∞ Five ∞

10.1K 190 0
                                    

Third Person POV :

"Doc, mahigit isang buwan na. Hindi parin gumigising ang anak ko. Di ba sabi niyo ok na naman siya." Tanong ni Mrs. Aragon.

"Minsan meron talagang ganitong kaso. Meron po ba kayong alam na traumatic experiences na nangyari sa kanya bago siya maaksidente? Kasi kung meron man. Marahil yun ang dahilan kung bakit ayaw pa din gumising ng pasyente. Kung kailan siya gigising hindi natin alam, nasa pasyente na kung kailan niya gustong gumising." Matamang pinagmamasdan niya ang maanong mukha ng anak. Napaiyak nalang si Mrs. Aragon. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari kay Chandra.

"Anak, please gumising kana. Pangako babawi ako sa mga pagkukulang ko. Diba marami ka pang pangarap? Tutuparin mo pa yun di ba?" Napuno ng kalungkutan ang buong kwarto. Mga hikbi lang ang tangi mong maririnig.

"Hon, kailangan mo munang magpahinga. Ilang araw kanang nagbabantay dito."

"Hindi ko iiwan ang anak natin dito. Kailangan niya tayo." Biglang napahinto si Mrs. Aragon sa pag-iyak ng gumalaw ang daliri ng anak. "Hon? Nakita mo yun? Gumalaw ang daliri niya."

"Wait tatawagin ko lang ang doctor." Mabilis na napatakbo si Mr. Aragon palabas.

Dahan dahan iminulat ni Chandra ang mga mata niya. Napatingin siya sa gilid niya. Nakita niya ang ina. "Mom?"

"Anak, buti gising kana. Alam mo matagal kang natulog. Nag-aalala na kami sayo ng sobra." Lumapit pa ng konte sa kanya ang ina, hinalikan ang noo niya. Napaluha siya. Ngayon nalang uli ito ginawa ng ina.

"Asan si dad?"

"Tinawag lang niya yung doctor anak. Para ipaalam na gising kana."

Akmang babangon siya ngunit hindi niya maigalaw ang mga binti niya. Kinakabahan na siya. Pinilit niyang igalaw uli ngunit ganon padin. Hindi na niya mapigilan ang mapaiyak.

"Anak may masakit ba sayo? Bakit ka umiiyak?" Halata ang pag-aalala sa boses ng ina.

"Mom, ang mga binti ko. Hindi ko maigalaw." Hindi na niya mapigilan ang mag hysterical. "Ang binti ko bakit di ko naigalaw?!" Pinaghahampas na niya ang binti niya. Awang awa si Mrs. Aragon sa anak. Tanging pagyakap nalang dito ang nagawa niya.

"Anak tama na. Wag mong saktan ang sarili mo." Napaiyak pa lalo si Mrs. Aragon. Lumapit agad ang doctor at si Mr. Aragon sa kanila.

"Doc, anong nangyayari sa anak ko bakit hindi niya maigalaw ang mga binti niya?" Iyak na tanong ni Mrs. Aragon.

--

Binigyan lang ng pangpakalma si Chandra. Nakatulog siya uli. Sabi ng doctor, ok naman daw ang resulta. Bunga lang daw ito ng trauma na tinamo niya sa aksidente. Tanging siya lang din daw ang makakapag desisyon kung gugustuhin niyang makapaglakad ulit.

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now