Impyerno

751 37 0
                                    


"Te-teka, na..nasaan na ta-tayo?" Wika ni Amao.

"Grabe. Ang init!" Reklamo ni Rosalinda.

"A-ano bang kla-klaseng lugar ito?" Sambit naman ni Daniel.

Inilibot nila ang kanilang paningin sa buong paligid. Halos nanlaki ang kanilang mata sa kanilang nakikita.

Mainit, Puro apoy, Madilim, at halos puro kalansay. "Nasa impyerno na ba tayo?!!" Sabay na sabi nila.

"Diyos ko! Naging mabuti naman akong bata ah? Bakit dito parin ang bagsak ko?!!" Sarkastikong saad ni Daniel.

"Hindi maari! Hindi ko pa nasusulit ang buhay koo!!" Sigaw naman ni Amao.

"Kumalma nga kayo!" Awat ni Rosalinda sa kanila. "Papaano tayo napadpad dito?!" Dugtong niya.

"Ang huling pagkakatanda ko. Naka-luhod ako este! Tayo. Sa harap ni Maestra Luna! Tapos ayun, Nandito ns tayo!" Pagpapaliwanag ni Daniel.

"Baka ito ang tunay na kapangyarihan ni Maestra? Baka ang totoo. Demonyo talaga siya!" Sarkastikong wika ni Rosalinda. "Hindi! Nagkakamali ka!" Putol ni Amao. "Bakit? Ano sa tingin mo?" Tanong nito.

"Mukhang alam ko na kung baki---" Hindi natapos ni Amao ang sasabihin niya ng mapasigaw si Daniel. "May mga papalapit sa atin!!"

Agad silang nagsi-tinginan sa lugar na itinituro ni Daniel "A-ano yun?!"

Nakakita sila ng tatlong bagay na papalapit sa kanila. "Baka demonyo ang mga iyon!?" Wika ni Daniel.

"Nakakainis! Mukha atang mapapalaban tayo ah?" Saad ni Amao. "Urgh! Magtago muna tayo!" Suhestiyon ni Rosalinda.

Agad silang nag-tago sa isang nanunuyot na puno sa may gilid nila banda. "Hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon ah!" Bulong ni Daniel.

"Ako rin, at hindi ko din alam kung Bakit nagsisitayuan ang lahat ng balahibo ko" Wika ni Rosalinda.

"Shhss... Teka! Wag nga muna kayong maingay, baka marinig nila tayo" paalala ni Amao. Sumilip-silip siya sa gilid upang tingnan ang mga bagay na nakita nila kanina. "Parang wala na sila"

"Sigurado ka ba?" Pangkukumpirma ni Rosalinda. Tumango naman si Amao bilang sagot. Habang nagtatago silang, napansin ni Amao na bahagyang naninigas si Daniel sa may gilid nila. "Daniel, ayos ka lang ba?"

"....." Hindi ito nakasagot, labis na nagtaka ito. Kaya naman sinampal niya ito. "Uy! Ano ba?"

"Amao. Mukhang alam ko na kung bakit naninigas si Daniel kanina pa" Wika ni Rosalinda. Nilingon ni Amao ang lugar na tinititigan ni Daniel. Nambilog ang kanyang mata sa kanyang nakita. Hindi kasi sila makapaniwala sa kanilang tinitingnan. "Imposible" Saad nito.

"Daniel, anak ko. Dinidismaya mo na naman ako" Wika nito gamit ang isang malalim na boses

"Pa-papa...." Nanginginig na sagot nito. Sinulyapan sila Amao at Rosalinda ng ama ni Daniel at biglang kumunot ang nuo nito.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag kang sasama diyan sa mga mababang uri ng engkantong yan!" Bigla niyang hinatak si Daniel at pinisil ang braso nito. "Pa, Ta-tama na, nasasaktan na po ako!" Pagmamaktol nito. "Tumahimik ka!" Isang malakas na sampal ang natamo ni Daniel sa pag-sagot niya sa kanyang ama. Labis namang nabigla sila Amao at Rosalinda sa kanilang nasaksihan "Daniel!"

Dahil Hindi nagustuhan ni Amao ang nasaksihan, pinalubog niya ang lupang tinatapak ng ama ni Daniel. Bilang resulta, nawalan ng balanse ito kaya napabitaw ito sa pagkakapit sa braso ni Daniel. "Halika! Tumakas na tayo!" Hinatak ni Rosalinda si Daniel upang makalayo. "Wala kang kwenta!" Sigaw ni Amao dito sabay habol sa mga kasama niya.

Para silang hinahabol ng buhay na demonyo sa bilis ng pagtakbo nila. Subalit, napahinto sila sa pagtakas ng may nagpakita na isang dambuhalang palaka. "AAAAHHHHH!!!" Malakas na sigaw ni Rosalinda. Napaatras siya sa sobrang takot. "Rosalinda! Ano ba!!?" Awat ni Amao.

