Pagkatapos

505 26 3
                                    

Isang linggo makalipas matapos ang pagtatangkang pagsakop ni Valu sa bayan ng Amadeus, mababakas sa bawat engkanto ang malungkot na balita na tuluyan ng patay ang dakilang hari nila. Lahat ay dumalo sa huling sandali bago tuluyang itapon ang abo ni haring laurel sa ilog ng bayan ng Amadeus.

"Sa sandaling ito, nag-sama sama ang lahat ng mga engkanto na nagbibigay pugay sa kabayahinan at sakripisyong ginawa ni haring Laurel para sa bayan natin, ito man ay nag-dulot ng pagkawala niya ng tuluyan sa atin, babaunin naman natin ang lahat ng pagmamahal... kagitingan... katapangan na ginawa niya sa puso ng bawat isa. Hindi lang siya naging mahusay na hari sa ating lahat, sa halip. naging isa siyang, guro, tagapagpayo, magulang, tagapag-ligtas, at naging isa din nating kaibigan. Haring laurel, hindi ka makakalimutan ng bayang ito. Ang sakripisyong ginawa mo ay naka-tala na sa kasaysayan. Paalam" Tuluyan ng nilagay ni Professor David ang isang maliit na Vase na pinaglagyan ng abo ni haring laurel sa ilog tangis sa pinaka-dulong parte ng amadeus. Lahat ng mga engkanto ay nag-sama sama upang makiramay sa pagkawala ng isang mahusay ng lider sa bayan ng amadeus.

Isa-isa naman na nag-hulog ng bulaklak ang bawat engkanto sa ilog tangis kung saan sumasabay lang ang pag-galaw sa pag-agos ng tubig.

"T-Tiyo" Hindi na napigilan pa ni laura ang pag-iyak kaya naman dinamayan siya ng mga kaibigan niya.

Lumapit si Ramuel sa kinatatayuan ni Intoy "Intoy. Magpapa-alam na kami" Kumunot naman ang nuo ni intoy sa narinig "Kami? Sinong kasama mo?" Tanong niya

"Ako intoy" Wika ni Artemyo "Babalik kami sa bayan ko, at titingnan namin kung nandun pa din ang kampon nila Valu" Wika ni Ramuel

"Pero sa tindi ng nangyari kay Valu, sigurado akong hindi siya makakalaban. Kaya naman maghahanap sila ng panibago nilang pag-tataguan na kung saan hindi natin siya mahahanap, tyaka nagsama naman din ako ng ilang kasapi ng kapatiran upang mabantayan ang batang ito" Wika ni Artemyo.

"Kailangan ba na ngayon ka na talaga umalis?" Tanong ni Intoy. "Oo, intoy eh. Kailangan talaga ay ngayon na. Madami pa kaming bagay na dapat asikasuhin at wala akong sapat na oras para walang gawin" Paliwanag niya

"Kung ganon, hindi na kita pipigilan pa. Susuportahan nalang kita, at lagi mong tatandaan, kapag kailangan mo ako. nandito lang ako, dahil kaibigan mo ako"

"Salamat Intoy, masaya akong marinig ang bagay na iyan" Wika niya, tuluyan na siyang tumalikod at naglakad palayo kasama si Artemyo subalit bago sila tuluyang umalis ay nag-paalam muna si artemyo na may kakausapin muna siyang engkanto.

"Lucas" Tawag niya dito. Isang matalim lang na titig  ang iginanti ni lucas dito. "Alam kong galit ka sa akin. kaya nandito ako para humingi ng tawad"

"Tawad? Hindi mo na kailangan gawin ang bagay na yan. Iisipin ko nalang na isang parusa ang natangap ko at kailangan kong mag-tanda" Tumalikod na si lucas at hindi na kina-usap pa si artemyo. "Pero wag kang mag-alala dahil babantayan kita" Wika ni Artemyo. Napailing nalang si lucas ng marinig iyon.

Isa-isa ng umaalis ang mga engkanto sa lugar na iyon, at isa na dun ang pangkat nila Axel, pero bago sila tuluyang umalis ay nilapitan sila ni David at ni Intoy.

"Hindi man lang ba kayo mag-papaalam?" Tanong ni David sa kanila. Huminto naman sila sa pag-alis at nginitian silang dalawa. "Sa totoo lang, hindi na namin maatim na harapin kayo, sa ginawa namin wala na kaming mukhang ihaharap pa sa inyo" Wika ni Dugong

"Humihingi ako ng tawad sa ginawa namin" Wika ni Axel "At ipinapangako ko na hindi na kayo makakarinig pa ng kahit anong balita tungkol sa amin o hindi kaya sa bayan ng perla. Hindi na mauulit pa" Dugtong niya.

"Ano bang pinagsasabi mo axel, hindi na talaga mauulit ang bagay na iyon dahil ipagtatangol ko din ang bayan niyo laban sa mga katulad ni Valu" Wika ni Intoy.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon