Ang simula ng katapusan

491 22 2
                                    


"HUMANDA KA NA INTOY!!!" Lumikha si axel ng panibagong tubig pating na halos mas triple ang laki sa pangkaraniwan, dahilan para matakot ang karamihan.

Bumuntong hininga nama si Intoy at nag-isip ng panibagong estratehiya.

"Nagamit ko na ang dalawang bolang bulalakaw ko, at sa tingin ko ay hindi magagawang depensahan ng isang bolang bulalakaw ang ganyan kalaking tubig pating na ginawa ni axel! Sa tingin ko, kaylangan kong lumikha ng dalawa na sabay, upang sa ganon... masiguro ko na magagawa kong labanan ang atake niyang yan!" Bulong ni Intoy sa sarili.

"Anong binubulong bulong mo diyan Intoy? Nagdadasal ka na ba? Tama lang yan! Dahil sisiguraduhin ko sa'yo na ito na ang magiging huling sandali mo!"

"Ang dami mong sinasabi eh kanina mo pa ako hindi matalo talo! Gawin mo! Hindi yung puro ka dada!"

Itinutok ni Axel ang daliri niya sa kinatatayuan ni Intoy "Oo naman! Gagawin ko!" Agad niyang pinitik ang daliri niya kasabay ng mabilis na pagkilos ng tubig pating niya.

"Dalawang Bolang bulalakaw!!!!" Sa magkabilang palad ni intoy lumabas ang dalawang bolang bulalakaw "Ugh! Ang init!" Wika ni intoy, kahit siya mismo ay nainitan na sa tindi ng apoy na naglalagablab sa bolang iyon. "Saluin mo!" Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at ibinato na ang bolang apoy na iyon

Sa sabay na atake na ginawa ng dalawa, halos mukhang magtatama lang ang atakeng ginawa nila, pero bago pa tuluyang magtama ang dalawang atakeng iyon, may isang bagay na mula sa labas ng arena ang bumagsak sa gitna nila at makalipas ang ilang sandali, sumabay ito sa pagsabog sa pagtama ng dalawang atake nila.

"A-Ano ang bagay na iyon?!!!" Gulat na tugon ni Heneral Tunying

Pagkatapos nito, ay sunod sunod na pagsabog ang narinig sa labas ng arena.

"AAAAHHHHHHHH!!!" sumunod namang narinig ay ang mga hiyawan ng mga engkanto na natatakot sa biglang pagpasok ng mga armadong engkanto.

"ANG KAMPON NILA VALU!!! NANDITO NA!!!" Nagmamadaling humanap ng lalabasan ang mga engkanto subalit huli na ang lahat upang makatakas sila.

"RERYNA ISABELA! KAYLANGAN NA NATING UMALIS!" Wika ni Haring Laurel, agad niya itong inalalayan patungo sa isang pasilyo, hinawakan ng hari ang kamay ng reyna upang mapabilis ang pagtakas nila, subalit nagulat ito ng bawiin ng reyna ang kamay niya.

"A-anong problema reyna isabela?"

"Ito na ang katapusan mo"

"A-ano ang ibig mong sabihin reyna isabela?"

Dahan dahang tinangal ni reyna isabela ang balabal na nakabalot sa buong katawan niya, at laking gulat ng hari ng sumiwalat sa kanya ang tunay na itsura ng reyna

"Hindi ikaw si Reyna Isabela.... Ikaw si..."

"Ako nga, Wala ng iba pa" Wika ni Valu.

"Kung g-ganon, nasaan ang tunay na reyna?!"

"Pinatay ko na siya bago siya makarating dito, at ikaw naman ang isusunod ko" Sagot nito.

"Hindi mo ako matatalo Valu, hindi ako magagawang talunin ng isang engkanto na nagtatago sa isang maskara!" Wika ng hari.

"hindi na mahalaga kung sino ang nasa likod ng maskaran ito, pero ang pinaka-importante para sa akin ay ito ang huling maskara na masasaksihan mo bago ka tuluyang malagutan ng hininga!"

"Nakakatawa ka!" Wika ng hari.

Samantala, sa ibaba ng arena, agad nilapitan nila Karlo at lily ang kanilang kapatid na si Axel, pero laking gulat nila ng ito ay nawala.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon