Pagbagsak ng Bayan ng Grodus

1.5K 60 0
                                    

Samantala sa bayan ng Grodus...

Humaharap ang lahat ng mga naninirahan duon dahil sa biglang pagsalakay ni Valu

"Ahhhhhhhh!!!!" Sigaw ng isang mananangal habang pilit na tumatakas sa kampon nila Valu.

"Majika!" Sigaw ni Valu, isang kulay berde na usok ang puma-ikot sa kanya at biglang sumabog, lahat ng nakalanghap non maliban sa kanyang mga kampon ay hindi nakakahinga.

Merong ibang mga engkanto na pilit na lumalaban kay Valu pero nabibigo sila.

Nag-hagis na nga ng isang malaking puno ng narra ang isang kapre sa pwesto ni Valu pero napigilan niya ito, pinalutang niya ang puno at inihagis pabalik sa kapre.

Muling nagsalita si Valu "Esparagum!" Gumalaw ang lupa, at may mga lumabas na malalaking baging, mga baging na gumagalaw na may mga matutulis na patusok.

Lahat ng mga natatamaan ng baging ay nalalason at unti-unting namamatay.

Sumugod na ang mga guwardiyang Kapre.

Lahat sila ay may hawak hawak na malalaking bato at sabay sabay na inihagis sa pangkat ni Valu.

Mabilis na umiwas si Valu at yung iba niyang mga alagad ay namatay dahil hindi nakaiwas, mabilis naman siyang gumanti. "Amadeus!!" Sigaw ni Valu, may mga baging na lumabas sa mga paa ng mga kapre, unti-unti ay pinaluputan sila nito at sila ay hindi na nakahinga at tuluyan ng namatay.

Lumabas na ang Heneral ng mga kapre at hawak hawak ang isang puno ng acasia.

"Bago mo sakupin ang aming munting bayan at bago ka makatapak sa kastilyo ng hari, ay dadaan ka muna sa akin" sambit nito.

"Ganon ba?" Sabi ni Valu "Edi patatalsikin nalang kita diyan" isang hampas sa lupa ang nagpatalsik sa heneral ng mga kapre, hindi man ito nakalaban o nakagalaw man lang, lahat ng ibang nakasaksi ay natakot at tuluyan ng nawalan ng pag-asa.

"Ikaw! Napakasama mo!" Sabi ng isang boses sa likuran ni Valu, lumingon siya at nakita niya ang isang matandang mananangal, may hawak hawak pa itong tungkod at pinipilit ibuka ang naninigas niya na mga pakpak. Kahit nakamaskara si Valu ay napangiti ito. "Kung ako sa inyo, hindi na ako mangingi-alam pa... kagaya ng mga kasama mo, kagaya ng ginagawa ng hari niyo! Kaya ikaw lola... huwag ka nang mag matapang pa, dahil sa susunod na linggo... hindi lang tong maliit na bayan niyo ang masasakop ko... Pati na rin ang buong Isla ng Odus!!!" Pagmamalaking sigaw ni Valu.

Napangitngit ang mga ngipin ng matanda sa sobrang galit at gustong hampas hampasin si Valu gamit ng Tungkod pero hindi magawa kaya naman sinigawan niya na lang muli ito.

"Hinding hindi na ako matatakot sa iyo! Dahil dumating na dito sa isla ng odus ang bagong tapagtangol! Ang tagapagtangol na mag papatiklop sa iyo!!" Galit na galit na sigaw ng matanda.

Halos nagdikit ang dalawang kilay ni Valu sa narinig "Magpapatiklop? Wala pa! Hindi hinding ako matatalo ng tagapagtangol na iyan! Dahil wala pang nilalang na isinisilang na makakatalo kay Valu!!!" Sigaw nito subalit laking gulat niya ng batuhin siya ng matanda ng isang bato.

"Pinupuno mo ko matanda ka!!! Tikman mo To!!!!!" Malakas na sipa ang natangap ng matandang mananangal na nagpatalsik sa kanya, ang lahat ng nakasaksi ay nagulat at na na-awa sa naging kahinatnan ng matanda.

"Grrrggg..." sabi ni Valu. wasak wasak ang katawan ng matanda, talsik ang mga buto nito.

"Sino pa sa inyo ang nais lumaban sa akin huh?! Sino?! Sino?! Tatandaan niyo ang araw na ito! Ako... ang magiging Diyos ng buong mundo!!"
Matapos ang ilang sandali ay dumiretsiyo na siya sa kastilyo ng hari, kasama niya ang mga alagad niya na mga puro zombie. Nakasarado ang pinto ng kastilyo kaya naman inangat ng bahagya ni valu ang kanyang palad, at may itim na bola ang lumutang dito, pagkatapos niya mabuo ito ay inihampas niya ito sa malaking pinto. Talsik ang mala-gintong pinto, nagsitakbuhan ang mga Engkantong mananangal.

"Nasaan na ang hari niyo!?" Walang sumagot dahil abala ang lahat sa pagtakas, ginamitan ni Valu ng itim na majika ang isang mananangal na lumilipad palabas, nanigas ang buong katawan nito, at mistulang naging bato.

"Ngayon, sagutin mo ang tanong ko? Nasaan ang hari niyo? Nasaan ang hari ng bayan ng Grodus?!"

"Eh--Eh! Na-Nasa sikreto niya pong ta...taguan" sagot ng mananangal, pagkatapos niya sagutin ang tanong ni Valu ay pinasabog siya nito, at dumiretsiyo na ito sa sinasabing sikretong kwarto ng hari, pumikit ng sandali si valu para maramdaman ang prensensiya ng hari, habang nakapikit ito ay naririnig ni valu ang mahina ngunit mabilis na paghinga ng hari sa ilalim ng lupa.

"Alam ko na kung nasaan siya" sabi ni valu sabay dilat.

"Majika!!!" Lumindol ang buong palagid, nagsilabasan ang mga baging na may mga patulis sa ilalim ng lupa, kasama ng pagtaas ng baging ay ang pagsama sa katawan ng walang buhay na hari.

"Sa wakas, nasakop ko na ang bayan ng Grodus!.... Humanda ka na, bayan ng Amadeus! Hahahahaha" sabi ni valu sabay tumawa ng napakalakas.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now