Pagsasanay para sa iba't-ibang dahilan

1.2K 46 1
                                    

NASA LOOB NA ng silid si Intoy, Inaayos niya muna ang gamit niya. Habang nag-aayos siya ng gamit niya ay nakaramdam siya ng pagka-ulila at pagkalungkot. Siguro dahil sa nangungulila na siya sa tatay niya at nanay niya.

"Hay, Ang boring naman dito" Sabi ni Intoy sa sarili, subalit laking gulat niya ng bahagyang bumuka ang sahig.

"Huh?!" Gulat na reaksiyon ni Intoy

"Hi Intoy!!" Sabi ni Amao.

"Amao!!" Nakangising sabi ni Intoy "mabuti naman amao at napadalaw ka dito sa kwarto ko, sobra na akong nabo-bored eh!"
Nakapameywang pa si amao na humarap kay Intoy

"Pano kasi, Hindi ka na namamansin! Eh nagkataon napadaan ako dito sa kwarto mo kaya sinubukan kong dalawin ka"

"Hoy, namamansin ako ah! Hindi lang talaga kita makita!"

"Asus! Ang dami kasing engkantong nakapaligid sayo, ang hirap na kayang lumapit sa'yo! Tagapagtangol ka kasi e!"

"Edi pasensiya, Gusto ko ilibri nalang kita bukas?"

"Libre?! Ayos yun ah!" Tumalon si Amao at pumunta sa kama ni Intoy

"Wow ang lambot pala ng kama mo... Pero mas malambot yung sa akin" humiga si amao sa kama ni Intoy at ginawang unan ang kanyang dalawang palad.

"Alam mo ba, kakaiba itong kapangyarihan ko? Kasi kaya kong makagawa ng ilusyon! Kaya yung kama kong matigas, pwede kong palambutin, gusto mo bang palambutin ko pa itong kama mo?"

Ngumiti ng bahagya si Intoy "Nako, Huwag na... ayos na to para sa akin"

"Sige. Bahala ka!"

*******

Kinabukasan.

Sa bakuran ni Haring Laurel, May nagaganap na isang munting labanan sa pagitan niya at sa kanyang pamangkin na si Laura, hinamon kasi siya nito. Nais kasing masubukan ni laura kung saan tatagal ang kakayahan niya.

Nandun si Abbie, meron siyang hawak hawak na ibang papeles at siya muna ang pinagawa ng hari.

"Handa ka na ba laura?" Tanong ng Hari

Tumango si Laura at ngumiti na halos abot tenga "Handang handa na po ako" sagot nito

"Mabuti"

Pumwesto si Laura na mistulang aatake agad. Nagpalit anyo siya bilang isang malaking lobo at mabilis na sinugod ang pwesto ni haring Laurel.

Pero nang nasa harap na siya ng hari ay mabilis na tumaton ito at sinipa siya at mabilis na nagpalit anyo bilang buwitre.

Lumipad ang buwitre, eksaktong nasa ibabaw ng nakatumbang lobo, at mabilis na nagpalit anyo bilang mabigat na elepante.
Mabilis na bumagsak ang elepante at mistulang naubusan ng hininga si Laura.  Kaya nang masigurado ng hari na panalo na siya ay bumalik siya sa kanyang tunay na anyo at gumamit ng majika para ibalik ang dating anyo ng pamangkin.

"Kaya pa?" Nag-okey sign si Laura. Tinulungan siya ng hari upang makatayo.

"Wala pa rin kayong kupas tito, napakabilis niyo kong napatumba" tumawa ng bahagya ang hari "ikaw laura, kahit kailan hindi ka pa rin nagbabago. Sugod ka ng sugod. Tandaan mo, hindi sa bawat panahon. Ikaw ang mauuna, kaylangan mo ring maghintay"

"Pasensiya na po, siguro nga tama kayo. Hindi pa talaga ako ganon ka-husay." Ginulo ng hari ang buhok ni Laura. Natawa siya, mukhang nagtaka si Laura kung bakit napatawa ang kanyang tito. "Bakit po?" Huminga ng malalim ang hari at tumingin sa kawalan "Balang araw, magiging mahusay ka rin... Tatandaan mo yan, at naniniwala ako. Na balang araw, ikaw naman ang uupo si kinauupuan ko. Magtiwala ka lang" ngumiti si laura sa sinabi ng Tito niya

Tama siya, kaylangan ko lang magtiwala sa sarili ko

Sabi ni Laura sa sarili "Laura, matanong ko lang... Yung totoo ah, bakit mo pala ako hinamon ng laban?" Napangiwi sa laura sa tanong ng kanyang Tito "po? Diba sinabi ko na po?"

"Wala ba itong kinalaman sa magaganap na Odus Battle Exam?" Napangiti si Laura na tipong napahiya

"Yung totoo po talaga, Isa rin po yun sa mga dahilan" huminga ng malalim si haring laurel "Dapat sinabi mo sa akin, para maturuan kita"

"Talaga po?"

"Pero hindi ngayon"

"Huh? Bakit po?"

"Dahil hindi magiging patas sa iba"

"Wala namang masama dun ah?"

"Wala ngang masama pero, Hindi maganda kung titingnan"

"..."

"Sana maintindihan mo"

"Opo"

Tinapik ng hari ang braso ng pamangkin

"TiwalTinapik

"Opo"

******

Papunta na sa training room si Intoy ng makasalubong niya si amao na may dalawang kasama.

"Kaibigan!" Sigaw ni Amao.

"Amao!" Mabilis na nilapitan ni amao si Intoy.

"May ipakikilala pala ako sa'yo!" Sabi ni amao "Si Roselinda pala!" Sabay turo sa isang babaeng kulay Violet blue ang balat at naka bangs at naka ponytail "Hi!" Sabi nito

"At si Daniel!" Sabay turo sa isang lalake na naka-gel ang buhok "Hi" sabi nito

"Nakakatuwa naman at naka-usap ka namin" Astig na sabi ni roselinda "isa nga pa la akong Tiktik"

"At ako naman, isa akong Dalakitnon!" Nagulat si Intoy sa narinig "pero huwag kang mag-alala, hindi ako tulad nila Lucas na bully, tanungin mo pa tong si amao"

"Tama! Magiging kaibigan mo din sila" paliwanag ni Amao

"Kinagagalak ko na kayo ay makilala" ngumiti ang dalawa "kami rin"

"Saan ka pala pupunta?" Tanong ni amao

"Ah, pupunta ako sa training room, magsasanay kasi ako e?"

"Wow! Magsasay ka ba para duon sa Odus Battle exam?" Tanong ni Daniel

"Huh? Ano yon?" Naguguluhang tanong ni Intoy

"Isa yung uri ng event dito sa amadeus na ang lahat ng engkantong galing sa iba't-ibang bayan, ay maaring makasali. Isa itong palaro na susubukan ang lakas ng bawat indibidwal"
paliwanag ni Roselinda

"Ang totoo, magsasanay lang ako bilang tagapagtangol" sabi ni Intoy

"Ganon ba? Pwede ba kaming sumama?" Tanong ni Roselinda

"Aba, Oo naman... Tara?"

"Tara!" Sabay na sabi nilang tatlo.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now