∞ Fourty Nine ∞

5K 75 1
                                    

Third Person POV :

           "Thank you everyone.  Salamat sa pagdalo. Siguro marami ang nagulat , natuwa o maybe dissapointed. Pero, of course, I will make it sure na walang magbabago. Wag lang mawala ang magandang team work na nabuo nating lahat. Sana manatili ang dedication nyo sa kompanya tulad ko. Maraming maraming salamat talaga. Worth it lahat ng sakripisyo ko at sakripisyo n'yo. And anyway, I want to thank my family. Kasi sila din 'yong dahilan ng lahat ng  pagsisikap ko.  At salamat sa lahat  pang mga  taong nagtiwala sakin. And  ofcourse gusto ko din e announce ang merging  ng  A& A Corp.  and CMA Empire Sana mas maging successful pa tayo.  Siguro hindi pa sapat ang salamat  sa mga nagawa nyo for CMA E----"

         

           Napatigil sa pagsasalita si Chandra ng biglang nagkagulo ang lahat, nang may magpaputok ng baril. Marami na ang nadapa at nagkasakitan  dahil sa tulakan. Nag-uunahan silang  makalabas ng building. 

    Kendrick POV :

           "Chandra!" Napasigaw ako ng di ko na siya makita sa stage. Fvck! Damn! Where is she?

           "Charles, ialis mo na sila dito. Dalhin mo sila sa ligtas na lugar. Hahanapin ko si Chandra." Nagpapanic na ang lahat. Nagtutulakan na. Shit! Sino ang may kagagawan nito?

           "Protektahan mo ang kapatid ko." Tumango lang ako. At mabilis na tumakbo papunta sa  may mini stage. Nakita ko si Nicholai na nakahiga sa sahig may sugat sa may ulo. Nilapitan ko siya.

            "I-iligtas m-mo si C-chandra…"

          "Asan s'ya?"

            "M-may kumuha sa kanyang mga lalaki, may kasama din silang babae. A-ang alam ko Agatha ang pangalan niya. Tulungan mo siya."

           "San sila banda dumaan?" Tinuro niya naman ang likod na pinto.

           "Please tulungan mo siya Kendrick, wag mong hayaang masaktan ang mag-ina mo." Nagulat ako sa sinabi niya.

          "What do you mean?"

           "Puntahan mo siya, bago pa sila makalayo."  Kaya mabilis kung sinundan ang mga tumangay kay Chandra.

           Fvck ! Pipilipitin ko talaga yang leeg mo Agatha pag may nangyaring masama sa mahal ko. Isinisumpa kong pagbabayaran mo 'to.

           May daan pala dun papunta sa Parking lot. Paano nalaman ni Agatha 'to? Sigurado akong may traidor na nakapasuk dito. Kung sino ka man humanda ka pag natagpuan kita. Gigilitan talaga kita sa leeg.

            "Bitiwan n'yo ko! Walang hiya ka talaga Agatha! Kahit anong gawin mo hindi ka magtatagumpay! "  Boses yun ni Chandra. Kaya binilisan ko ang pagtakbo.

           "Chandraaa!" Sigaw ko.

           "Andito ako! Tulungan nyo ko!" Napalingon ako sa parte kung san ko narinig ang boses niya. "Kendrick?"

          "Wow, look who's here? Ang superhero mo Chandra." Sabi ni Agatha habang hila hila ang  buhok ni Chandra. Naikuyom ko ang kamay ko.

           "Fvck! Agatha wag mong sasaktan si Chandra…" Akmang lalapit ako sa kanila pero, tinutukan ni Agatha ng baril si Chandra.

          "Sige, lumapit ka Kendrick, magpaka superhero ka, tingnan natin kong di sumabog ang bungo ng babaeng ito." Lumapit siya sa may likod ni Chandra. At hinila uli ang buhok nya habang nakatutok parin ang baril.

          Alam kung pinigilan lang ni Chandra ang maiyak. Ang sakit makita na sinasaktan ang babaeng mahal mo at wala kang magawa.

          "Please wag mo siyang sasaktan Agatha. Gagawin ko lahat pakawalan mo lang siya." Lumuhod nako. Wala akong ibang magawa kundi ito lang, ang lumuhod at magmakaawa.

            "Please Ken, tumayo ka diyan. Wag mong gawin yan."

          "Talaga lahat Ken, gagawin mo lahat para maligtas lang ang babaeng 'to? Ganyan mo ba siya kamahal para mag sakripisyo ka? Paano kung gusto kong pakasalan mo ko. Gagawin mo parin?"

          "Kahit ano…" Sagot ko kay Agatha habang hindi ko inaalis ang tingin ko kay Chandra. Nakita kung may namumuo ng luha sa mga n'ya. I love her to much, ang sakit para sakin na nalagay kami sa ganitong sitwasyon.

           "Ken please wag mong gawin 'yan. Iwan muna ako." Bumagsak na ng tuluyan ang mga luha niya. Alam kung nahihirapan na siya.

           "Hindi kita kayang iwan Cha. Mahal na mahal kita baby. At hindi ko kayang hayaan kang sinasaktan ng iba." Umiyak na din ako. S'ya ang kahinaan ko. Kung may mangyayaring masama sa kanya. Mas gugustuhin ko pang mamatay nalang ako.

           "Tama na 'yang kadramahan n'yo. Wala din namang magbabago! Magkakahiwalay at magkakahiwalay din naman kayo!" Galit na sigaw samin ni Agatha.

           "Wag kang baliw Kendrick. Siguro nga ito na ang nakatadh---Array!"

           "Tama na yan, isakay na 'yan sa kotse!" Mabilis akong tumayo at patakbo sanang lalapit sa kanila. Kaya lang may dalawang lalaking di ko alam kung san nagmula na bigla nalang pumigil sa magkabilang braso ko.

          "Oh not that fast honey. Pag gumawa ka ng kilos na di ko alam patay ang babaeng to. And alam kung ayaw mong mangyari 'yon." Tinutok n'ya uli kay Chandra ang baril na hawak niya.

         "Wag Agatha…please ako nalang. Ako naman ang kailangan mo di ba?" Pero napahalakhak lang s'ya.

           "As much as I want to, hindi na pwedeng magbago ang plano namin. Mabait pa nga ako nito eh. Pare pareho tayong magdurusa. Walang magiging  masaya satin. 'Di ba it sounds exciting? Nilagyan ko ng konting thrill ang buhay nating tatlo." Sapilitang sinakay nila si Chandra sa kotse. Hindi ko rin sila mahabol dahil may dalawang damuho ang pumipigil sakin.

           "Chandra…!" Binitawan lang ako ng mga pumigil ng tuluyan ng makaalis ang sasakyan na lulan si Chandra at  sila Agatha.

          Nasuntok ko nalang ang pader. Wala akong pakialam kung nagdurugo na ang kamay ko. Hindi ko matanggap sa sarili ko na napakawalang kwenta ko talaga. Wala man lang akomg nagawa para mabawi ang babaeng pinakamamahal ko.

          A/N : Well, una sa lahat gusto ko din magpasalamat sa mga taong naniniwala na kaya ko. Salamat sa love and support. Salamat kasi kayo ang naging inspiration ko sa pagsusulat ko. Lot of thanks. Thanks at umabot na sa 1.29k reads tayo. Nong umabot s'ya ng  100 reads sobrang natuwa nako. I must say na mababaw lang talaga ang kaligayan ng isang HopelessShield ♡♡♡. Thanks sa inyong lahat. Sana nagustuhan nyo ang munting nakayanan ng imahinasyon ko. Please keep on reading. Love lots guys. Xoxo ツ

   

     

          

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon