Ang Lakas ng Pagkakaibigan

1K 72 7
                                    


"Hayop! Ano natakasan na ba natin siya?!" Hingal na hingal na tanong ni Amao sa kanila Rosalinda at Daniel. "Wag ka ngang maingay masiyado diyan at Baka mahuli niya pa tayo!" Pag-papaalala ni Rosalinda dito.

"Sa tingin ko naman ay natakasan na natin siya... Sa layo ba naman ng tinakbo natin ay himala na lang na masundan niya pa tayo" Tugon ni Daniel. Naka-pwesto silang tatlo sa malaking bato na mistulang nagtatago---- Este, nagtatago naman sila. Pero kanino?

Kinalabutan ang tatlo ng makarinig sila ng kaluskos mula sa likod ng pinagtataguan nila. "Hmp! Mukhang naabutan niya tayo!!!" Sarkastikong saad ni Amao.

"Shsss. Lalo tayong mahuhuli niyan! Huhuhuhu" kinakabahang tugon ni Rosalinda.

"Naiihi tuloy ako sa kaba!" Sabi naman ni Daniel.

Halos mapatalon silang tatlo ng lumundag sa harap nila ang maamong kuneho. "AAAAHHHH--- teka?! Kuneho lang pala?!" Gulat na reaksiyon nila Daniel.

"Oo nga no, kuneho lang pala!" Natawa tuloy bigla si Rosalinda.

"Nako! Kung Hindi lang mukhang maamo itong kuneho nato, kakatayin ko to! Kinabahan tuloy ako dahil sayo!" Sabi ni Amao na halos gigil na gigil. Naka-hawak pa ito sa dibdib niya na halatang kabadong kabado.

"Sa akin, Hindi kayo kinakabahan?" Isang pamilyar na Boses ang narinig nila mula sa kanilang likuran. Yung may ari ng Boses na ito ang tinatakasan nila Amao kanina pa. Napalunok sila dahil sa takot at kaba.

"I-imposible.... nasundan niya tayo?" Pabulong na tugon ni Rosalinda sa mga kasama. Agad namang sumagot si Daniel. "Mukhang dito na natin makikita ako kamatayan natin ah, Ayoko pang mamatay. Huhuhuhu"

Dahan dahan silang tatlo Lumingon mula sa likod na pinangalingan ng Boses. Kasabay non ay ang pagpatak ng mga mala butil nilang pawis sa kanilang mga mukha.

"Ah. Ka-Kamusta?" Natatakot na pagbati ni Amao ng tuluyan na silang naka-tingin sa nilalang na kanina pa nila tinataguan.

"Kamusta?" Tanong nito sa kanila kasabay ng paglaki ng dalawa nitong mga mata na lalong nakadagdag para matakot ang mga bata sa kanya. "Ayiie! Ayokong tumingin" Takot na takot na sabi ni Daniel na halos nagtatago na sa braso ni Rosalinda.

"Huwag na kayong magtago pa, dahil sa dulo. Mahuhuli ko din kayo! Roooaaaa- Aray!" Napahawak sa pagmumukha ang nakakatakot na nilalang. "Bakit mo ko binato!" Galit na tugon nito.

"Huwag kang magalit sa akin! Braso ko ang may gawa non! Braso ko!" Pagpapaliwanag ni Amao. Napangiti naman ang nakakatakot na nilalang dahil sa kapilosopohan ng bata. Nagawa niyang sagutin ito sa kabila ng takot na nararamdaman nila. "Sa tingin ko Hindi ko na dapat kaylangan na makipagbiruan sa inyo. Mukhang kaylangan na dapat nating magseryoso"

May kakaibang liwanag ang bumalot sa nakakatakot na nilalang, halos napapikit ang tatlong bata sa sobrang liwanag nito. At pagkatapos, unti-unting naglaho ang liwanag. Mula sa isang nakakatakot na nilalang. Nagpakita ang isang pamilyar na engkanto sa kanila.

"Maestra Luna!?" Sabay na tugon nila.

"Oo! Ako nga! Pasensiya na kung natakot ko kayo ah! Hindi kasi maniniwala ang mga natitirang manlalaro na isa ako sa magiging kalaban nila, lalo na sa maamo kong pagmumukha? Sino pang maniniwala? Hahaha!" Napakamot sa ulo sila Rosalinda. "Ano pong balak niyo?" Tanong nito.

Biglang sumeryoso ang hitsura nito "Tatapusin kayo" Nakaramdam ng kakaibang presensya sila Amao sa sinabi ni Maestra Luna, mistula itong isang angel sa napaka-init na impyerno. Dahan dahang umatras ang tatlo habang dahan dahan ding lumalapit si Maestra Luna sa kanila.

"Takboooo!!!" Mabilis na kumaripas ang tatlo palayo, agad silang dumiretsiyo sa isang daanan papunta sa pinangalinan nila kanina. Napahinto sila ng lumutang sa dinaraanan nila si Maestra Luna. "Huli ka"

"Ahhhhhhh!!!" Muling tumakbo palayo ang tatlo, pero muli. Biglang sumulpot sa harap nila si Maestra Luna. Paulit ulit nilang ginawa ang bagay na yon. Hangang sa napagod na sila. "Hayop. Hiningal ako dun ah!" Sabi ni Amao.

