Ang Malahalimaw na lakas

1.2K 45 5
                                    


AGAD na nagtago sila Maestro Mayan at Torlax sa isang malaking bato, nakakarinig na sila ng mga nakakatakot na ungol mula sa di kalayuan.

"Sila na ba yon?" Pag-uusisa ni Torlax, tumango ang maestro bilang tugon.

Sunod sunod na ingay ang maririnig sa buong kapaligiran, ingay na mistulang kayang mang-gising ng mga natutulog na Diyos. Hindi mawari ng Maestro kung papaano niya patitigilin ang mga ito, dahil hindi magiging sapat ang abilidad niya upang tapatan ang mga halimaw na makapangyarihan ang lakas.

"Anong plano natin?!" bulalas ni Torlax na kanina pa hindi mapakali

"Hindi ko alam, subalit hindi ko hahayan na parehong magwawakas ang kasaysayan nating dalawa dito sa nakakatakot na banging ito" 

"At hindi rin ako makakapayag na hindi makakuha kahit man lang isang piraso ng bulaklak ng kalachuchi"

Isang malakas na yabag ang gumulat sa dalawa na sumisimbolo na malapit na sa pwesto nila ang mga halimaw. "Naririyan na sila, humanda ka" 

Isang malakas na atungol ang narinig nila mula sa likuran nila, at isang malakas na pag-sipa ang dumurog sa batong tinataguan nila "Nakita nila tayo!" Sambit ni Torlax

"IWAAASSS!" Ginamit ni maestro mayan ang kapangyarihan niya upang kontrolin ang katawan ni Torlax at ibato para di matapakan sa pagtakbo ng mga ikugan.

Sunod sunod na nagsilitawan sa buong kapaligiran ang mga nakakatakot na nilalang. "Padami sila ng padami!" 

"Kapangyarihan ng Kalikasan, malaking bato! Lumutang ka!" idinikit ni maestro mayan ang dalawa niyang palad kasabay ng paglutang ng dambuhalang bato na nabuo sa mga pira-piraso ding mga bato na nakalagay lamang sa mga paligid. 

Kasabay ng paghihiwalay ng dalawang palad ni maestro mayan ay ang pagbagsak ng dambuhalang bato, mabilis itong bumulusok paibaba na paniguradong tumama ng napakalakas sa mga ikugan na nasa ibaba, magandang atake ang ginawa ni maestro mayan upang mabawas bawasan ang mga kalaban nila. labis namang namangha si torlax sa kanyang nasaksiham.

Naputol ang pagmumuni muni nito ng makarinig siya ng yabag mula sa likuran niya. "Ano?! Naliliitan lang ba kayo sa akin?! Hindi ako papayag na si maestro mayan lang ang magpakitang gilas! Pagkakataon ko na rin ito upang masubukan ang bagong istilong matagal ko ng pinag-aaralan!" dumampot ng malaking bato ang ikugan at akmang ibabato kay torlax, mabilis niya naman itong naiwasan at kumuha ng tamang lakas. 

Mapapansin na habang kumukha siya ng lakas ay lumiliwanag ang tuhod niya paibaba hangang paa. nagkukulay asul. "Ang Sipa ng Isla ng Odus!" Nagsitakbuhan ang mga ikugan sa kinapwepwestuhan niya, sinegundahan niya rin ito ng harapang pagsugod. 

Ano kaya ang naiisip nitong si Torlax? Pagkatapos niya tumakbo ay bumwelo siya tyaka tumalon ng sobrang taas, halos maabot na ang pagmumukha ng napakataas na ikugan, mula sa ere. bumwelo siya upang makasipa ng malakas. "Sipa ng Isla ng Grodus! Tikman mo!!!" tumilapon pabalik ang ikugan mula sa likuran na naging dahilan para madapa yung mga ikugan na nasa likuran lamang niya.

Samantala, patuloy paring nakikipaglaban si maestro mayan sa tila walang kaubusang mga ikugan, hindi niya labis na inakala na mahihirapan siya sa pakikipagharap dito. "Pano namin mapupuksa ang mga ito!?!!!" 

Sunod sunod na nagsi-suguran ang mga ikugan sa kinapwepwestuhan ni maestro mayan! lahat sila'y galit na galit, hayok na hayok na silang wakasan ang buhay ni maestro mayan.

"Mukhang kaylangan ko ng gamitin ang pinakamatindi kong kapangyarihan dito..." Muli niyang ipinagdikit ang dalawang palad niya, kasunod ay paglutang ng mahahaba niyang mga buhok. "gravedad!!!" Lahat ng mga ikugan na malapit sa kinapwepwestuhan niya ay sunod sunod na nagsilutangan sa ere.

Inangat niya paitaas ang isa niyang kamay sabay wasiwas sa ere, kasabay nito ay ang pagtalsik ng mga ikugan sa kalayuan. kasunod nito ay nakaramdam ng matinding panghihina si maestro mayan. "Mukhang naubos na ang karamihan sa lakas ko" sabi niya sabay pagbagsak ng katawan niya.

Pinanuod niyang makipaglaban si Torlax sa mga dambuhalang ikugan. "Kakaibang bata....." bulong niya sa sarili niya.

Dahil sa bilis na abilidad na meron si Torlax ay madali niyang naiiwasan ang mga atake ng mga ito, ngunit nakaramdam siya ng kahirapan ng parami na ng paraming ikugan ang lumilibot sa kanya. "Ano na bang nangyayari kay maestro Mayan?!" tanong niya sa sarili niya.

habang umiiwas siya ay hinahanap niya din kung nasaan na si maestro mayan, nakita niyang nakabagsak na ang katawan nito at mukhang nanghihina na. "Maestro Mayan!" malakas na isinigaw ni torlax ang pangalan ng maestro dahil nakita niyang papalapit na ang halimaw na labis nilang kinatatakutan.

Ang bungisngis.

nabigla si Torlax na nagsitakbuhan ang mga ikugan palayo, sa kadahilanan siguro na nakita nila ang bungisngis na mas dambuhala pa sa kanila. "Mukhang nagising natin siya" Sabi nito. subalit nawala ang tingin niya sa ikugan ng maramdaman niyang napatalsik siya sa pagkakasipa sa kanya ng isang ikugan. napatilapon siya sa madilim na parte ng bangin.

Nakita ni Maestro mayan na papalapit na sakanya ang halimaw, halos mambilog ang mata niya sa pagkabigla. kaya naman pinilit niyang makatayo para makalayo.

Medyo nahilo si Torlax sa nangyari sa kanya, habang umiikot ang buong paligid na nakikita niya, may isang liwanag sa harap ang natatanaw niya "Ano iyon?" ng halos malinaw na ang nakikita ni Torlax, duon niya napagtanto na iyon na pal ang bulaklak na hinahanap niya, ito ay ang bulaklak ng kalachuchi.

akmang dadamputin niya na sana ito ng marinig niya ang paghiyaw ni Maestro mayan "Torlax tumakas ka na!" nabigla ito ng makita niyang hawak hawak na si maestro mayan ng bungisngis.

Susugod sana si Torlax para mabilis na matulungan si maestro mayan ngunit maiiwan niya naman ang bulaklak, pero kung bubunutin niya pa iyon, ay mahuhuli na siya sa pagsagip sa guro.

Mabagal na kumilos si Torlax at pinagmasdang mabuti ang magiging kalunos lunos na katapusan ng guro. kasabay sa pagdampot ng bulaklak ng kalachuchi


Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now