Sakripisyo

453 18 0
                                    


"Uulitin ko! Ikaw ang walang kwenta!"

Halos magdikit ang kilay ni Leo sa mga binitawang salita ni Intoy at halos mapanganga naman sa gulat si lucas sa biglang pagsagot ni intoy sa kanyang ama.

"Lapastangan, Anong karapatan mong pagsabihan ako ng ganyan?!"

"Ikaw! Anong karapatan mo para pagsabihan si lucas ng ganon! Hindi mo lang alam pero ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para lang maipanalo ang laban!"

"Pero natalo pa din siya? At wala kang karatapatan para pagsabihan ako kung ano, kailan, at papaano ko pagsasabihan ang anak ko, parte yon ng pagdidisiplina ko!" Nilapitan ni Leo si Intoy at hinawakan ang braso nito ng mahigpit.

"At hindi porket ikaw ang tagapagtangol, magiging mataas na ang tingin mo sa sarili mo! Ilugar mo ang asal tao mo, dahil kapag hindi kita natansiya, baka masaktan kita" Natakot si Lucas para sa sitwasyon ni Intoy, dahil alam niya na hindi maawa o magbibigay ng simpatya ang kanyang ama lalo na kapag napikon na ito, pero lalo siyang nabigla ng muling sumagot si Intoy.

"Isa ba yang babala? Hindi mo ko matatakot! Bitiwan mo ko!" Hinatak ni Intoy ang braso niya dahilan para lalong magalit si Leo, pero lalo siyang nagalit dahil hindi niya man lang makitaan ng takot o kaba ang pagmumukha ni Intoy.

"Ikaw!" Akmang sasampalin ni leo si Intoy ng biglang.....

"Anong problema Leo?" Napalingon silang tatlo sa pinangalingan ng boses, nagulat si leo ng makita niya si Professor David. "Anong nangyayari dito?" Nakangiti niyang tugon.

Hindi na naituloy pa ni Leo ang dapat gagawin niya kaya naikuyom niya ang kamao niya dahil sa biglang pagsulpot ni David.

Bumuntong hininga si Leo bago sumagot "Tamang tama ang pagdating mo, kaylangan ng mga bata ang suporta mula sa kanilang mga tagapangalaga, sa tingin ko.... kaylangang kailangan yon ni Intoy... O siya, mauuna na ako" Umalis si Leo na hindi man lang lumingon kay Lucas.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni David kay Intoy "Ayos lang po ako.... Pero ang dapat kong kamustahin, ay itong si Lucas" Nilapitan ni Intoy si Lucas. "A-ayos ka lang ba?"

"Hindi mo na dapat ginawa ang bagay na yon"

"Pero, hindi naman tama na pagsalitaan ka niya ng mga ganong masasakit na salita"

"Wala ka na don Intoy! Hindi ka na dapat nangi-alam pa!"

"Hindi ako nangingi-alam lucas! Nagmamalasakit lang ako!"

"Hindi ko kailangan ng malasakit mo! Pwede ba wag ka ng magpanggap!"

"Magpanggap? Hindi ako nagpapanggap! Nagkusa ako! At wala akong paki-alam kung hindi mo man lang napahalagahan yung nagawa ko para sa'yo! Kasi ginawa ko yon, dahil mali na siya! Dahil wala siyang karapatan para pagsabihan ka niya ng ganon! Kasi naniniwala ako na malakas ka, naniniwala ako na mabait ka, tama naman ako diba lucas?"

"Tumahimik ka na. Wala kang alam"

"Ano ka ba! Wag ka na ng mag-galit galitan diyan! Kaya naman lu---"

"SABI KONG TUMAHIMIK KA NA!" agad sinakal ni Lucas si Intoy at ihinampas sa pader.

"HINDI KA PA RIN BA TATAHIMIK SA PAGSASALITA!!!"

Hindi agad nakasagot si Intoy dahil mariin niyang pinagmasdan ang kabuaan ng pagmumukha ni Lucas. Natauhan nalang siya ng may makita siyang butil ng tubig na tumutulo sa mga mata nito.

"Huwag ka ng umiyak lucas" Binitawan nalang ni Lucas si Intoy at pinunasan ang munting luha na tumulo sa kanyang pisngi at bumalik sa kanyang pagkakahiga. "Umalis nalang kayo. Paki-usap"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now