"Suko na?" Biglang sabat ni Maestra Luna. "Grrrrg. Hindi tayo mananalo dito, kung tatakas lang tayo" bulong ni Rosalinda sa kanila "Eh anong dapat nating gawin?" Tanong ni Daniel. "Lalaban tayo" sagot ni Amao.

"Simple lang naman ang estratehiya dito, gawin lang natin ang pinag-gagawa natin sa iba nating kalaban sa kanya. At sa tingin ko, tatalab yun at kahit papaano ay matatalo natin siya" Pagpapaliwanag ni Amao sa kanila. "Gagawin natin ang malupit nating kapangyarihan sa kanya?" Tanong ni Daniel. "Oo. At wala na dapat tayong sayangin na pagkakataon pa"

"Eh papaano kung Hindi tumalab?" Tanong ni Rosalinda.

"Wala na tayong magagawa! Pilitin nating manalo, at sa tingin ko. Mahina lang naman yang si Maestra Luna. Yakang yaka natin yan!"

"Ehem! Ano yang pinag-uusapan niyo diyan ha?" Biglang sabat ni Maestra Luna. "Pinag-uusapan lang naman kasi namin, ay yung paraan kung papaano kami namin matalo! Maestra Luna" wika ni Amao.

"Sa tingin niyo ba ay magagawa niyo Kong talunin? Hhhmmh?" Natawa si Rosalinda sa sinabi nito "Mukha atang minamaliit mo kami maestra ah? Tingnan lang natin kung nakanino ang huling halakhak"

"Daniel-Amao-Rosalinda! TEKNIK!" Sabay na sabi nilang tatlo.

Pumwesto sila napa-trayangulo. Nasa  gitna si Rosalinda, samantalang si Daniel naman ay nasa Kaliwa at si amao naman ay nasa kanan.

"Hmmmh?"

"Ngayon na!" Sigaw ni Daniel.

"Kamay ng lupa! Yah!" Agad na tinapik ni Amao ang lupa at biglang nagkabutas ang lupang kinatatayuan ni Maestra Luna. Lumubog ito. "Ano?!" Mukhang nagulat ang maestra at Hindi inasahan ang naging atakeng iyon. Pinilit niyang iahon ang paa niya subalit kinakain lamang ito ng lupa.

"Dila ng Tiktik! Yaaahhh!!" Agad na ibinuga ni Rosalinda ang kanyang dila at ipinalupot sa katawan ni Luna. "Pakawalan niyo ko! Hmp!" Pinilit kumawala ni Luna subalit bigo siya. "Subukan mo pang kumawala, ang lason sa dila ko ay didikit talaga mula sa katawan mo. Hehehe"

"Hindi!" Saad nito "Yaaahhh!!!" Agad na pinalutang ni Daniel ang malaking bato at ipinuwesto sa ibabaw ni Luna. "Anong gagawin niyo?" Kinakabahan na tanong nito. "Paalam maestra Luna" ibinagsak ni Daniel ang malaking bato sa kinatatayuan ng maestra. Sa sobrang lakas ng pagkabagsak. Napuno ng alikabok ang buong paligid.

"Hayop! Nagawa natin. NAGAWA NATIN!!!" Halos mapunit ang mga pisngi nila sa sobrang tuwa. Halos nagtatalon pa sila sa sobrang kagalakan. "Ang galing natin! Hindi ko inakala na tatalab ang teknik nating iyon! Ang saya!" Saad ni Rosalinda, agad namang sumagot si Daniel. "Sa unang pagkakataon, nakapatay tayo. Kakaiba sa pakiramdam pero kinalaban niya tayong tatlo eh! Hahahaha!"

Masayang masaya sila dahil nanalo sila. Dahil nairaos nila ang pakikipagpaban Kay Maestra Luna. "Ang galing! Napatay niyo ko! Ooh!"

Nambilog ang mata nila sa narinig. "Si-sino yung nagsalita?" Tanong ni Daniel. "Imposible naman ata?" Wika ni Rosalinda. "Hindi. Posible siya! Baka nakalimutan natin, Ilusyon ang isa sa kapangyarihan ni Maestra Luna, Hindi ba? Nakalimutan natin ang bagay na yon!" Napalingon silang tatlo sa likod. Kitang kita nila na buhay na buhay pa si Maestra Luna.

"Hahahaha! Akala niyo ba, mahuhuli niyo ko sa mga pambatang teknik na yon? Neknek niyo no!"

"A-anong gagawin natin amao?" Tanong ni Daniel.

"Wala na tayong magagawa. Kaylangan na nating lumaban!" Sagot nito.

Ngumiti si Maestra Luna. "Ilusyon: Impyerno!"

Isang pikitmata lang nila. Biglang nagbago ang buong paligid. Mula sa kagubatan, napadpad sila sa naglalagablab na lugar na may nakakatakot na prensiya. Ang impyerno.



******

GUYS! SALAMAT SA SUPPORT SA ANG TAGAPAGTANGOL: ANG BATANG SANTELMO.

Ituloy lang natin ang pagbasa. Please Click Vote. Para masaya na!

Don't forget na mag-comment. Why? Para malaman ko lang ang opinyon niyo sa Story ko. Good man yan o bad. Okey lang.

I hope na nag enjoy kayo. Keep supporting :)

Don't forget to Follow me.

-XXXLORDEXXX

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now