∞ Sixteen ∞

7.1K 113 6
                                    

Charles POV :

      "Mahal mo ba talaga sya sis?" Napatingin siya sakin. Nagulat ata siya sa tanong ko.

      

      "Huh? Kuya?" Napabuntong hininga ako.

     

      "Si Nico, mahal mo ba talaga siya?"

     

       "O-ofcourse ! I loved him so much. Anong klaseng tanong ba yan kuya ?" Tumingin ako sa mga mata niya. Pero umiwas sya ng tingin sa akin. Alam kung hindi nya kayang makipag titigan sakin. Yeah, maybe mahal nya si Nico. Pero hindi ganun ka tindi. Masyado lang siyang na attached sa kanya kasi tatlong taon din namang  ito lang ang kasama niya.

       "Alam mo sis, to be honest with you. Hindi naman sa hindi ako buto kay Nico for you. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi ko lang nakikita sa mga mata mo ang kasayahan na nakikita ko sayo noon na si Kendrick pa." Paliwag ko sa kanya. Totoo naman wala yung tinatawag na spark between her and Nico.

  

       Nauna siya saking maglakad pero napahinto siya at hinarap ako.

     

       "Kuya kong dahil to kay Kendrick. Gusto ko lang din ipaalala na hindi na kami. Marami ng nagbago at hindi na non maibabalik ang dati. I've already moved on. And up to now Im still moving forward. Whatever did happened in the past, it always stays in the past. Si Nico na ang mahal ko ngayon. Siya ang present ko and hopefully my future." Mahabang paliwanag ng pinakamamahal kung kapatid. Hindi ko rin naman sya masisisi marami nga naman talagang masasakit na bagay ang nangyari noon. Siguro gusto niya lang kalimutan yun. Pero pag nalaman niya na lahat baka may pag-asa pang mabago ang isip ng kapatid ko.

       Honestly wala naman akong maipipintas kay Nico. I can see that his a good person. Pero meron ding isang tao sobrang nasaktan dahil sa mga pangyayari noon. I know na hanggang ngayon mahal parin siya ng kapatid ko. Indenial lang ang kapatid ko kasi siguro ayaw niya lang masaktan si Nico. I heard na sobrang bait nito. Na pati ang anghel mahihiya dito. Dejoke. Seryoso. Ayaw lang talaga siyang saktan ng kapatid ko, yun lang ang dahilan na alam ko.

 

       "Payong kuya lang sis. Piliin mo ang bagay na totoong makakapagpasaya sayo. Tandaan mo pag nagmahal ka kaakibat na din nito ang sakit. There are times na masasaktan at masasaktan ka kahit ayaw mo pa. Wag mong itali ang sarili mo sa bagay na pagsisisihan mo din sa huli." Tumango lang siya.

      "Don't worry tatandaan ko lage yan kuya. Thank You. Kaya na miss kita eh kasi ang dami mong baong word of wisdom." Nakangiti siyang yumakap sakin. Gumanti nalang din ako ng yakap at hinalikan siya sa buhok. Kahit ano pa ang maging desisyon niya she's always be my little sister at handang suportahan siya san man siya magiging masaya.

      "Let's go home. Im sure kanina pa tayo hinihintay ni mom and dad." Sabay ginulo ko ang buhok niya.

        "Kuya naman eh." Sabay pout ng lips niya. "Anyway, where is my beloved nephew?"

       "Nasa Bukidnon sila, nagbabakasyon. Next week siguro uuwi na sila." Na miss ko na nga ang mag-ina ko.

       "Ba't di ka sumama sa kanila? Di mo ba sila na mi miss? "

      "Syempre na mi miss ko kaya lang masyadong busy sa office. And they understand naman. Pag natapos namin yung project na ginagawa namin pwede nakong bumawi at magbakasyon kasama sila."

      "Dapat lang talaga bumawi ka sa kanila, you have to spend time din naman sa kanila. Wag mong hayaan maranasan ng anak mo ang mga naranasan natin dati sa parents natin."

      "Yeah, oo naman. Anyway, sis bago tayo umuwi pwede bang dumaan muna tayo sa bar?" Tanong ko sa kanya.

      "Yeah sure tara. Pero tawagan mo nalang muna si mom at dad." Dumiretso kami dito sa bar ni Calvin kaibigan namin ni Kendrick. Lage kaming nag ha-hang out dito.

       Pagpasuk palang namin nakita ko ng madaming tao, nakasunod lang sakin si Chandra. Dito kami dumiretso bar counter.

       Pagdating namin sa may bar counter. Hindi nako nagtaka ng makita ko ang lalaking to dito. Solo na namang nag-iinom. Ganito nato simula nong umalis ang kapatid ko.

      "Halika ka dito sis sa tabi ko." Halatang aatras pa sana sya ng makita si Kendrick. Pero naunahan ko siya, hinila ko siya paupo. Sumunod naman siya. Kahit alam kung napipilitan lang siya.

       Bigla naman humarap samin si Kendrick. Diretsong tingin lang sya sa kapatid ko.

      "Hey Montenegro, baka matunaw na yang kapatid ko kakatitig mo." Umiwas naman agad siya ng tingin at sinamid ang laman ng shot glass. It feels awkward. May nangyari bang hindi ko alam? I don't know. "What do you want sis?"

      "Anything kuya. Basta hard." Napatingin ako sa kanya. Seryoso yung mukha nya.

   

      "Are you sure sis?"

      "Yeah, I am."

      "Vin, dalawang hard." Tawag ko kay Calvin di nya kami napansin na dumating, may kausap kasi kanina.

      "Oi brad, Chandra. Good to see you here. Anyway alam nyu bang kanina pa yang isa dito. Pagdating na pagdating sangbakol na yung mukha niyan. Kanina pa din yan walang imik." Sabi niya sabay abot ng alak samin.

***

       Umuwi kaming lasing na lasing si Chandra. Hinayaan ko nalang na uminom siya. Im sure may nangyari sa dalawang to na di ko alam. Wala rin naman akong magagawa parehong matigas sa pagtanggi eh.

       Nang nasa byahe na kami nakita ko ang kapatid ko na tumulo ang luha kahit nakapikit. Alam kung may mabigat syang dinadala sa loob nya. Pinahid ko nalang ng daliri ko ang luhang tumulo mula sa mata niya.

A/N : Lame ng UD. Bawi nalang next time. Sorry sa Grammar and Typo Errors. Hindi lang po talaga maiiwasan yun. Pagpasensyahan nalang po talaga. Tamad kasi akong mag edit kung ano na yung na type ko yun na yun. Happy reading lang guys thanks. Mwuahugs ng marami. Please do vote and leave a comment. Sobrang maaappreciate ko po. Kung ayaw po it's ok, I understand.

   

     

Woman In Fierce (Completed)Where stories live. Discover now