∞ Fourty Five ∞

4.9K 74 0
                                    

Chandra POV :

       "So how was everything?" Tanong ko sa organizer ng party na gaganapin mamayang gabi.

       "Handa na s'ya lahat." Nakangiting sabi n'ya.

       "Thank you Steffi."

       "Hey Cha, wag mo nga pinapagod ang sarili. Magpahinga ka naman. Masama sayo ang nagpapagod." Napalingon ako sa nagsalita mula sa likod.

       "Nico? What are you doing here? Akala ko your in Cebu. 'Di ba dapat hapon ka pa makakabalik?" Lumapit ako sa kanya at nagbeso.

       "Maaga kasi akong natapos eh. And I missed you already." Napangiti nalang ako. He's always sweet talaga. Sana talaga makahanap s'ya ng babaeng magmamahal sa kanya ng buong buo. Not like me. I only hurt him.

        "You know that, I've always missed you Nic. Anyway samahan mo 'ko, let's have lunch." Kumislap naman ang mata n'ya.

       "Wow! Tamang tama lang pala ang dating ko. Let's go, treat kita. San mo gustong kumain?"

       "Sa fav resto naman ni Pat tayo. I'm sure, magugustuhan mo dun. Nag ki-crave kasi ako ng sweet and spicy crab." Ngumiti naman s'ya.

       "So tara?"

       "Yah, let's go." Inalalayan n'ya naman ako. Naka-angkla ang braso ko sa braso n'ya.

       He opened the car door for me.

       "Thanks Nic."

        "Anything for the you beautiful." Natawa nalang ako. He used to be like this.

       Lakad takbo naman s'yang lumipat sa driver seat.

       Tahimik lang kami sa buong byahe.

__

       "Were here?" Inalalayan n'ya akong makababa ng kotse.

        "Thank you."

        "Wow! I like it here. The cozy ambiance sobrang nakakarelax. Gaganahan ako kumain for sure."

       "Ganyan ganyan din reaksyon namin ni Patricia, nung first time palang namin na kumain dito."

       "Upo kana, mahal na prinsesa." Seryoso 'yong mukha nya. Kaloka 'to eh. Umakto ba naman na parang servant ko lang s'ya, may payuko yuko pang nalalaman. Baliw talaga, pinagtitinginan tuloy kami. Hinampas ko nga.

        "Baliw ka talaga. Umayos ka nga Nic. Hahaha."

       "Baliw pero napatawa naman kita."

       "Oo nalang."  Napailing nalang ako. Tapos tinawag na nya ang waiter at sinabi ang order namin.

       "How was everything? Ok na ba?" Tanong n'ya. Anyway, baka nagtataka kayo. 'Yong prepartion sa party ang ibig n'yang sabihin. Tonight na kasi 'yong pagpapakilala ko in public, as CEO/President of CMA Empire.

        "Ok naman lahat. Magaling si Steffi eh." Sabi ko.

       After nun, dumating na order namin. Mas lalo tuloy akong nagutom pagka kita ko ng sweet and spicy crab. OMG! naglalaway nako eh,

       "Dahan dahan naman Sweetie, baka mabilaukan ka na n'yan. Magalit pa sa'yo si baby. Saka di kita uubusan. Haha"

        "Gutom na gutom na kasi ako eh.Saka ang sarap ng sweet and spicy crab." Sabi ko. Totoo naman. Even di pa'ko preggy. It's one of my favorite.

       "Pansin ko nga sarap na sarap ka kasi eh." Pero, nabilaukan nga ako. Pero, dahil 'yon sa nakita ko.

       "Here, drink this. Ang takaw n'yo kasi ni baby eh." Pero, suddenly my tears drop down. Nagulat s'ya. "Why? May masakit ba sayo, I think I have to bring you in the hospital."

       "N-no…" I sniffed. Nakatingin lang ako sa kanila. They're sweet with each other. I don't know kung sino ang girl na 'yon. I have to admit that she's beautiful. Sexy but simple.

       Napatingin na din si Nico sa direksyon kung san ako nakatingin.

       "Hey, stop crying sweetie. Its bad for you as well as for the baby." Lumapit s'ya sakin at niyakap ako. Napahagulgol na'ko. Agaw atensyon na din kami, pero hindi kami napansin ni Kendrick, medyo busy kasi s'ya sa pakikipag-usap sa babaeng kasama n'ya. It seems that they were enjoying each others company and its hurting me a million times.

       "Nic, it's hurt right here." Tinuro ko ang bandang dibdib ko.

       "Shhh, I know. Let's go home?" Aya n'ya sakin. Tumango nalang ako. Nag-iwan nalang s'ya ng two thousand bill, na inipit n'ya sa menu.

Kendrick POV : [PART Ⅰ]

        I was with Zaine, anak ng kaibigan ni dad. Pinakiusapan kasi ako ni dad na samahan ko daw si Zaine mamasyal. 'Di kasi n'ya kabisado ang Manila. Their family live in Bicol kasi. Since hindi rin naman ako ganun ka busy, I accompany her. I like her, kasi magaan lang s'yang kasama, napaka masayahin n'ya. Lahat ng qualities ng babae nasa kanya na, like Chandra. And speaking of her, I saw her with Nico. I'm jealous yes, kahit naman tinulak n'ya ako palayo still yung pagmamahal ko for her, andun parin naman.

       I saw them laughing. 'Yong tipong parang sila lang ang tao. Gusto ko na ngang suntukin yang Nico na yan eh. Ako sana ang kapiling at nag papasaya kay Chandra ngayon. Muntik ko na sanang makalimutan na wala palang kami at nasa stage ako ng moving on. Tch. Ang hirap pala pag nakikita mo lang s'ya sa paligid. Mahihirapan kang magpanggap na hindi ka apektado. Dahil kahit anong kumbinsi mo sa sarili mo na baliwalain s'ya. Wala eh. Sa tingin ko nga, ngayong mas pinili kong layuan s'ya eh mas lalo lang tumindi ang pagmamahal ko sa kanya.

       "Earth on Kendrick." Narinig kong sabi ni Zaine. Bigla akong natauhan na may kasama pala ako. Napunta kasi kay Chandra and Nico ang atensyon ko.

       "Oh, Im sorry Zaine. May iniisip lang ako." Sabi ko.

       "Trabaho o Babae?" Nangunot naman noo ko sa tanong niya.

       "It's about business. Anyway, what do want to eat?" Pero nakita kong napailing s'ya at napangiti. "What does that smile means?"

       a/n : may part Ⅱ pala ang POV ni Kendrick Medyo mahaba kasi ang conversation nila ni Zaine. Thank you guys, keep on reading lang po. Please do vote and comments. I just want to hear any feedback coming from you. Love lots. Xoxo ♡♡♡

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now