"Ayoko sa palaka Amao!! Ano ba!!! Aaahhhh!!" Sa kakaatras ni Rosalinda, aksidenteng nadapa siya. "Rosalinda!" Agad siyang tinulungan ni Daniel para makatayo. "Bilis. Tayo!" Wika nito.

Agad inilabas ng palaka ang dambuhala niyang dila at akmang ihahampas sa pwesto nila Rosalinda. "Aaaaaahhhhh!!!" Muntik ng mapisa sila Daniel at Rosalinda sa kinapwepwestuhan nila, mabuti na lamang ay agad nakagawa ng depensa si Amao gamit ang lupa na kinontrol niya.

"Kainis... Ano ba! Umayos nga kayo!" Sigaw nito. Muntik ng mapatalon si Amao sa pagkakabigla ng matanaw niya ang dambuhalang palaka na palundag sa ibabaw niya. "Gulp" wika niya. 

"Ahhhhhhh!!!" Labis na natakot si Rosalinda kaya naman nawalan ito ng Malay. "Rosalinda Buma---"Hindi natapos ni Daniel ang sasabihin niya ng mahampas siya ng dila ng dambuhalang palaka. " Sakit!" Saad nito.

"Yah! Lamang lupa!" Ginamit ni Amao ang espesyal niyang kapangyarihan, ang lumikha ng buhay na Golem. Dalawang Golem na walang mukha ang nalikha niya. Dagling sumugod ang dalawa sa kinapwepwestuhan ng palaka at agad na tinalunan ito. Lumundag ang palaka upang lumayo sa mga golem, habang nakikipaglaban ang mga ito. Agad na lumapit si Amao sa mga kaibigan niya.

"Daniel tayo! Buhatin mo si Rosalinda!" Utos nito. Agad namang sinunod ni Daniel ang utos nito. Palayo na sila ng makakita sila ng isang puting liwanag. At unti-unti, mula sa isang ordinaryong liwanag, ay lumitaw ang isang nagsasalitang ampalaya. "Aaaaahhh!!" Gulat na gulat na reaksiyon ni Amao.

"Amao..." Wika ng ampalaya. Labis na kinilabutan ang bata sa pagkakatawag ng ampalaya sa kanya. "Ba-bakit na-nandito ka?! Ang ampalayang kinatatakutan ko?!"

"Amao! Umalis na tayo! Papalapit na ang palaka sa atin!" Reklamo ni Daniel habang buhat buhat si Rosalinda. "A-aray" at muli, nagising na si Rosalinda. "Mabuti naman at nagising ka na!"

"Amao! Tara na! Umalis na tayo!" Sigaw ni Daniel "Gising na si Rosalinda!"

"Ahhhh!!! Ang palaka!" Gulat na reaksiyon ni Rosalinda. "Umalis na tayo! Bilis!" Wika ni Daniel.

"Wag kayong aalis dahil sa akin" wika ng ama ni Daniel. Nambilog ang mata niya sa narinig. "Pa-papaa..." Napalunok siya sa takot.

"Alam ko na. Ako- takot sa mga ampalaya, si Rosalinda- Alam Kong takot sa palaka at si Daniel, takot sa Ama niya" bulong ni Amao sa sarili niya. "Ilusyon lamang ito. Ilusyon lamang ito" sabi ng maliit na boses sa utak ni Amao.

"Huwag kayong matakot sa mga bagay na yan. Harapin niyo sila! Dahil parte lamang ito sa mga pagsubok na binigay sa atin ni Maestra Luna!"

"Sigurado ka ba Amao? Eh parang totoo ang lahat ng ito eh" takot na wika ni Daniel.

"Kaylangan kong maging matatag. Maging matatag. Maging matatag" bulong ni Amao sa sarili. "Haharapin ko ang ama ni Daniel! Ikaw Rosalinda, dun ka sa ampalaya! At ikaw naman Daniel! Dun ka sa palaka!"

Mabuti naman at tinatagan na nung dalawa ang loob nila at nag-simula ng lumaban. Habang lumalakas sila dahil sa tapang nila... humihina naman ang mga kalaban nila.

At nung akmang matatalo na nila ang mga kanya-kanya nilang mga kalaban. Biglang may lumabas na bilog sa itaas nila at hinigop sila papunta don. "Aaaaaahhhh"

At sa isang iglap nakabalik na ulit silang tatlo sa gubat. Mukhang na-alimpungatan na mula sa majika na ipinasok ni maestra luna sa kanila.

"Mahusay mga bata. Labanan ang takot, at protektahan ang mga kaibigan. Sapat na dahilan para kayo ay ipasa. Paalam!"

Biglang nawala si maestra luna na parang bula. Samantalang ang tatlong bata. Hindi pa rin makapaniwala na nairaos nila ang labang iyon.

-----

Dont guys to forget to follow me :)

Tyaka leave kayo ng comment about sa chapter. Please?

Hit like na din. Bwuhahahaha.

Yun lang. Love you

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя