∞ Four ∞

10.6K 199 2
                                    

KENDRICK'S POV :

"Shit ! engagement? di man lang niya sinabi sakin na ito pala ang plan niya." Bulong ko sa sarili ko. May ginaganap na party ngayon sa Mansyon namin. Akala ko party lang to ng company. Pero mali ako, itong engagement pala ang talaga ang dahilan. "Chandra?" Nakita ko siya patakbong lumabas sa gate. Akmang aalis na sana ako ng biglang e kawit ni Agatha ang braso niya sa braso ko.

"This time wag na wag mo akong ipahiya Kendrick." Sabi ni Agatha na pilit parin ang ngiti sa mga bisita.

"You know na hindi to tama. Hindi kita mahal at wala akong balak na pakasalan ka."

"Hindi naman kailangan na mahal mo ako ngayon. Ang importante mahal kita at sakin ka makakasal."

"Wag kang praning Agatha. Kahit anong gawin mo hindi kita pakakasalan. Pwera nalang kung si Chandra ka. Pero malabong mangyari yun kasi hindi mo siya kayang pantayan. Tandaan mo yan."

Nakita ko ang galit sa mga mata niya. "Akin ka lang Kendrick. Walang kahit sinong magmamay-ari sayo ako lang. Lalong lalo na yang Chandra na yan. Hindi ako papayag."

"Subukan mo lang galawin si Chandra makikita mo ang hinahanap mo Agatha." Sabi ko sa kanya sabay hablot ng braso ko at patakbong lumabas ng mansyon.

Nagulat ang mga bisita sa ginawa ko. Pero wala akong pakialam si Chandra lang importante sakin. Tinawag pako ni dad. Pero di ko sila nilingon.

Pagkalabas ko ng mansyon di ko na makita si Chandra. Pero sigurado akong siya yun. Hindi ako pwedeng magkamali.

Di ko talaga siya makita. Tawagan ko nalang kaya. Dinial ko number niya. Pero ring lang ng ring. Ayaw niya parin talaga sagutin ang tawag ko. Pero bakit bigla akong kinabahan. Ang lakas talaga ng kabang nararamdaman ko.

Nagdrive ako paalis ng mansyon. Hindi ko alam kung san ako papunta. Di talaga ako mapakali. Si Chandra lang ang tanging laman utak ko.

--

"Arghh ! Ang sakit ng ulo ko." Napahawak ako sa sintido ko. Naalala ko kagabi pumunta ako sa isang bar na pag-aari ng kaibigan ko. Hindi ako umuwi sa mansyon andito ako ngayon sa pad ko.

Bumangon nako at naligo. Lunes ngayon kailangan kong pumasok sa skwelahan. Baka makita ko rin si Chandra dun. Kailangan namin mag usap. Hindi ako papayag sa engagement na yan.

Pagdating ko agad sa university na pinapasukan ko tumungo agad ako sa BA department. Hinanap ko agad si Chandra sa kaklase niya. Pero sabi lang niya isang linggo ng di pumapasok si Chandra.

Tinawagan ko agad si Chandra pero out of coverage siya. Kaya si Patricia ang tinawagan ko para itanong kung nasan si Chandra. Bestfriend sila kaya alam kong alam niya kung san ang girlfriend ko.

PATRICIA : "Bakit ka tumawag problema mo?" Inaasahan ko nang galit akong sasagutin ni Patricia. But, I had no choice siya lang yung pwede kung pagtanungan sa kanya.

KENDRICK : "Where is Chandra.? Kailangan ko siyang maka-usap. May dapat akong sabihin sa kanya. Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko."

PATRICIA : "Ang kapal talaga ng mukha mo Montenegro. After what you did sa kaibigan ko?" Biglang pumiyok ang boses niya. "Ipagdasal mo na---" Kinabahan nako sa tono ng boses ni Pat. Kaya hinayaan ko muna siyang matapos na magsalita."Ipagdasal mo na succesful ang operation ni Chandra dahil kung hindi. I swear pag sisisihan ninyo ito ng babae mo." Operation? Hindi ko siya maintindihan.

KENDRICK : "What do you mean ? Anong nangyari kay Chandra." Kinakabahan kong tanong.sa kanya. Sobra nakong nag-aalala. Alam kong umiiyak siya sa kabilang linya halos di na makapagsalita. "Patricia sumagot ka. Asan siya ngayon? Anong nangyari sa kanya ?" Hindi ko napigilan na sigawan siya.

PATRICIA : "Wag mo kong sigawan jerk. As if may karapatan ka. Kasalan mo kong bakit nag aagaw buhay si Chandra ngayon. Simulan mo ng magdasal dahil pag may nangyaring hindi maganda sa operasyon niya. Ako mismo maghahatid sa inyu ng babae mo sa impyerno. Itaga mo yan sa bato Montenegro!!!" Si Chandra nag-aagaw buhay? Ano ba talaga ang nangyari. Shit, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya. Lalo na at ako daw ang may kasalanan.

KENDRICK : "What si Chandra nag-aag---." "Shit di man lang niya ako pinatapos magsalita." Nanlulumo akong napaupo sa sahig. Babe, Im sorry kung nasira ang pangako kung di kita paiiyakin. Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

--

"Oh pare what brought you here? Mamayang gabi pa magbubukas tong bar ko." Andito ako ngayon sa Bar ni Calvin.

"Gusto ko lang uminom." Sagot ko.

"Nabalitaan ko ang engagement nyo ni Agatha. Paano na si Chandra?"

"Walang kasalang mangyayari between samin ni Agatha. Mahal ko si Chandra at kung may pakakasalan man ako si Chandra lang yun."

"Pero alam mo ugali ni Agatha. Gagawa at gagawa yun ng paraan para makuha niya ang gusto niya.'

"Hindi ko siya hahayaan. Anyway wag na natin pag usapan si Agatha. Isipin ko lang ang nangyari kagabi. Tsk! gusto ko ng magwala. Wala man lang akong idea na yun pala ang plano ni Dad."

--

Dalawang araw ng nakalipas simula nong ipaalam sakin ni Patricia ang nangyari kay Chandra. Alam ko na din kung sang hospital yun. Gusto ko siyang makita pero wala akong magawa. Wala akong mukhang maiharap sa parents niya. " Pangako babe, aayusin ko lahat."

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now