∞ Ten ∞

8.8K 163 0
                                    

Charles POV :

Its been three years pero bigo pa din kaming mahanap ang kapatid ko. Huli na namin nalaman na hindi pala talaga siya pumunta kay grandma. Mas pinili niyang lumayo samin lahat. Ni minsan hindi siya nagparamdam samin. Masyado kaming nag-aalala sa kalagayan niya. Sana lang bumalik na siya. Masyado siyang nasaktan sa mga nangyari.

"Charles, may balita na ba kay Chandra?"

"Wala pa din. Siguro hindi pa sya handang bumalik."

"Anyway bakit andito ka? Sawa ka na ba sa buhay mo Montenegro?" Napangiti siya sakin. Alam ko naman na kung nahihirapan kami mas nahihirapan siya kasi wala siyang alam sa pag-alis nun ng kapatid ko. Di man lang niya nakita na umalis at makapagpaalam.

"Sana ok siya. Kasalanan ko lahat eh kung bakit lumayo sya satin lahat." Tinapik ko sya sa balikat. Sabay abot ng kopita na may lamang alak.

"Hanggang kailan mo sisisihin ang sarili mo? Kagaya ng sabi ni dad. Walang may gusto ng mga nangyari dati. Aksidente lang yun. Wag kang mag-alala babalik din ang kapatid ko." Lumagok ako ng alak habang nakatanaw sa labas. Tanaw ko ang buong ciudad mula dito sa opisina ko. "Anyway, musta ang pag-uusap niyo ni Mr.Muñoz?" Umiba ako ng usapan kasi kita ko na naman ang paghihirap ng kalooban nya dahil sa paglayo ng kapatid ko.

"Na close ko ang deal. And yung project natin tuloy yun."

"Good to hear that. Anyway alam mo bang nakipag set ng meeting si Mr.Salazar sa CMA Empire. Alam mong madumi silang lumaban. Katulad ng ginawa nila dati sa kompanya nyo. Kaya mas kailangan natin na mas mag-ingat. Dapat tayo ang mapili ng CMA Empire. Malaki ang maitutulong nila sa kompanya natin."

"Sinisiguro ko sa pagkakataong ito tayo ang mananalo. Kaya wag kang mag-alala." Simula nong nalaman nya ang tungkol sa ginawang panggigipit ng mga Salazar sa pamilya nila mas nagpursige pa sya. Hinikayat niya akong magtayo ng kompanya na kakalaban sa Salazar Inc. Well, pumayag ako dahil sa kapatid ko. Sila ang totoong may kasalanan kung bakit lumayo samin ang kapatid ko.

"Next Week nga pala anniversary na ng kompanya. Masaya ako sa takbo ng business natin in just three years mas lalo pang lumalago. Let's cheers sa success natin."

"Well, Cheers !" Natigilan kami ng tumunog ang intercom. "Yes, Maan? Ok. Thanks." Humarap ako kay Kendrick. "Anyway may bisita ka daw sa opisina mo na nagwawala. Hanggang ngayon hindi parin napapagud kaka buntot sayo ang baliw na babae na yun?" Napatayo siya bigla. Kita ko ang galit sa mga mata na na anytime pwede kumain ng buhay.

"Puntahan ko lang. Hindi ako papayag na may anak ng demonyo na gumala dito." Natawa nalang ako. Alam kong mainit talaga ang dugo niya sa babaeng yun.

"Ingat ka Montenegro baka hatakin ka niyan sa impyerno." Biniro ko siya baka kasi mapatay naniya ang babaeng yun pag nakita niya.

"Sila ang mag-iingat sakin. Sige kita nalang tayo mamaya." Tumango lang ako sa kanya.

Lumagok ako ng alak. Nagulat pako ng tumunog ang cellphone ko. Private Number. Pinindot ko ang answer button.

"Hello?" Nabitiwan ko ang phone ko. Hindi ko alam ang ire-react ko. Nagulat kasi ako.

Itutuloy...

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now