Ang Batang Axel

643 29 0
                                    


"Ikaw.... na mula sa bayan ng perla. Hinahamon kita" wika ni Torlax kay Axel

"Hindi ikaw ang tagapagtangol, kaya hindi dapat kita pagka-abalahan" sagot nito

Pero nagulat ang lahat ng itinaas ni Torlax ang kanyang paa at itinapat sa pagmumukha ni Axel.

"Wag kang mayabang, dahil ako na magsasabi sa'yo. Tatapusin kita"

"Baka gusto mo tapusin na kita ngayon eh" pagbabanta ni Axel.

"Sige ba, hindi kita uurungan"

Biglang naghari ang tensiyon sa pagitan ng dalawa na kahit si intoy ay kinakabahan.

Seryoso at nakakatakot ang itsura nilang dalawa. Pati presensya nila ay sadyang nakapagbibigay kaba. Kaya nga walang nag-tangka na pumagitna sa kanilang dalawa, dahil sigurado, kung sino man ang mag-lakas loob na umawat sa kanila ay maiipit sa matinding gera.

"Tumigil na kayo" Natuon ang atensiyon ng lahat sa likod na kung saan pinangalingan ng tunog "Wag muna kayong masiyadong magpakitang gilas sa puntong ito, kalma. Hindi na magiging maganda ang laban sa Biyernes kung alam na ng bawat isa ang mga abilidad ninyo, mas mainam kung inyo muna itong itatago" Wika ni Makaryo.

Ngayon lang ito nagsalita mula kanina, at kung pagmamasdan ang itsura ng pagmumukha niya. Hindi mo ito makikitaan ng kalungkutan, sa halip, isang misteryosong ngiti ang gumiguhit sa kanyang labi.

"Tama nga naman siya hindi ba? Mas mainam na sa laban niyo na mismo ipakita ang mga natatangi niyong kakayahan upang sa ganon, hindi magkaroon ng ideya ang inyong magiging kalaban" Dugtong ni Dugong. Pinaburan naman siya ng karamihan upang maiwasan ang magiging laban.

"Tama. Ayoko din namang mag-sayang ng lakas mula sa mababang uri ng nilalang na katulad mo" Wika ni Axel na dahilan para ikagalit ni Torlax.

"Kuya tama na..." Pinigilan ni Teri ang akmang pag-sugod ni Torlax kay Axel, mabuti naman dahil kumalma na ito. "Pasalamat ka!" Sabi ni Torlax sabay duro kay Axel. Nilagpasan na lang siya nito at hindi pinansin.

"Tch, Gwapo pa man din sana siya subalit mukhang padalos dalos siya! Sayang" Komento ni Lily ng sila ay makaalis.

"Balita ko nga ay habulin din daw siya ng babae, Hmmh. Mas may itsura naman ako dun no? Hindi ba?" Tugon naman ni Karlo, napa-irap nalang si Lily sa narinig.

"Pwede ba, wag ka ngang magsalita ng ganyan! Pina-iinit mo ang dugo ko eh! Akala mo naman talaga!" Reklamo ni Lily, natawa nalang si Karlo sa narinig samantalang si Dugong na nasa likuran lang nila ay napapailing.

"Axel, mabuti naman dahil pinigilan mo ang sarili mo kanina" Sabi ni Dugong.

"Hindi kasi ako katulad niya na padalos dalos lang, pero ang masasabi ko. Meron din siyang malakas na kakayahan, at dama ko yun at yun ang mga katangian na gustong gusto ko sa magiging kalaban ko" Sagot ni Axel habang hindi man lang lumilingon kay Dugong "Eh kung nais mo pala siyang maging kalaban, bakit mo ito pinalagpas kanina?"

"Dahil hindi naman talaga siya ang pakay ko... ang pakay ko ay si Intoy, ang batang tagapagtangol" Seryosong tugon ni Axel

Habang nag-lalakad sila, sinasariwa ni Axel ang mga alaala kung saan nag-simula ang lahat, ang pinag-mulan ng sakit, mga luha, pagtra-traydor, pang-iiwan at pag-mamahal.

"Itay! Itay!" Humarap si Haring Marino sa kanyang anak na kanina pa sigaw ng sigaw sa kanya, nasa kalagitnaan sila ng pagsisiyesta ng makaramdam ng pagka-bagot ang batang si Axel "Bakit anak ko? Ano ang problema?" Tanong nito

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα