Ang Kapatiran

1K 56 3
                                    


Ipinikit na ni Maestro Mayan ang kanyang mga mata. Hinintay na lamang ang kanyang masalimuot na katapusan, "Dito na magtatapos ang aking kasaysayan" bulong niya sa kanyang sarili.

Ngunit halip na matitinding sakit ang kanyang maramdaman dahil sa pag-nguya sa kanya ng buhay ng bungisngis, ay sakit sa pagbagsak ang naramdaman niya. 

"Anong nang---" Nakakita siya ng madaming kasapi ng kapatiran, mukhang nandito upang iligtas sila. 

"Bantayan niyo silang dalawa! Kami ng bahala sa halimaw na ito!" bulalas ng isang lalake na nakatayo sa tuktok ng malaking bato. Nakasuot siya ng maskara, ang totoo, lahat sila ay nakasuot ng maskara. at mukhang isang sarangay ang pinuno nila.

"Ang sarangay ang isang uri ng engkanto na may malaking pangangatawan na katulad sa tao ngunit pormang kalabaw ang kanilang ulo" 

"Ikaw! Humanda ka na! dahil nandito na ang kapatiran!" bulalas niya, naalarma ang bungisngis at mabilis na nataranta, ng dumating ang ilang kasapi ng kapatiran, dagling kinuha ni Torlax ang bulaklak ng kalachuchi "Sa wakas" pero laking gulat niya ng may humawak sa braso niya "Bata.... Ligtas ka na" saad ng isang engkantong lumapit sa kanya na nakasuot ng maskara. "Bitawan mo ko! kaya ko ang sarili ko!!" sabay bawi sa braso niya.

Nabigla si Torlax ng may makita siyang dambuhalang batong pabulusok na sa kinapwepwestuhan nila "Bata iwas!" itinulak siya ng engkantong kausap niya kaya naman nakaligtas siya, subalit ang natamaan naman ay yung engkantong tumulong sa kanya. "ano bang?!-"

Nasa gitna na pala ng pakikipaglaban ang pangkat ng kapatiran sa dambuhalang bungisngis. Walang kahirap hirap na dinampot ng dambuhalang bungisngis ang malaking bato na nasa gilid niya at dagling ibinato sa pwesto ng mga maliliit na engkanto. agad na inabangan ito ng pinuno ng mga kapatiran at malakas na sinuntok na nagsanhi ng pagkakadurog durog nito. pambihirang lakas ang ibinuhos niya upang mawasak ang dambuhalang batong iyon.

"Kakaiba" sambit ni Maestro mayan.

"TUMIGIL KA NAAAA!!!" kasabay sa pagsigaw ng pinuno ng mga kapatiran, ay ang paglabas ng kulay pulang awra sa dalawang buong braso niya, kasunod nito ay ang pambihirang lakas na nagbunga sa pagbuhat niya sa bungisngis gamit ang dalawang kamay niya paitaas.

nabigla ang lahat sa nasaksihan nila "Sino ba siya?" Tanong ni Torlax sa sarili.

Agad na ibinato ng Sarangay ang dambuhalang bungisngis papunta sa kalayuan, bumagsak ang katawan nito sa paahan ng bangin. Hindi ito nakatayo dahil sa sobrang kasikipan ng lugar na kanyang kinabagsakan. 

Hindi pa nakakatayo ang halimaw ng tumalon paibabaw sa kanya ang Pinuno ng kapatiran "Ang mga tulad mong alagad ng kasamaan..... ay hindi na dapat nabubuhay pa!" Sunod sunod na Suntok ang inihataw nito patungo sa dibdib ng bungisngis na nagresulta sa pagbulwak ng katawan nito. 

Matapos nitong wakasan ang buhay ng bungisngis, ay lumingon siya kay torlax at tumingin ng masama, tingin na mistulang nagbabanta.

*******

Pagbalik nila sa bayan ay agad na kinausap ni Torlax at maestro mayan ang Pinuno ng kapatiran.

"Maraming salamat pala sa pagligtas sa amin" panimula ni Mayan

"Nakakahiya ka" Sagot nito. "akala ko ba hindi na mauulit ang nangyari noon? Tsk... Mahina ka talaga" 

"Palalagpasin ko ang pagkakataong kinukutya mo ako ngayon, pero tatandaan mo... Wala kang karapatan, na sabihang naging mahina ako.. dahil sa ating dalawa, ikaw ang tunay na walang nagawa" 

Labis na naguluhan si Torlax na naging usapan nila.  "Walang nagawa? Mauulit ang nangyari noon? Ang gulo talaga nila"

Hindi na sumagot pa ang pinuno ng mga kapatiran at nauna na sa paglalakad. "Alam mo naman na siguro ang gagawin diyan sa bulaklak na yan, sinabi ko na sa iyo ang lahat kanina pa.... kaya sana naman, magamot mo na ang kapatid mo" Biglang saad na sabi ni Mayan kay Torlax.

"Sige" 

*******

Mula sa madilim na pasilyo, lumipad ang mananangal patungo sa silid ni Valu....

"Pinuno.... ang inyo pong alagang bungisngis ay patay na" 

"Ano? Paano nangyari iyon?!" Galit na sigaw nito

"Tinapos ito ng pangkat ng mga Kapatiran!" 

"Kapatiran? Mukhang nagbibigay na talaga ng motibo ang hari na yan na magsimula ng digmaan, o sige... humanda siya, dahil nalalapit na ang katapusan niya" 


---------

Authors Note:

Maraming maraming salamat sa lahat ng mga taong nagbabasa sa kwento kong ito. Hindi talaga ako magpupursigi na ituloy ito kung hindi dahil sa inyo. Maraming salamat


Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now