∞ Twelve ∞

8.5K 154 2
                                    

Patricia POV :

Napatigil ako sa pagbabasa ng papers ng mag ring ang cellphone ko. Tiningnan ko muna bago sinagot.

"Hello Charles napatawag ka? May problema ba?" Nagulat ako sa sinabi niya. "Kailan pa siya nakabalik? Nag-usap na ba kayo?"

Nawala na ang focus ko sa binabasa ko kaya naisipan kung tawagan ang pinsan ko. Sila ang may ari ng pinakamalaking airlines sa bansa. Kailangan kong e confirm kung totoong nandito na ba talaga ang babaeng yun. Ba't di man lang siya nagparamdam sakin?

Nagulat ako sa sinabi ng pinsan ko. Nong isang buwan pa daw siya nakauwi. Pero ni minsan wala man lang kaming naging balita sa kanya. Iba talaga ang pakiramdam ko eh. Kinakabahan ako sa pag-uwi niya.

Dahil sa sobrang pag-iisip wala na talaga akong gana magtrabaho. I have to do something para alamin kung sang lupalop siya ng bansa nauruon ngayon.

Kinuha ko ang bag at susi ng kotse ko. Nagmamadali akong lumabas.

"Beth, if ever may naghanap sakin just inform them na may importante akong pinuntahan." Nagbilin nalang ako sa secretary ko.

Nang palabas na ako ng parking lot nagulat ako ng mapalingon ang driver ng kotse nayun. Buti nalang mabilis akong nakapag preno. "Chandra?".

Nang mahimasmasan ako sa pagkagulat hinabol ko ang sasakyan niya. Tinandaan ko din ang plate number. Incase na di ko mahabol malalaman ko din kung siya talaga ba yun. Pero mukhang maswerte naman ako. Pumasok sa isang subdivision yung sasakyan. Buti nalang di na masyadong nag usisa yung guard.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Hininto ko ang kotse di gaanong malayo sa bahay na hinintuan nung kotse.

Nang bumaba ang driver nung sasakyan. Hindi talaga mali ang hinala ko siya talaga. Nag iba lang yung style ng panamit niya. Ang fierce niyang tingnan.

Bababa na sana ako ng may sumalubong sa kanyang isang lalaki. Nagbeso silang dalawa. At sabay silang naglakad papasok sa loob ng malaking bahay habang nakahawak sa bewang niya yung lalaki.

Sino yun? Boyfriend niya? o baka naman asawa niya niya. Di naman din imposible matagal siyang nawala. Marami ng nagbago at nangyari. Pero, nong nagtanong ako dun sa pinsan ko nahanap niya naman agad ang name ni Chandra. Wala naman siyang sinabi na nag iba na ang apelyido niya.

Kailangan ko ipaalam to kay Charles. Kailangan ko siyang puntahan.

--

Thirty minutes nakarating din agad ako sa A&M Corp.

Nagmamadali akong sumakay ng elevator papunta sa office ni Charles.

"Andyan ba si Charles ?" Tumango lang ang sekretary niya. Kumatok muna ako bago pumasok.

Nagulat pa siya ng makita ako. "Napadalaw ka Pat? May problema ba?" Tanong noya agad sakin.

"Wala naman may sasabihin lang ako about Chandra." Umupo ako sa may couch.

"What about my sister?" Halata ang pagtataka sa mukha niya.

"I saw her ng palabas ako ng Botique ko. Sinundan ko yung sasakyan niya. Hindi ko alam kong ano niya yun pero may nakita akong lalaki na kasama niya. Alam kong ka close niya yung lalaki kasi nakahawak pa sa bewang niya nong papasok na sila dun sa malaking bahay." Nagkatingin kami ni Charles ng biglang pumasok si Kendrick na halatang narinig ang usapan namin. "K-Ken?" Utal na tawag ko sa kanya.

"San mo siya nakita Pat?" Tanong niya agad sakin. Kinabahan nako ng di na maimpinta ang mukha niya. "Please, Pat. Tell me kung san mo siya nakita." Alam kong nasaktan siya sa narinig niya. Pero hindi pa naman confirm kung ano talaga relasyon ni Chandra sa lalaki na yun.

"A-ano Ken. Hindi pa naman natin alam kong ano talaga relasyon nila nong lalaki." Napatigil ako sumigaw na siya.

"Where the hell did you see her Pat ?! I don't care kung ano man niya yung kasama niya. Ang importante makita at makausap ko siya." Pagkatapos kung ibigay ang address. Agad siyang lumabas ng opisina ni Charles at pabagsak na sinarado ang pinto.

Natarantang humarap naman ako kay Charles. "We have to follow him baka kung ano pang gawin niya." Nagmamadali din kaming sumunod ni Charles kay Kendrick.

"Charles bilisan mo."

Pagkarating namin. Nakita namin na nakatigil lang si Kendrick sa harap nong malaking bahay kung san nakita ko si Chandra.

A/N: hope you like it :)

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now