∞ Thirteen ∞

8.8K 150 0
                                    

Kendrick POV :

Papasok ako ng opisina ni Charles ng hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila ni Patricia. Parang ilang libong sibat ang nakasaksak sa puso ko ng marinig ko kung sino ang pinag uusapan nila.

Gulat pa sila pareho ng makita ako. Tinanong ko si Patricia kung san niya nakita si Chandra. Nagpaliwanag pa siya na hindi naman daw sigurado kung ano talaga relasyon ni Chandra dun sa lalaki. Pero di ko maiwasan na makaramdam ng sakit.

Sana lang hindi pa huli samin lahat. Mahal na mahal ko siya eh. Siya at siya lang ang babaeng mamahalin ko habang nabubuhay ako. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. This is so gay but who fucking cares. I was hurt.

Mabilis ko naman natuntun ang address na binigay ni Patricia kung san niya nakita si Chandra. Hindi rin ako nahirapan hanapin kung san nakatira si Chandra. Kakilala ko kasi ang may ari nong subdivision. Napag-alaman kung kakabili lang pala niya ng bahay na yun.

Tinigil ko ang sasakyan ko sa harap ng bahay niya pinagmasdan kong mabuti. Siguro andyan sya sa loob. Pero wala akong lakas ng loob na puntahan siya.

Napasandal ako sa upuan ng sasakyan ko ng may dalawang tao na lumabas. Isang babae at isang lalaki magkahak kamay sila. Nang masigurado kong siya ang babae bigla akong nanlumo. "Huli na ba ako Chandra? Wag naman sana."

Nakita kong sumakay yung lalaki dun sa isang sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay niya. Kumaway siya dun sa lalaki.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kotse ko. Huminga ng malalim. Bahala na basta kailangan ko siyang makausap. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"C-Chandra?" Nagulat siya ng makita niya ako.

"K-ken?"

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Bakit ka nandito? Bakit mo alam na andito ako?" Napansin ko ang kamay niyang nanginginig. Alam kong na te-tense siya pag ganon.

"How are you? Masaya ako at nakakalakad ka na pala ulit."

"S-Salamat.Anyway Im fine. Thanks for asking. How are you din?"

"Hindi mo ba ako iimbitahin pumasok sa loob?"

"Ah pasensya na Ken. Gusto ko man na imbitihin ka sa loob di kasi pwede eh. Aalis kasi ako eh."

"Dahil ba dun sa lalaking kaka alis lang kaya ka umiiwas sakin Cha? Ano mo ba yun ?"

"Hindi naman sa ganun. May pupuntahan lang talaga akong importante. And If you'll excuse me aalis nako." Bago siya makasakay sa kotse niya hinawakan ko siya sa braso. "Ken please. I have to go." Inalis niya lang ang kamay ko. Pero pagtalikod niya. I tightly wrapped my arms around her. I cant just let her go. I know gusto niya lang akong iwasan.

"I missed you so much. And I still loved you. Please come back to me Chadra. Please Im begging you. Let's start over again." Pero inalis niya lang anng mga braso kung nakayakap sa kanya.

"Please Ken. Kung ano man meron tayo dati kalimutan muna. Dahil ako yun din ang ginawa ko. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. " Humarap siya sakin emotionless. "Meron nakong boyfriend and were planning to get married. Mahal ko siya Ken. Kaya please mag move on kana e let go muna ako." Tumalikod uli siya at nagsalita. "And I don't love you anymore. Kaya wag mo narin akong mahalin Ken." Humakbang siya palayo pero hinawakan ko siya ng mahigpit sa kamay at lumuhod.

"Chandra mahal na mahal kita. Kung sana ganon lang kadali mag moved on ginawa ko na. Tas hihingin mo sakin na wag na kita mahalin tingin mo kaya ko yun? Isipin ko pa nga lang na tuluyan ka ng mawawala sakin, sobrang sakit na dito sa dibdib ko. Parang hiniling mo na din sakin na tumigil nako sa paghinga. Kaya please Chandra ako nalang uli. Ikamamatay ko pag nawala ka pa sakin."

"Tama na Ken please ! Hindi na kita mahal hindi mo ba naiintindihan yun? Hindi na ikaw yung taong mahal ko ngayon." Hinila niya ng malakas ang kamay niya, dahil dun tuluyan ko siyang nabitawan. Mabilis siyang sumakay sa kotse niya at mabilis na pinaandar yun. Nakaluhod ako habang nakasabunot sa buhok ko at umiiyak.

Namalayan ko nalang na may tumapik sa balikat ko.

"Hayaan mo muna ang kapatid ko. Mag usap nalang kayo ulit pag ok ka na."

"Iniwan na niya ako ng tuluyan. Hindi na siya babalik. Gusto ko man siyang ipaglaban hindi ko alam kung magagawa ko pa. Kasi mahirap lumaban ng nag iisa."

"Tara na Ken. Maayos din lahat. Tama si Charles mag usap nalang kayo ulit pag ok ka na."

--

Dumiretso nalang kami sa bar ni Calvin. Hinayaan nalang ako ni Patricia at Charles. Alam kung naiintindihan nila ako.

"Chandra hindi parin ako susuko. Magiging akin ka uli tandaan mo yan. Akin ka lang. Mababawi din kita." Sabi ko sa sarili ko.

A/N : Sarap iyakan ng lalaki. Sana ako din. :(

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon