Ang Buhay ni Intoy

5.5K 160 7
                                    

Naghuhugas ng pingan si Intoy sa kanilang kusina, at habang naghuhugas siya ay narinig niya sa labas ng kanilang bahay ang sigaw ni aling pepay.

Nanlaki ang mga mata ni intoy nang marinig niya ang pagbagsak at hiyaw ng  kanyang ina, kaya naman kumaripas siya ng takbo palabas ng kusina at pinuntahan na ang kanyang nakadapang ina.

"Ikaw Marisa! Tatlong buwan na kitang pinagbibigyan pero sagad ka na! Sagad na sagad ka na! Kaylangan mo nang magbayad! Hindi na kita nadadaan sa mahinahong pakiusapan ah!" Galit na galit na sigaw ni aling pepay "Aling pepay babayaran ko naman po kayo e, gipit lang po talaga kami" paki-usap ni aling marisa ang ina'y ni intoy.

"Nako marisa! Kung gipit ka! Gipit din ako! Pare-pareho lang tayo ditong naghahanap buhay, tapos hindi pa kayo magbabayad sa tamang oras? Eh anong ipapakain ko sa pamilya ko, pakiusap niyo? Mga pangako niyo? Kaya hindi kayo umaasenso eh!" Kung nakakapatay lang siguro ang titig, siguro pinaglalamayan na si Aling marisa sa tindi ng mga titig ni aling pipay sa kanya

 "Kapag hindi kayo nakapagbayad hangang sa sabado! Hindi ako magdadalawang isip na palayasin kayo sa bahay niyo!" Nagulat si marisa at si intoy sa kanilang narinig. 

"Po? Bakit niyo po kami papalayasin dito! E sa amin naman po itong lote na to! Tyaka pinundar namin mag asawa ang pagpapatayo sa bahay na ito! Masyado naman po kayong abuso!" 

"Hindi ako ang abuso marisa! Ikaw! Ikaw ang abusado dito!" Sabi ni aling pepay habang dinuduro duro si marisa "Huwag niyo pong duru-duruin ang mama ko, nako po, baka manuno kayo!" Pabirong sabi ni Intoy, nagbabakasakaling mapalamig ang mainit na ulo ni aling pepay Napataas nalang ito ng kilay at tumingin ng masama kay intoy.

"Aling pepay, magbabayad po talaga ako" Paluhod na lumapit si Marisa kay aling pepay "ma!" Gulat na sabi ni intoy "Magbabayad po ako" niyayakap na ni aling marisa ang tuhod ni aling pepay "Nako! Nako! Nako! Tigilan mo ko, hindi mo ko madaraan sa ganyan!" Sabi ni aling pepay at tinulak muli si aling marisa. 

"Ma!" Agad tinulungan ni intoy ang ina para makabangon "mawalang galang na po!, nakiki-usap po kami sa inyo nang maayos pero kung bastusan na rin po pala! Hindi po ako magdadalawang isip na pakawalan yung mga nagwawala naming aso sa loob para palapain kayo!"

Mukhang nagulat si aling pepay sa sinabi ni intoy at halatang natakot "Nako napakabastos mong bata ka! Napakawalang modo!" Akma sanang hahampasin si intoy ngunit agad humarang ang ina'y nito "Huwag niyo na pong saktan ang anak ko!" Sabi ni marisa habang yakap ang anak "patawarin niyo na po siya!" Nanginginig na tugon nito 

"Hay nako, kung ano nga naman ang puno siya rin ang bunga, kung gaano ka walang ka kwenta ganun rin kawalang kwentang tong bastos mong anak! Bwisit!" Halos magdidikit na ang dalawang kilay ni intoy sa inis niya sa mga sinasabi ni aling pepay sa kanilang mag ina kaya naman sinagot niya muli ang matanda. 

 "Aalis po ba kayo dito sa bahay namin? O ipapalapa pa po kita sa mga bulldog namin?" Tanong ni intoy "Lalayas na talaga ako! Mga hampaslupa! Dahil sa inyo nagkaka-wrinkles ang mukha ko!" Sabi ni aling pepay sabay alis.

Pagkatapos, hinawakan ni marisa ang pisngi ng anak at hinarap sa kanya. "Intoy bakit kaylangan mong sabihin iyon kay aling pepay?!" 

"Kasi ma, sinisigawan ka na niya! At sinasaktan ka na!" 

"Pero anak, kaya kong tiisin iyon pero ikaw, muntik ka na niyang saktan" 

"Muntik lang po yon ma, hindi po natuluyan at kapag ginawa niya po sa akin iyon, isusumbong ko siya kay papa!" 

"Nako anak, isa pa yon, huwag mong sasabihin sa papa mo ang nangyari ngayon at sigurado.... sobrang magagalit yon" halatang nabalisa si marisa

"Pano kaya ma, kung wag na kong mag-aral? Kung maghugas nalang ako kila aling pepay? Magaling naman akong maghugas diba? Sigurado baka babaan niya po yung utang natin" Piningot ni marisa ang tenga ni intoy sa naging suhestiyon nito

"Yan intoy! Yan ang wag na wag mong gagawin! Dahil kapag sinubukan mong gawin yan! Sigurado, malilintikan ka sa akin, alam mo namang pag-aaral nalang ang maari naming maibigay sa iyo, ipagdadamot mo pa sa sarili mo?! Huwag mong gagawin yon" niyakap ni marisa ang anak pagkatapos. 

"Opo ma" sabi ni intoy.

 Makalipas ang ilang oras dumating na si Ramon, ang asawa ni marisa.

 Mula sa kalsada ay isinisigaw na nito ang pangalan niya. "Marisa!!! Marisa!!!" Mabilis na lumabas si marisa at pinuntahan ang asawa "Ano yan ramon?!" Tanong ni marisa sa asawa habang papalapit. 

 "Pakikuha nga ng wallet ko dito sa bulsa, dali! Bayaran mo to si manong" sabi ni ramon, binuhat niya yung isang banga na binabalutan ng makapal na dyaryo.

 "Eto po oh" binayaran muna ni marisa yung pedicab driver tyaka muling nagtanong sa asawa

 "teka ano bayan ramon? Bakit bumili ka pa ng vase?!" 

 "Mamaya sasabihin ko sayo" buhat buhat ni ramon ang malaking banga papunta sa loob ng bahay nila.

 Nang makapasok na siya sa loob nagmano sa kanya ang anak. "Pa ano po yan?" Tanong ni Intoy 

"Gusto mo bang malaman?"

*******

Sa mga susunod na chapter na mabasa niyo, baka may mga mali mali akong grammar, spelling. Pagpasensiyahan niyo na dahil bandang mga grade 10 ko lang siya sinulat!!! Pero sana magustuhan niyo. 

cout << "Thank yahhhh";

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon