K A B A N A T A - 74

Start from the beginning
                                    

"Don't stare at me like that, saka mo na ako titigan ng ganyan pag kasal na tayo. Kasi, baka hindi kana umabot next week." napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Huh? Ano na namang pinagsasasabi mo diyan?"

"Tss, papakasalan na nga lahat lahat inosente parin." bulong niya na hindi ko masyadong narinig.

"Ano?!"

"Wala! Sabi ko ang ganda mo." labas sa ilong na sabi niya.

Hinampas ko naman siya ng unan sa mukha saka bumangon sa pagkakahiga, mas pipiliin kong mag-ayos na para mamaya kesa sa pakinggan ang mga walang kwentang sinasabi niya.

Ang hirap niyang intindihin! Para siyang panahon, pabago-bago. Minsan para siyang asukal sa sobrang kasweetan sakin, minsan naman kasing lamig siya ng yelo.

d~_~b

"Sa ngayon ay papayag akong hinahampas mo ng unan ang gwapo kong pagmumukha, pero sa oras na napalitan na ng apelyido ko ang apelyido mo, maghanap kana ng tataguan mo." napangiwi naman ako sa sinabi niya.

Hanggang ngayon, mahangin parin siya.

d~ ~b

Siya lang naman nagagwapuhan sa mukha niya.

"Tse! Dami mong alam!" napairap muna ako saka tinungo ang kabinet para kunin na ang susuotin kong damit na si Ate Gia mismo ang bumili.

"Wala ka palang pwet, bakit ngayon ko lang kaya napansin?" kumulo naman ang dugo ko ng marinig ko ang sinabi niya.

Napaharap ako sa kanya at nakita ko kung paano siya magpigil ng tawa.

"Ano?! Walang pwet?! Paano ako makakatae kung wala akong pwet?!" inis kong sigaw dahilan ng pagtawa niya ng malakas.

"Hahahahahahaha! I mean babe, hindi matambok yung pwet mo—-"

"Ah, so gusto mo pala ng matabang pwet? Eh di pakasalan mo yung baboy! Tutal matambok naman yung pwet nun, tapos madami pa siyang dibdib, hindi ka magsasawa." sarkastikong sabi ko na nakapagpatigil sa kanya.

Padabog kong sinarado yung kabinet saka pumasok ng banyo.

Napasandal pa ako sa pinto at ilang segundo palang ang nakakalipas ng marinig ko ang pagkatok niya.

"Verena, babe, nagbibiro lang ako."

"MANAHIMIK KA, HINDI NAKAKATUWA YUNG BIRO MO!"

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now