∞ Thirty Four ∞

5K 78 0
                                    

Chandra POV :

I don't know. Kapag si Kendrick ang nagsalita, lage akong tinatamaan. Ganyan ko ba talaga s'ya kamahal? Well, no doubt naman. Si Nico nga napansin din 'yon. But speaking of Nico, still ang guilt feeling is still there.

Minahal ko si Nico, yes. Pero hindi tulad ng pagmamahal ko kay Kendrick. Na kahit ano'ng gawin ko para kalimutan siya, still ang puso ko s'ya parin sa ang hinahanap.

Napatigil ako sa pag-iisip ng bumaba na ng stage si Patricia. Sinalubong ko s'ya para e congratulate ulit.

"Congratulation Pat." Sabay halik sa kanya sa pisngi.

"Thank you Cha. Without you wala talaga ako dito." Umiling ako.

"No Pat, kahit wala ako kaya mo parin makarating dito, napaaga nga lang ngayon." Napangiti siya.

"Basta thank you parin." Napaiyak na sya. "Ayan nagdadrama nako tuloy, kasalanan mo 'to." Natawa nalang din ako.

"Wag ka nga umiyak. Di bagay sayo. Ang pangit mo." Biro ko sa kanya.

Hinampas pa talaga ako sa braso. "Hoy! Di porke't maganda yang suot mo, eh may karapatan ka nang laitin ako."

"Aray! Masakit 'yon ah. Brutal mo talagang babae ka. Di ka na nagbago." Sabay tawanan kami.

"Congratulation Pat." Napatigil kami sa pagtawa ng may magsalita sa likod ko.

Hinawakan naman ako ni Pat sa braso. Kaya napaharap ako dun sa nagsalita.

"Thanks Kendrick. Anyway, we're going to Calvin's Bar. Wanna go with us?" Napatingin s'ya sakin.

"Ok lang ba Cha?" I just nodded. After all, it was Patricia who invited him not me. Ayoko naman magpaka kj.

"So, I think that's a yes. Just wait for me here, may kakausapin lang ako. And after that we're going." Pat said.

"Take your time Pat." Sabi ko.

"Ok then, I just leave you two here." Pat winked at us. Kaya pinandilatan ko s'ya ng mata. Bruha talaga, nang-aasar pa.

"Let's just take a seat here, while waiting for Pat."

"Sure." Tipid kong sagot. Inalalayan nya akong makaupo."Thank you."

"Anything for you." And smiled. Ginantihan ko lang din s'ya ng ngiti.

After an hour, natapos din si Pat sa pakikipag-usap. And Im happy for her. Ito na 'yong matagal n'yang pangarap eh.

Nakangiting lumapit samin si Pat na may bitbit na bouquet ng flowers. "Let's go?" Aya n'ya.

"Tara." Sabi naman ni Kendrick at tumayo na pero nagulat ako ng ilahad n'ya ang kamay n'ya sakin. "Alalayan na kitang tumayo." Si Pat pangiti ngiti lang habang nakatingin samin.

"Sure. Thanks." Hindi ko nalang pinansin ang reaksyon ni Pat. Kanina pa 'yan namumuro sa pang-aasar eh. Kahit di pa 'yan magsalita. Sa tingin palang alam na.

"Kay Kendrick ka na sumabay Cha. Alam kong hinatid ka lang ni Charles kanina kaya alam kong wala kang sasakyang dala." Sabi ni Pat ng makarating kami sa parking lot ng venue ng fashion show.

"Maluwang naman sa kotse mo. Sayo nalang ako sasabay." Alam ko na 'yang style ni Pat. Gusto niya lang na sabay kami ni Kendrick.

"No I insist. Maraming sasabay sakin. Kaya sa kanya kana sumabay." Tumingin ako kay Kendrick na kanina pa tahimik.

"Sabay ka na sakin. Don't worry harmless ako." Kita ko na sa mga mata n'ya na medyo malungkot s'ya.

"Ok. I think wala narin naman akong magagawa." Sabi ko.

"Let's go?" Tumango lang ako.

"Kita nalang tayo 'dun Cha." Sabi ni Pat.

Binuksan na n'ya ang pinto ng kotse n'ya at inalalayan n'ya akong sumakay. Ayoko nga sana kaya lang alam kong mag i-insist parin si Patricia. Knowing her.

"Thanks. Alam mo pwede naman sana ako'ng magtaxi eh."

"Takot ka ba sakin Cha?" He sighed. "Look, Im really sorry, I know I was jerk that time." Ramdam ko sa boses n'ya ang pagsisi. Kaya lang di naman 'yon eh. It feels awkward pag kami lang talaga ang magkasama.

"Ken...hindi naman 'yon, kaya lang---." Tumingin s'ya sakin.

"Kaya lang ano Cha?" Tanong n'ya. Umiwas ako ng tingin.

"Never mind. Alis na tayo." Sabi ko.

"Ok. Just fasten your seatbelt." Sabi n'ya. Kaya sinunod ko nalang. Kaya lang nagulat ako ng bigla n'yang patakbuhin ang sasakyan n'ya. Sobrang bilis. Kaya medyo nainis ako.

"Slow down please! Kung gusto mong magsuicide kaw nalang ! Wag mo 'ko idamay !" Pero para lang s'yang binging walang naririnig."Kendrick ano ba!?" Mas lalo pa n'yang binilisan ang pagpapatakbo. Hanggang sa makarating kami sa bar ni Calvin.

Mabilis akong bumaba sa kotse n'ya. At pabagsak na sinara ang pinto. Narinig ko pa s'yang sumigaw. Pero di ko nalang pinansin. Dumiretso nako sa pag-pasok sa loob ng bar. "Kaasar."

a/n : almost there...The Ending ^________^ Keep on reading guys. Thanks !

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now