Pag-Sulpot?

1.2K 53 0
                                    

SUMAPIT ANG MAGHAPON subalit walang nag pakita ng kampon nila Valu, Sobrang nainis si Haring Laurel dahil napaasa siya.

"Kung ganon, pinaasa niya lang tayo para sa wala?!" Galit na sabi ng Hari.

"Nakakahiya to?! Eh anong sasabihin ko sa mga ibang engkantong naistorbo ko? Ano?" Tanong niya

"Mahal na hari, ang inisip niyo lang po ay ang buhay ng ibang mga engkanto... Oo nga hindi pumunta ang tropa nila Valu ngayon eh Pano kung pumunta? Ang mahalaga na-protektahan niyo ang mga nasasakupan niyo"
Sa sinabi ni Abbie ay bahagyang natauhan ang Hari. "Tama ka nga naman, Tama ka.... Gusto kong ipatawag mo si Heneral Tunying"

"Ang totoo po, nasa labas na po siya" sabi ni abbie "papasukin mo"

Binuksan ni abbie ang pinto at pinapasok si Tunying.

"Tunying... Gusto kong sabihan mo ang mga Tropa mo na, Pabalikin na sa kanya-kanyang tirahan ang mga tinagong mga engkanto... Pinaasa lamang tayo" Nagulat si Tunying sa sinabi

"Ibig sabihin po...?" Hindi na natapos ang mga salitang itutuloy ni Tunying dahil pinutol na iyon ni Abbie "Tama ka... Mukhang sinadya to ni Valu, ang linlangin tayo, lalo na't alam na ng buong isla ng odus na nakasakop na siya ng dalawang maliliit na bayan"

"Sige po.. Masusunod"

"Pero Tunying, Gusto ko pa rin na magbantay ang mga tikbalang sa buong paligid ng ating bayan, Doblehen mo hangang maari"

Tumango si Tunying at saka nag-paalam.

******

"Ano kaya yon? Wala man lang tayong napala" Sabi ng isang kapre.

"Psh, napaka-reklamador" sabi ni Torlax sa sarili.

"Hayaan mo nga sila" sabi ni Laura.

Palabas na silang lahat sa isang sikretong Kweba na pinagtaguan nila mag hapon.

May mga wakwak, aswang na nagpalit anyo bilang mga ibon at mga mananangal na lumilipad.

"Sa wakas nakalabas na Tayo!" Sabi ng isang duwende.

"Bakit ba tayo tinago sa kweba?" Biglang tanong ni Intoy

"Hindi ko alam eh, hindi ko alam kay Tito" sabi ni Laura.

May umakbay kay Intoy, Si David.

"Kamusta ka Intoy?" Bungad na sabi nito "kamusta kayo Laura at Torlax?" Tanong din nito sa dalawa.

"Ayos lang"

"Okey lang"

"..."

"Intoy, Mamaya dadalawin kita sa Kwarto mo ha?" Sabi ni David

"Huh? Bakit po?"

"Wala lang, Gusto lang kita kamustahin"

"Pwede niyo naman po akong kamustahin ngayon ah?"

"Basta! Mamaya ko na lang sayo sasabihin, Baka kasi may makarinig"

"Tsk" sabi ni Torlax

"Hindi po ako makikinig no!" Sabi ni laura

"Oh? Bakit narinig mo? Syempre nakikinig ka!" Sabi ni David

"Hindi no! Maka-alis na nga dito" sabi ni Laura, tumawa lang ng malakas si David at umalis din si Torlax at pumunta sa mga kasama nitong Guwardiyang Tikbalang.

"Mga bagong kaibigan huh?" Tanong ni David

"Ah?--- Si Laura, Opo... Pero si Torlax? Hindi ko alam, Para ngang ayaw niya sa akin eh" Sabi ni Intoy

"Kausapin mo kasi! Ganyan talaga yang si Torlax, mukhang suplado? Oo sa umpisa... pero kapag nakilala mo siya ng husto? Nako matutuwa ka sa kanya, kaya nga siya ang paborito ni Heneral Tunying diba?!"

Tumango si Intoy "opo"

"O nga pala, Kain tayo ng Sabaw ng sungay ng Sarangay?" Napangiwi si Intoy

"Huh? Ano yon? Mukhang hindi masarap pakinggan ah?"

******

"Ang sarap naman pala nito! Halos nakadalawang mangkok na ako ah!" Sabi ni Intoy habang hawak hawak ang lumolobo niyang tiyan

"Sabi ko sayo diba? Masarap? Walang wala yung mga sabaw  na yan sa sabaw niyo duon sa mundo ng mga tao, kasi yung sa inyo... kung ano ano pang nilalagay, maalat na, nilagyan pa ng asin--- kapag matabang naman, kung ano ano pang panlasa ang idinadagdag! Eh ano nang nangyari?! Puro na kemikal! Eh itong sabaw na to! Ito ang sariwa! Ito ang malinis! Tama ba?" Tanong ni David sa tindero nitong Aswang. "Oo! Oo!" Sagot nito

"Pano niyo po pala ito niluluto?" Tanong ni intoy

"Nakikipag-barter kami sa mga sarangay, Kapalit ng sungay nila ay kilo-kilong mais, mani o di kaya palay... Tapos pakukuluan lang namin yan ng hindi tatagal bente kwatro oras" paliwanag ng aswang

"Wow! Ang cool naman pala e!" Sabi ni Intoy

"Sa susunod, kain ka ulet dito ha?" Sabi ng Tindero

"Ah! Oo naman po! Sa susunod po may kasama na ako!" Sabi ni Intoy

"Sige, Sige! Aasahan ko yan ah" Sabi ng tindero

"Nga pala Intoy" pamumutol ni David sa usapan nila Intoy at ng Tindero "Kaylangan mo na palang matutunan ang pag gamit sa kapangyarihan mo, Alam mo ba ang dahilan kung bakit pinapunta ang karamihan dito sa amadeus sa sikretong taguan sa Kweba?"

"Bakit nga ba?" Sabay na tanong ni Intoy at ng Tindero
Tinarayan ni David ang Tindero "kausap?" Bumalik sa ginagawa yung Tindero, tyaka humarap muli kay Intoy.

"Dahil kay Valu" pabulong na sabi nito, halos kinilabutan si Intoy sa narinig, halos pangalan pa lang ang naririnig niya kinakabahan na siya. "Ta-Talaga?"

"Oo, dapat kasi ikaw ang haharap kay valu, eh dahil alam ng hari na hindi ka pa handa ay siya na sana ang lalaban dito kaso ayun?! Pinaasa lang siya!...Kaya bata kaylangan mag-sanay ka na ng husto"

Tumango tango si Intoy "Tama, Tama"

"Kung ganon, ubusin mo na yang pagkain mo... Matulog ka na ng maaga, dahil bukas... Maaga kitang gigisingin bukas"
Humigop si Intoy ng sabaw "Opo"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now