Si Reyna Isabela

435 16 1
                                    


"Ito na ang sabaw niyo, kumain kayo ng mabuti ah... Lalo ka na Intoy" Wika ng tindera kila Intoy at Amao.

"Sa wakas! Salamat po!" Wika ni Intoy.

"Sige lang. Kumain na kayo, Para magsimula na ang katapusan niyo! Walang ka-alam alam itong dalawang bata na nilagyan ko ng lason ang sabaw na kakainin nila" Wika ni Makaryo sa utak niya.

Agad na nagsandok si amao at akmang isusubo na ito subalit napahinto siya ng may maamoy siyang kakaiba sa pagkain. "Sandali" Utos niya, dahilan para mapahinto si Intoy.

Agad namang napataas ng kilay si makaryo dahil sa biglang pag-tigil ni amao sa pagkain ng sabaw.

"Anong problema amao?" Wika ni Intoy. Sininghot mabuti ni Amao ang sabaw at agad napa-ubo ng may ma-amoy siyang kakaiba sa sabaw.

"Teka! Parang may kakaiba!" Wika ni Amao "Ale! Meron po ba kayong ibang inilagay dito sa sabaw?" Dugtong nito.

"Ha? Anong problema?" Mahinhin na tugon ni Makaryo para hindi mapahalata ng boses niya.

"Meron pong kakaiba dito sa sabaw eh, mabantot" Reklamo Ni Amao.

"Ha? Mga presko ang mga sangkap na ginagamit ko para sa pag-gawa ng sabaw na yan!" Depensa nito.

"Nako! Maliban don, meron talagang kakaiba!" Wika ni Amao.

"Mukhang malakas ang pang-amoy ng batang ito ah?"

"Parang wala naman amao ah?" Wika ni Intoy.

"Hindi Intoy, meron talaga" Wika ni Amao. Napakunot naman ang nuo ni Makaryo dahil sa kulit ni Amao.

"Hay nako, kung ako sa'yo bata. Kumain ka nalang. Baka gutom ka lang" Wika ni Makaryo na halatang nagpipigil ng galit.

"Ganon ba?" tumahimik muna sandali si Amao bago muling nagsalita "Siguro gutom lang talaga ako! Tara kumain na tayo Intoy"

Sa narinig ni makaryo ay nasiyahan siya. Mukhang nakumbinsi niya na ang makulit na si amao na kainin ang sabaw na pasikreto niyang hinaluan ng lason.

"Amao!!! Intoy!!!" Biglang sumulpot si Jek-Jek na parang sasakyan na sa sobrang bilis ay natabig ang mesa nila Intoy dahilan para matapon ang sabaw.

"Nako!" Gulat na reaksiyon nito.

"Hindi!" Galit na sigaw ni Makaryo.

"Nako! Yung sabaw ko! Natapon!" Dismayadong tugon ni Intoy.

"Ikaw!" Agad nilapitan ni Makaryo si Jek-Jek at hinawakan ang braso nito ng mahigpit "Bulag ka ba?! Bakit hindi ka nag-iingat?!" Galit na tugon nito dahilan para matakot si Jek-Jek.

"H-Hindi ko po sinasadya" Naalarma sila amao at intoy ng makitang kinakabahan na ang kaibigan nilang si Jek-Jek.

"Hindi mo sinasadya?! Hindi mo ba alam na---Napaka inutil mo!" Agad niyang itinulak palayo si Jek-Jek dahilan para mapa-upo ito.

"Jek-Jek!" Agad tinulungan nila Intoy at Amao ang natumba nilang kaibigan.

"Tumigil na po kayo! Humingi na po siya ng despensa!" Wika ni Intoy dahilan para bumalik sa ulirat si Makaryo.

Agad itong umiling at humingi din ng despensa "Pansensiya na din. Pagod lang. Hehe, Bata... Pasensiya na ah" Wika niya kay Jek-Jek, pero halata pa din sa pagmumukha niya ang galit.

"O siya, baka gusto niyo palitan ko nalang ang sabaw? Libre nalang?" Suhestiyon na.

