Torlax laban kay Axel: Malahalimaw na labanan

426 23 0
                                    


Matapos ang naging laban ng anim na manlalaro, dalawa nalang ang natira, ito'y walang iba kundi sila Axel at Torlax, ang dalawa sa pinaka-aabangan at malalakas sa mga natirang manlalaro, lahat ng mga engkanto ay nasasabik na sa magiging tungalian ng dalawa dahil sigurado, magiging mabangis ang labanan na ito.

"Ito na.... Si kuya na... Galingan mo kuya" Wika ni Teri

Napalunok naman si laura dahil sa kaba "Torlax, galingan mo.... Hindi magiging madali ang laban na ito, huwag kang magpapatalo sa halimaw na iyan" Wika niya

"Sa ating huling dalawang manlalaro! Tinatawag ko.... Si Torlax mula sa bayan ng Amadeus! At si Axel na mula sa bayan ng Perla!"

Sunod sunod na hiyawan ang dumagundong sa loob ng arena habang papunta sa gitna ang dalawang bata "Sigurado, hindi magiging madali ang laban na ito!" Bulong ni artemyo sa sarili niya.

Isang matalim na titig ang binato ng dalawa sa isa't-isa. "Dito mo na pwedeng ipakita kung hangang saan ang lakas ng sipa mo taga-amadeus" Kalmadong tugon ni Axel

"Dito mo rin ipakita kung gaano ka talaga kalakas taga perla" Kalmado ding tugon ni Torlax.

Naputol lang ang matalim na titigan nila ng biglang sumigaw si Artemyo "Ang laban niyo ay magsisimula na!"

Agad na umikot si Torlax at agad na sinipa ng napakalakas ang nakatayong si Axel subalit bago niya tuluyang matamaan ito, napigilan ang paa ni torlax ng isang tubig na mistulang kamay.

Isang senyas lang ni Axel ay biglang binato ng kamay na tubig ang batang si Torlax sa di kalayuan. Mabilis namang tumayo si Torlax at muling sumugod sa kinatatayuan ni Axel. Mabilis ang ginawang pag-kilos ni Torlax upang magawa niyang tamaan ang naka-tayong si Axel, sinubukan niya itong sipa-sipain subalit hindi niya ito nagagawang tamaan dahil sa tubig na depensa na ginagawa ni Axel.

Halos walang ginagawa si Axel upang ilagan ang atake ni Torlax, tanging pag-kontrol lang sa tubig ang kanyang ginagawa upang hindi siya matamaan ni Torlax. Panandaliang lumayo si Torlax at pinagmasdan ang kinatatayuan ni Axel, mukhang nag-iisip siya ng istratehiya upang magawa niyang tamaan ang kalaban.

"Tapos ka na ba? Kasi kung tapos ka na... Ako naman" Inangat ni Axel ang dalawang palad niya kasabay ng pag-agos ng tubig patungo kay Torlax. "P-Papaano siya nakalikha ng ganyan kadaming tubig kahit naman walang katubig-tubig dito?" Bulong ni Torlax sa sarili niya

Agad namang tumakbo palayo si torlax mula sa rumaragasang alon ng tubig. Mabuti nalamang dahil mabilis ang kilos niya kaya naiwasan niya ito.

Isang senyas mula sa mata ni Axel ang kanyang ginawa upang lumikha ng panibagong atake, lumihis ang alon ng tubig, at agad nag-tungo sa kinaroroonan ni Torlax, sunod sunod na hampas ng tubig at nagtangka na humampas kay Torlax

"Tubig Ahas!" Sigaw ni Axel, agad na nag-bago ang anyo ng tubig at ito'y naging dambuhalang ahas, matapos nito ay agad itong sumugod patungo kay Torlax. Hindi nag-alinlangan si Torlax na salubungin ang atakeng iyon at isang malakas na sipa ang kanyang binato upang basagin ang atakeng iyon.

"Ako naman!" Muling sumugod si Torlax patungo sa kinatatayuan ni Axel. Isang matinding sipa muli ang kanyang binato upang matamaan si Axel subalit agad niya itong nadepensahan.

"Tubig! Pesteng tubig yan!" Sinubukan muli ni Torlax na sipain si Axel ngunit mabilis ang pagkilos ng tubig dahilan para hindi siya matamaan ni Torlax.

"Napaka-tindi ng depensa ng batang ito ah... pati ang bilis ng atake ni Torlax ay nasasabayan niya" Wika ni Heneral Tunying.

Sa sandaling iyon hindi man lang kumikilos si Axel, nanatili siyang nakatayo habang pilit naman siyang sinisipa ni Torlax.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now