Kaza laban sa mga taga Perla

1K 36 0
                                    


Halos hindi makahinga sila Laura, jekjek at teri sa naging atakeng ginawa ni Axel. Wala man lang itong paki-alam kung sino man ang maaring madamay "Ano kaba! Hindi mo ba kami nakikita! Baka ikaw pa ang maging dahilan ng pagkatalo namin!" Sigaw ni Laura

Natawa naman si Lily "Alam niyo, kayong mga taga-Amadeus, Nakaka-awa din kayo minsan e no? dahil sa inyo binibigyan niyo ng dungis ang magandang pangalan meron ang bayan niyo ngayon" sumunod naman sa pagsasalita si Karlo "Hindi porket sa bayan niyo nangaling ang bagong tagapagtangol ay ibig sabihin malakas na kayo, Hmp! Baka nakakalimutan niyo, galing sa bayan namin ang dati niyang buhay... si Master Arthur!" 

"Tumigil ka! At bakit ba napaka-yayabang niyo! huwag niyo kaming minamaliit!" Sigaw ni Jekjek 

Umabante palapit si Axel sa kinapwepwestuhan nila laura "Nasaan na ang babaeng kalaban natin kanina?" Seryoso niyang tugon, dun lang nila napansin na nawala si Kaza sa paligid nila. "Oo nga no! Nasaan siya?!" Gulat na gulat na saad ni Karlo 

"Mukhang lumayo na siya a? Mukhang hindi inasahan ang lakas namin. HAHAHA" taas noong saad ni Lily "Kung ganon, ako ang tatapos sa inyo" sabi ni Axel sabay turo sa kanila Laura 

"Ano?! Seryoso ba siya?" gulat na sabi ni laura "Hindi pwede yon..." kinakabahang sabi ni Teri. "Wala namang sinabi sa regulasyon na bawal magpatumba ng kapwa manlalaro diba? Tutal. Sa lugar na ito, matira matibay, hindi ba? Mukhang kaylangan ko na tapusin ang mga basurang tulad niyo para mapadali na ang mga susunod naming gagawin at wala ng mga patapon katulad niya na makausad sa laro" 

Bahagyang nainis si Laura sa naging tugon ni Axel, dahil hindi niya alam ang naging karanasan nito para lang manatiling buhay sa loob ng gubat ng kamatayan "Pwes! Hindi kita susukuan! Akala mo ba hindi ako lalaban sayo?! Pwes nagkakamali ka! dahil ipapakita ko sayo ang naglalagablab na katapangan sa puso naming mga taga Amadeus!" 

"Laura...." napatahimik nalang sila Teri sa gilid habang tinitingnan si Laura "Hindi pa magagaling ang sugat mo laura" singit naman ni Jek-Jek. "Tumigil kayo! Dahil walang wala ang mga sugat na yan sa naglalagablab na determinasyon dito sa puso ko!" sabay turo ni Laura sa dibdib niya, bahagya namang natawa si Lily sa naging sagot niya "Nakaka-awa ka naman..... at Axel pwede ba huwag mo ng sayangin ang lakas mo sa kanya.... ang gusto mo ako nalang ang tumapos sa kanya!" saad ni Lily.

"Wag kayong mangingi-alam, mukhang kaylangan kong pakitaan ang nilalang na ito" Seryosong sabi ni Axel. "Sigurado ka ba?" Tanong muli ni Lily "Bingi ka ba Lily? baka ikaw ang matapos ko kapag nainis ako sa iyo" Nagulat silang lahat sa sinabi ni Axel, medyo napaatras si Lily at mistulang natakot, kaya naman nilapitan siya ni karlo at hinawakan sa braso. 

Inangat ni Axel ang dalawa niyang kamay kasabay ng pag-angat ng mga tubig na yumakap kanina sa mga lupa, at unti-unting nagkahugis ang tubig na ginawa ni Axel. Hugis tatsulok. Itinapat niya sa pwesto nila Laura at tulis ng tatsulok. "Papatayin ko kayo!" 

Nagpalit anyo si Laura bilang dambuhalang Lion. "Laura!" Pagpupumigil nila Teri at Jek-Jek "Lalaban ako!" Palaban na sagot nito, tumayo naman si Teri at tinabihan si Laura "Kung ganon, lalaban din ako" Nagulat si Laura sa narinig, kahit si Teri mismo ay nagulat sa ginawa niya, kasi kahit na kinakabahan na siya ay nagawan niya ng paraan labanan ang takot niya, kaya naman lumipad nadin si Jek-Jek at tinabihan na din sila "Hindi ko naman hahayaan na puro babae lang ang lalaban sa mga dayong ito, nakaka-hiya naman yung sa dignidad ko bilang lalake, kaya naman lalaban na din ako" Sabi ni Jek-Jek, kaya naman mas lalong lumakas ang loob ni Laura na kalabanin ang mga taga-perlang iyon.

"Mga inutil, Mukhang dito na magtatapos ang kasaysayan niyo! TIkman niyo ang Pangil ng Karagatan!" mabilis na bumato kila Laura ang matulis at malaking tubig na nilikha ni Axel. ngunit bago tumama ang bagay na iyon sa kanila, isang dambuhalang puno ang mabilis na tumubo ang pumagitna sa kanila, kaya naman hindi natamaan sila Laura.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now