∞ Fourty One ∞

4.7K 85 2
                                    

Chandra POV :

       Nagulat ako ng biglang kumalabog ang pinto. Sinipa pala n'ya. Mabilis siyang lumapit sakin at binuhat ako. Wala narin naman akong lakas para pigilan s'ya. Dinala niya ako sa kama ko. Inayos n'ya ako ng higa.

       "How are you feelin now Babe? May nakain ka bang hindi mo nagustuhan? Baka na food poison ka na. Dadalhin na kita sa hospital." Alam kong sobrang nag-aalala lang siya.

       "Im fine, kaya pwede ba. Wala akong malalang sakit." He sighed.

       "Pero sa tingin ko kailangan mo paring matingnan ng doctor." Nainis na ako sa pamimilit niya.

       "I said, Im fine! Can't you understand!? Im ok!" Singhal ko sa kanya, ewan basta nalang akong nairita.

       Napatingin s'ya diretso sa mata ko. "Ako na nga 'tong nag-aalala sayo. Ikaw pa 'tong may ganang magalit sakin." Sabi niya.

       "Pwede ba, Ken!? Tumahimik kana! Mas lalo lang sumasama pakiramdam ko dahil sa ingay mo! Magpapahinga nako. Makaka-alis ka na!" Sigaw ko.

       "Bahala ka nga! Ako na'tong nagmamalasakit, ako pa ang masama!" Akmang lalabas na siya.

       "Sige, umalis ka! At huwag ka ng babalik!" Bigla siyang natigilan.

       "'Yan ba talaga ang gusto mo?"

        "Oo." Diretsong sagot ko ng 'di nag-iisip.  Kaya napaharap s'ya sakin.

        "Akala ko may maaayos pa sa relasyon natin. Akala ko, babalik ka rin pag nag effort ako at ipakita sayo na sobrang nagsisisi ako sa nangyari dati. Kaya nga kahit ng bumalik ka wala kang narinig sakin na anumang panunumbat, kahit umalis ka ng walang paalam. Kasi mahal kita eh. 'Yong pangako natin sa isa't isa ang pinanghahawakan ko." He sighed. "Pero narealize ko na puro lang pala ako akala. Na, nag-iilusyon lang pala ako ng mga imposible…" Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit sobrang sakit?. "…siguro this time. Kailangan na kitang pakawalan. Wala na rin naman 'tong patutunguhan. Kaya sige, I'll set you free. Sana maging masaya ka. At mag-iingat ka lage. Alagaan mo din ang sarili mo…" Nakita kong may namumuo ng luha sa mata niya. "…at kung magkikita man tayo. I'll make it sure that its all about business. Im sorry kung siniksik ko pa ang sarili ko." At tumalikod na siya. "Goodbye Chandra." Tuluyan ng lumabas.

       Sinagad ko na ba siya? Is he giving up? Ito na ba ang end ng istorya namin? Ito na ba ang closure? Tuluyan na ba talaga s'yang nawala sakin? Gusto ko mang bawiin ang sinabi ko at habulin s'ya. 'Di ko naman magawa dahil hinang hina nako. Pinairal ko ang galit ko. Hindi ko naman sana intensyon na ganito ang kahinatnan. Tanging hagulgol nalang ang nagawa ko.

       a/n : sana nagustuhan nyu po. Wala kasi akong ibang maisip naiinis nga ako eh. May na type nako kaya lang nawala nalang na parang bola. Huhuhu.

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now