∞ Fourty Seven ∞

4.8K 79 1
                                    

Nicholai POV :

Andito nga pala ako sa party na pina organize ni Chandra. And hinihintay ko din si Kendrick. Hindi ko 'to kailangan pang patagalin. Ayoko'ng nahihirapan at nasasaktan ang babaeng mahal ko. Kailangan na malaman ni Kendrick ang kalagayan ni Chandra. Bahala na kung magalit s'ya sakin, para din naman sa kanya ang gagawin ko.

"Hi Nic, si Chandra?" Tanong sakin ni Patricia ang bestfriend ng babaeng mahal ko. I find her beautiful like Chandra, may pagkapalaban 'yong dating n'ya. Sa unang tingin palang alam mo ng hindi ka talaga sasantuhin. In short, she's a strong woman with a strong personality. But, then walang attraction. Only Chandra got my heart, and nobody can steal it.

"She's still in her place. But I think she's on her way here." Sagot ko. Pero ang totoo nasa secret room lang siya ng CMA Empire.

"I see. Thanks. Ba't andito ka sa entrance? Ba't di ka muna pumasok sa loob." Tanong niya.

"No it's ok, may inaantay pa kasi ako eh."

"Ok. Sige, I'll go ahead."

"Ok. Just take your time Pat. Enjoy." Tumango lang s'ya sakin at ngumiti.

Nag-antay pa'ko ng few minutes. Bago dumating ang taong inaantay ko. But then, hindi s'ya mag-isa. His with someone. Siya 'yong babaeng kasama n'ya nung nakita namin s'ya sa resto. Sinalubong ko sila.

"Buti nakarating. Hope you still remember me. Nicholai here." Sabi ko, sabay abot ng kamay ko. Nangunot naman ang kilay niya.

"Yeah of course. Hinding hindi kita makakalimutan." Halata'ng sinadyang idiin ang pagkasabi n'ya. Alam kong nagseselos s'ya sakin.

"Alam kong hindi ka komportableng kausapin ako. Pero, sorry pare, may importante lang sana akong sasabin."

"Kung tungkol kay Chandra 'yan. Don't bother." Napabuntong hininga ako. "If you'll excuse us. Papasok na kami."

"But, you have to hea---" Pinutol n'ya ang sana sasabahin ko.

"Please, sana maintindihan mo Mr. Alejandro. Were not here para pag-usapan ang private life ng mga business partners namin." Nainis ako sa sinabi niya. Naikuyom ko nalang ang kamao ko.

"Sige, ito nalang ang sasabihin ko sayo. Makinig kang mabuti. Sana hindi mo pagsisihan ang araw na'to. Kasi, sinisigurado ko sayong wala ka ng babalikan. Wala ka rin namang kwenta eh. Sana hindi nalang ako nagpaubaya. Sana hindi nangyari 'to. Sana hindi nasasaktan ang babaeng mahal na mahal ko, ng dahil sayo." Sabay tumalikod na'ko, habang nakakapagpigil pa'ko.

Kendrick POV :

The hell with him. Naiwan ako'ng nakatulala dito. Napansin kong may tumapik sa balikat ko. Dahil sa inis ko, nakalimutan kong kasama ko pala si Zaine.

"Are you alright?" Tanong niya.

"Yeah, of course." Sagot ko.

"Alam mo dapat pinakinggan mo muna siya, hindi ko siya kilala pero alam kung mabuti siyang tao."

"Kung may kailangan man akong kausapin, walang iba kundi si Chandra 'yon."

"Pero dapat kinausap mo parin siya."

"Kanino ka ba kampi? Ako ang kaibigan mo Zaine. Hindi ang gagong 'yon." Nakita kong napailing siya.

"Buti nga gago siya eh, kasi kung hindi. Hindi mo sana nakasama si Chandra." Alam kong tama siya. Pero, masisi nyo ba ako? Eh, nagseselos ako eh. Kasi s'ya ang taong nasa tabi ni Chandra nung mga panahong kailangan niya ng may karamay. Siya ang taong pumalit sa pwesto na dapat ay ako.

"Halika na nga, nagsisimula na ang party." Tumango naman s'ya sakin.

Kakausapin ko na s'ya right after ng party.

----

"Aragon, kailan ka pa nakabalik?" Nakasalubong ko si Charles.

"Kaninang umaga lang. Tinawagan kasi kami ni Chandra."

"I see. Who's with you?"

"Im with my family, kasama ko din si mum and dad. Andun sila sa Table." Kompleto pala sila. "So, who's this beautiful woman beside you?" Tanong n'ya habang nakatingin kay Zaine.

"Im Zaine Alcantara. Kendrick's new friend." Sabi na eh over confident 'yan. 'Di na naintay na ipakilala ko s'ya. In-extend niya ang kamay n'ya. Seryoso naman ang mukha ni Charles.

"I see. Nice to meet you Zaine. Charles Aragon here." Nagkamay naman sila.

"Oh, you must be the brother of Chandra?" Nangunot naman ang noo ni Charles.

"You know my sister?"

"Uhm, not really. Pero, para ko na din s'yang na meet personally. Bukang bibig lage 'yan ni Kendrick eh. Kulang nalang s'ya na maging si Chandra. Kaya nga kahit ayaw n'ya sana akong pasamahin dito, nagpumilit parin ako. I want to meet and be friend with Chandra. Siguradong magkakasundo kami and I know we had a lot of things in common." Napangiti nalang si Charles sa sobrang daldal ni Zaine.

"Awat na nga Zaine. Ang daldal mo eh." Napaismid lang s'ya.

"May table na ba kayo?" Tanong ni Charles.

"Wala pa nga eh. We just arrived."

"Join na kayo sa table namin, siguradong matutuwa si Matt pag nakita ka."

"Sure." Maikling sagot ko.

----

a/n : Next chapter na ang thrill. Umapaw na idea ko eh. Lol ツ Enjoy reading guys. Xoxo lablots ♡♡♡

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon