naramdaman kung hinagod niya ang likod ko.

        "Alam mo hindi matutuwa si Kendrick pag nakita ka niyang umiiyak. Kaya tahan."

       Pero mga hagulgol lang ang tanging sagot ko sa kanya.

       Beeeeeeeep…

       Bigla akong napabitiw ng yakap kay Nicholai. At tumingin kay Kendrick. Mas lalo pa akong napahagulgol. 'Yong hitsura niyang parang nangingisay na naghahabol ng hininga. Flat line na ang rumihistro sa ECG na nasa gilid niya.

       "Oh my god ! Nico…tumawag ka ng doktor please…" Mabilis na pinindot ni Nico ang buzzer.Napatakip ako sa bibig ko. Nagsisimula nako'ng magpanic.

      "N-no…Kendrick please. Hold on. Please, wag mo 'kong iiwan!" Nanginginig nako ng sobra. Hindi ko alam ang gagawin ko.

       Mabilis ako'ng nilapitan ni Nico. At niyakap ng mahigpit.

       "Hey, calm down. Parating na ang doktor." Mabilis na pumasok ang doktor at iba pang mga nurses.

       Nanunuod lang ako sa ginagawa nila. They we're trying to revive his life. And all went black. Hindi ko na kinaya. I collapse. Hindi ko kinayang panuorin siyang nag-aagaw buhay. Siya ang buhay at lakas ko. Kaya paano nako kung wala na siya.

    

  a/n: So lame…bawi bawi nalang next time. Xoxo lablots ♡♡♡

     

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now