Pagtatapos

625 28 4
                                    


Sa tahanan nila David at kaza, hindi pa sumisikat ang araw pero gising na ang dalawa, pareho silang nag-asikaso ng ilang mga gawaing bahay at nag-handa ng makakain para sa kanilang almusal.

"Hayaan mo na ako mag-isa gumawa nito david, asikasuhin mo na ang mga damit mo dahil mamaya ay aalis ka na" Wika ni Kaza subalit mahahalata na malumbay siya, agad siyang nilapitan ng asawa at niyakap patalikod.

"Huwag ka ng maging malungkot mahal ko, hindi naman ako ganon katagal mawawala eh, Ipinapangako ko na babalik ako ng ligtas" Wika ni David na may halong panlalambing.

"hindi mo naman mai-aalis sa akin ang mag-alala mahal, halos araw-araw ipinagdarasal ko kay bathala na sana ay walang manakit sa anak natin, kasi alam mo naman hindi ba, hindi marunong lumaban ang anak natin? Papaano kung mapahamak siya, tapos ito ka ngayon... Aalis, at babalik ka sa bayan kung saan may matanding galit sa'yo"

Bumuntong hininga si David at pilit pinapagaan ang pakiramdam ng asawa "Huwag kang mag-alala, pagkatapos kong hanapin si Amaya, susunduin ko na ang anak natin. Para makumpleto na tayo"

Napangiti si Kaza at humarap sa asawa "Pangako ba yan?"

Tumango si David bilang tugon "Pangako"

Hinalikan ni David ang asawa sa labi nito "O siya, ayusin mo na ang mga gamit mo... Ako na bahala dito para mamaya, pwede ko ng umalis"

Tumango si David at sinunod ang utos ng asawa, agad siyang pumunta sa kanilang silid at nag-impake. Mabilis naman niyang na-ayos ang kanyang gamit, ikinubli niya ang mga ito sa isang kahon na gawa sa kahoy at pagkatapos pinaliit niya ang sukat nito upang magkasya sa kanyang bulsa.

"Oh, nasaan ang mga gamit mo?" Tanong ni Kaza ng lumabas si David.

"Nasa bulsa ko na" Sagot nito.

Tumango-tango nalang si Kaza dahil mukhang nakukuha niya na ang ginawa ni David sa mga gamit niya, agad siyang pina-upo ni kaza upang makapag-simula na silang mag-almusal. Sinulit ng dalawa ang pagkakataon na magkasama sila at matapos silang kumain ay nag-paalam na si David.

"O siya, mag-iingat ka palagi. Ingatan mo ang sarili mo" Paalala ni Kaza

"Oo, mahal. Huwag kang mag-alala"

Niyakap siya ng mahigpit ni kaza bago tuluyang pinakawalan "Paalam mahal ko"

"Paalam" Naglakad na si david palayo at pinanuod nalang siya ni kaza hangang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya.

*****

"Sino ang may alam ng tamang sagot?" Tanong ni Maestro Mayan

Nag-taas ng kamay si Laura, kaya naman siya ang tinawag nito "Ang engkanto po na kayang maglaho ay walang iba kundi ang mga sigben"

"Mahusay laura"

Sobrang namangha si Intoy dahil mukhang bumalik ang dating laura na nakilala niya, matapos kasi ang pagkamatay ni haring laurel, hindi na nila madalas nakikita ito kaya naman masaya sila ng muli nilang nakita si laura na pumasok.

"O siya, tapos na ang aking klase. Huwag niyong kakalimutan ang mga takdang ibinilin ko. Paalam"

"Paalam Maestro Mayan" Tuluyan ng lumabas si mayan sa klase at sumunod naman ang ilang mga estudyante, habang naglalakad sila intoy napansin niya si professor David na nakatayo sa dulo ng pasilyo at kinakawayan siya.

"Professor David? Ano pong sadya niyo dito?" Tanong ni Intoy

"Nais ko sanang yayain ka, sa isang paglalakbay"

Nag-dikit ang dalawang kilay ni intoy at pilit inuunawa ang pagkakasabi nito. "Paglalakbay?"

"Oo. Ngayon mismo, nandito ako para sunduin ka"

"Hala! Saan po ba tayo pupunta?"

"Sa lugar na kung saan hahasain natin ang kapangyarihan mo, sa lugar kung saan ipapa-alam mo na nandito ka sa isla ng odus"

"Ano po ang tinutukoy niyo?"