Umiling nalang si Amao at sumagot "Hindi na po, mukhang may kailangang sabihin ang kaibigan namin at mukhang importante iyon" Ma-awtoridad na tugon nito.

"Ganon ba. Hehehe, dumalaw nalang kayo sa susunod" Agad na pumasok si Makaryo sa kusina at galit na hinubad ang pekeng mukha sa lapag.

"Nakaligtas ka ngayon sa kamatayan mo batang tagapagtangol" Wika niya sa sarili niya sabay lakad palabas at iniwan ang patay ng katawan ng tunay na tindera ng kainan.

Samantala, ng mahimasmasan na ang takot na si Jek-Jek, agad niyang ibinalita ang pagdating ng isang reyna.

"Si Reyna Isabela, ang nanay nila Karlo, Lily at Axel. Nandito na sa amadeus"

Nagulat ang dalawang bata sa narinig. "Ano?! Nasaan na ang reyna?" Tanong ni Amao.

"Marahil nasa palasyo na siya ni haring laurel subalit napansin ko na balot na balot ang katawan niya ng asul na balabal at tanging mata niya lang ang makikita"

"Gusto ko siyang makita!" Masayang tugon ni Intoy.

"Tara!" Wika ni Jek-Jek.

*****

"Ikinagagalak ko ang pag-tangap mo sa aming imbitasyon na masubaybayan ang pagtatapos ng Odus battle Exam" Wika ni Haring Laurel.

"Ikinararangal ko din ang iyong imbitasyon haring laurel" Sagot ni Reyna Isabela.

"Marahil ay nasasabik na ka ng mapanuod ang laban lalo na kasama ang tatlong anak mo sa laban"

"Tatlong anak ko?"

"Oo... Sila Axel, lily at karlo. Hindi ko inasahan na malalakas sila"

"Syempre. Ano pang aasahan mo mula sa mga batang nagmula sa bayan ng perla"

Naputol ang pag-uusap ng dalawa ng biglang kumatok ang pinto ng silid. Agad itong pinagbuksan ni abbie at makikita si Dugong kasama ang tatlong bata.

"Mahal na Reyna" Agad na lumuhod si Dugong ng ito'y nakalapit na sa reyna.

"Ang mga anak ko" Agad nilapitan ni Reyna Isabela ang tatlong bata at tig-iisa niyang niyakap.

Sa pagyakap ni Reyna Isabela kay Axel ay agad itong nakaramdam ng kakaiba sa ina niya.

"Bakit balot na balot ang buong katawan niyo ina'y ng balabal?" Tanong ni Lily.

"Ito ba? Nagkaroon lang kasi ako ng sakit sa balat at nahihiya akong ipakita ito kay haring laurel"

"Totoo ba iyan reyna isabela? Nakonsensiya tuloy ako bigla na pinapunta pa kita dito kahit na may sakit kang iniinda" Wika ni Haring Laurel.

"Nako, Wala iyon. Nais ko talagang makita kung papaano makipaglaban itong tatlong anak ko. Lalo na itong si Axel"

Napataas naman ang kilay ni Axel matapos marinig ang mga salitang iyon sa inay niya.

"Wala kang pagkakatiwalaan Axel, maliban sa sarili mo"

muli na namang nagsalita ang boses ni mara sa utak niya dahilan para mapapikit siya at mawalan ng balanse.

"Nako, Axel ayos ka lang ba?" Agad nila itong tinulungan.

"Marahil ay pagod lang siya. Ipagpahinga niyo muna siya" Suhestiyon ng hari.

"Tama. Magpahinga ka na Axel, Para maipon mo ang lakas mo para sa huling laban niyo bukas" Dugtong ni Reyna Isabela.

"Sige po, babalik nalang po kami sa aming silid para maipahinga itong si axel" Wika ni Dugong.

Nang sila ay makalabas na sa silid agad bumalik sa normal ang kalagayan ni Axel.

"Ano bang nangyayari sa'yo axel?" Wika ni Karlo.

"Ang nilalang na iyon. Hindi ang nanay natin" Wika ni Axel dahilan para ikagulat ng dalawa niyang kapatid.

"Bakit?" Wika ni Dugong.

"W-wala" Sagot nito.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now