∞ Tweenty Nine ∞

4.9K 89 0
                                    

Patricia POV :

Napansin kong wala samin ang atensyon ni Chandra. Buti nalang hindi 'yon napansin ng mga kasama namin. Busy sila sa pag chi-chikahan. Tiningnan ko 'yong direksyon, kung san s'ya nakatingin. And there, I saw Kendrick, pero hindi s'ya nag-iisa may kasama s'ya. At napansin ko pa may pahawak hawak kamay pa sila. At nagulat ako ng halikan nong babae si Kendrick. Tiningnan ko uli si Chandra. Pero, nakita kong may namumuo ng luha sa mata n'ya. Nakikita kong nasasaktan na s'ya.

I hold her hand. Napatingin s'ya sakin but suddenly tears fell down from her eyes. Pinunasan n'ya 'yon agad.

"Guys please excuse us. Powder room lang kami." Paalam ko. Tumango lang din ang mga kasama namin. Kaya mabilis kong hinila patayo si Chandra. Nagpaubaya lang din s'ya sakin.

"Mahal mo pa din s'ya right?" Tanong ko agad sa kanya pagkapasok namin agad sa powder room. But instead sumagot s'ya. Mahigpit nya akong niyakap at malayang humagolgol sa balikat ko.

"It's ok. Ilabas mo na lahat. But, I just want you to know na kahit ano'ng desisyon mo. I will support you always." Kahit nagbago si Chandra ng ugali at style ng pananamit still andyan parin ang soft side n'ya. Maldita man s'ya ngayon hindi parin 'yon sapat para takpan ang buong pagkatao n'ya. Ang mabuti Chandra Aragon na bestfriend ko.

"Pat ang sakit pala. Hindi ko kayang makita s'yang may kasamang iba." Ramdam ko 'yong paghihirap ng kaluoban n'ya.

"I know the feeling Cha. Kaya iiyak mo lang 'yan." Yeah, alam ko 'yong feeling na ganyan. Kasi naranasan ko na rin 'yan dati.

"Cha, I have something to share on you. Siguro makakatulong to kahit paano. Matagal ko 'tong itago. Kahit sayo." Huminga ako ng malalim.

"Alam mo bang muntik nako'ng magka baby." Napatingin s'ya sakin with curiousity. "Yes, totoo 'yon. Pero 'yong ama ng baby ko, nakagawa ng pagkakamali. At naging dahilan para mawala samin ang baby namin." Nakikinig lang s'ya sakin. Kaya nagpatuloy lang ako. "Dahil sa maling akala n'ya. Nag conclude s'ya agad ng bagay na hindi naman totoo. Naging padalos dalos s'ya. Sinugod nya yong lalaking akala nya karelasyon ko. Nagsuntukan silang dalawa. Hindi ko alam anong gagawin ng time na yon." Umiyak na din ako, 'di ko na napigilan.

"Nagulat nalang ako ng tutukan ng baril ng ama ng baby ko 'yong lalaki. Dahil sa takot ko na iputok nya 'yon. Inagaw ko 'yong baril. Pero habang nag-aagawan kami, hindi nya sinasadyang maitulak ako..." Humagolgol na ako. 'Yon kasi ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Sa tuwing naalala ko 'yon nag be break down ako. Himala na nga lang na nacontrolled ko 'yong emosyon ko ngayon.

"...and that time, we lost our baby."

"Patricia?"

"Don't worry, Im ok. At after ng pangyayaring 'yon. I decided na hiwalayan s'ya kasi akala ko 'yon ang makabubuti samin pareho. Pero mali pala ako. Kasi mas dobleng sakit ang nangyari. Isang araw nakita ko s'yang masaya sa feeling ng iba. Para'ng pinatay na rin ako. Maraming sanang tumakbo sa isip ko na hindi na pwedeng mangyari. Kasi dapat pala simula palang inayos ko na dapat hinirap namin ang problema ng sabay. 'Yon ang pinakamaling desisyon ko ang e let go ang taong mahal ko. Matagal akong nagluksa sa Pagkamatay ng baby ko at pagkamatay ng puso ko. Up to now mahal ko parin sya di ko magawang magmahal ng iba kasi s'ya lang 'yong ng dito." Sabay turo sa dibdib ko.

"Kaya sana Cha. Ayusin mo na lahat bago pa tuluyang mawala sayo. 'Wag mong gayahin ang pagkakamali ko."

"Pat kilala ko ba kong sino 'yong lalaki?" Hinawakan ko ang dalawang kamay nya.

"Oo kilala mo s'ya. Kilalang kilala. Pero, don't worry. Kung ano meron kami dati, binaon na namin 'yon pareho sa nakaraan. Masaya na s'ya sa pamilya nya ngayon. And Im happy for Charles." Nakita ko 'yong gulat sa mukha n'ya. Inasahan ko na talaga 'yon.

"S-si K-kuya Charles? As in si Charles Aragon?" Tumango ako.

"Yup, kaya ikaw. Mag-isip ka ng mabuti."

"Yeah salamat Pat. Nakatulong talaga ang sinabi mo sakin. Pero malungkot din kasi, knowing na nawala pala ang isa kong pamangkin."

"Matagal na 'yon. Let's all move forward." Tumango lang s'ya at niyakap uli ako. Inayos lang namin ang make up namin at bumalik sa mga kasama namin. Para e celibrate ang nalalapit na daan ko para sa tagumpay.

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now