"Pupunta tayo sa bayan ng purra, nais mo bang sumama?"

Hindi agad naka-imik si intoy sa kanyang narinig "Bayan ng purra"

"Tama, at hahanapin natin ang bagong mamumuno sa bayan ng Amadeus" Napataas agad ng ulo si intoy sa kanyang narinig.

"B-Bagong mamumuno sa bayan natin?!" Napalakas ang pagkakasabi ni Intoy kaya naman napatingin ang ilang mga estudyante sa paligid nila

"Shhs, hinaan mo lang ang boses mo" Utos niya kay Intoy

"Pasensiya na po, nabigla lang"

"Kaya gusto kitang isama para makumbinsi mo siya na bumalik dito sa bayan ng amadeus, sigurado ako na mamakatulong ka para makumbinsiya siya na maging bagong tagapuno ng ating bayan"

"At sino naman ang tinutukoy niyo?" Napalingon silang dalawa kay laura na biglang sumulpot sa gilid nila "Sinong bagong tagapamuno ang tinutukoy niyo?" Seryoso nitong tugon

"L-laura..." Hindi maka-imik si intoy at biglang natakot sa presensya nito.

"Hija, masama ang biglang pag-sabat sa usapan, dapat alam mo yun hindi ba?" Ma-awtoridad na tugon ni David dito

"Mawalang galang na po, pero walang pwedeng pumalit sa tiyo ko. Siya lang ang karapat dapat na mamuno sa bayan ng amadeus! at kung hindi man siya, edi walang iba kundi ako! ako na pamangkin! Dahil ipagpapatuloy ko ang nasimulan niya"

Napangiti naman si David sa narinig niya "Masaya na ako, na ninanais mong maging reyna balang araw, subalit masiyado ka pang bata at wala ka pang karanasan sa pamumuno ng isang bayan"

"Pinamumunuan ko ang paaralan!" Depensa ni laura

"Siguro, kailangan mo munang makuntento ngayon" Wika ni David at hinatak si Intoy palayo.

"Ang batang iyon" wika ni David na umiiling iling pa. "O siya, sasama ka?" biglang tanong niya kay intoy

"Sa tingin ko po... ito na ang tamang oras para sa ibang bayan naman ako tumulong, bale ang pasya ko! Opo! sasama ako!"

"Masaya ako na marinig ang bagay na iyan, o siya pumunta muna tayo sa kwarto mo upang kumuha ng magiging damit mo"

"O sige po"

Agad silang nag-tungo sa silid ni intoy at kumuha ng mga damit na ibinigay ng ina'y ni intoy. Nang makita ni David ang mga iyon, ay naalala niya sila marissa sa mundo ng mga tao.

"Sigurado ako na magiging masaya ina'y mo kapag nalaman niya kung gagaano ka katapang"

"Hays! Na-miss ko tuloy si mama!" Wika ni Intoy

"O siya, dito mo ilagay ang mga gamit mo" Kinuha ni David yung kahon sa bulsa niya at pinalaki muli ito.

"Ilagay mo na diyan" Namangha si intoy sa nakita niya kaya hindi agad ito naka-kilos "Ano ba intoy, antagal tagal mo na dito pero hangang ngayon namamangha ka pa rin sa mga bagay na ganyan!"

"Hindi ko po mapigilan eh" Natatawang tugon nito, agad namang nilagay ni intoy ang lahat ng gamit niya sa kahon. Pagkatapos pinaliit na ni David ito gamit ang majika.

Agad silang pumunta sa pinaka-labasan ng bayan ng amadeus. "O siya, mag-paalam ka na muna intoy sa bayan natin, matagal tagal mo rin itong hindi makikita"

"Sayang nga po eh, hindi ako nakapag-paalam sa mga kaibigan mo"

"Ayos lang yon, maiintindihan naman nila"

Lumingon muna muli si intoy sa bayan ng amadeus sa huling sandali. "Paalam! bayan ng Amadeus!"

"Paalam"

Pinalabas ni David ang kalesa niya na ginamit niya nuon sa pagsundo kay intoy.

"Magsisimula na ang bago mong paglalakbay mo intoy. Maging handa ka na"

"Oo nga po eh! Excited na Excited na ako!!"

At yun na nga, tuluyan na silang umalis sa bayan ng Amadeus upang hanapin ang magiging bagong tagapuno ng bayan at dito nagtatapos ang unang kabanata ng kwento ni intoy.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now