∞ Fourty Two ∞

4.8K 82 0
                                    

Kendrick POV :

       Sinipa ko ang kotse ko. I don't care kung masira man 'yon. Galit na galit ako ngayon dahil sa mga sinabi niya. Siguro nga napuno nako. Akala ko kasi, ok na kami. Pero, ako na nga ang nagmamalasakit at nag-aalala and yet ako parin ang masama. And worst, tinulak n'ya pa ako palayo. Kung yan ang gusto niya, e di bahala siya. Sawa nako sa kakabuntot sa taong ayaw na sakin. I'll set her free.

       Umuwi muna ako sa pad ko at nagbihis tas dumiretso na din sa opisina pagkatapos. Ayoko sanang pumasok, kaya lang di ko naman pwedeng unahin ang personal kong buhay kesa sa kompanya ko. Marami ang empleyadong madadamay pag ganun. And I don't want them suffer like I do.

       Kinalimutan ko muna ang nangyari samin kanina. Ayokong isipin na binawala lang ako ng babaeng handa ko sanang pag-alayan ng buhay ko.

       Mabilis na lumipas ang mga araw. Wala na din akong balita sa mga nangyayari sa kanya. Kahit gustong gusto ko pang malaman kung kumusta na s'ya, pero tinikis ko parin ang sarili ko. Paano ko s'ya makakalimutan kung patuloy ko s'yang susundan? Ipinangako ko sa sarili ko na tuluyan ko rin s'yang makakalimutan. Kakain din akong hindi iniisip kung kumain na ba sya, matutulog sa gabi ng mahimbing na walang kahit anong bakas niya sa tuwing pipikit ako. Mga bagay na magagawa ko ring kalimutan sa panahon kung kailan wala na s'ya dito sa lintik na puso ko.

       Chandra POV :

       "Patricia, kinakabahan ako sa resulta." Sabi ko. Andito nga pala kami ngayon sa kakilala n'yang OB.

        Ginagap n'ya naman ang mga kamay ko at ngumiti.

        "Don't  worry, what ever the result is. Andito lang ako. Kung ano man ang desisyon mo right after this. Asahan mong makakasama mo ako." Wala nga pala s'yang alam sa nangyaring pag-aaway namin ni Kendrick.

       "Thank you Pat. Mabuti nalang andyan ka." Niyakap niya ako ng mahigpit.

        "Sus! Tama na, masyado na tayong madrama. Nahahawa nako sayo." Sabi ni Pat.

       Tahimik lang kaming naghintay. Hanggang sa lumabas na ang kaibigan ni Pat na OB mula sa laboratory niya.

        "So ano ang result Jen?" Tanong agad ni Patricia. Kinabahan ako bigla sa ngiti niya at humarap sakin pagkatapos.

       "Congratulation Ms. Aragon. You're three weeks pregnant." Bigla akong napipi. Ang hirap e process sa utak ko ang sinabi ng OB.

       Loading…

       Loading…

       Loading…

       "I-Im what?" Nanginginig ang boses ko habang nauutal na tanong ko.

       "Your three weeks pregnant."

        "Your three weeks pregnant."

        "Your three weeks pregnant."

        "Your three weeks pregnant."

       "Hey Cha! Are you ok? Nanginginig ka." Tumingin ako sa kanya, at di ko napigilang mapaiyak. Ang daming tumatakbo sa utak ko na hindi ko maintindihan. Kaya ko bang maging mabuting ina sa baby ko? Hindi pa'ko handa eh.

       "Patricia hindi pa'ko handa eh…" Napahagulgol nako ng tuluyan.

       "Ms. Aragon makakasama sa baby mo ang pag-iyak." Natigilan ako at humarap sa OB. "Baby is a blessing. Maswerte ka nga kasi magkakaanak ka na. Ang ibang babae nga kahit gusto pa nila, hindi sila biniyayaan ng maykapal."

       "Yeah tama si Jen Cha. Maswerte ka talaga. Remember sa nangyari sakin before. Handa na 'kong maging ina noon. Pero…" Ramdam ko ang sakit sa boses n'ya. Kaya niyakap ko s'ya.

       "Im sorry Pat." Hinagod n'ya ako salikod.

       "It's ok Cha. I know you could be a good mom. Biyaya yan sa inyo." I realized na tama sila. Maswerte ako. Ang baby na 'to is a blessing. Kaya dapat tanggapin ko ng buong puso.

       "Thank you doc, thank you Pat." I said habang humihikbi.

      "Shhh. Stop crying. Its bad for the baby. Saka ang pangit mong buntis." Natawa nalang ako.

       "Kaibigan ba talaga kita? Ang sama mo eh," Nagtatawanan kami ng magsalita ang OB.

       "Anyway Ms. Aragon. This are the list of nutritious foods that you need to eat. Andyan na din ang vitamins na kailangan mong inumin. And iwas sa maaalat. You need to be extra careful. Morning sickness is normal, minsan din nagiging masilan din sa pagkain, but there's nothing to worry about. And If you had any concern, don't hesitate na tumawag anytime."

       "Thank you doc." Sabi ko.

       "No worries, Ms. Aragon."

        Sinamahan ako ni Patricia na mag grocery. Talo n'ya pa nga ako eh. Parang s'ya ang buntis saming dalawa. Im happy that, I had a friend like her.

       A/N : Waaaa confirmed na. Happy reading guys. Xoxo Love lots ♡♡♡

      

      

      

       

 

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon