Si Ramuel.

1.2K 43 1
                                    

MABILIS AT MADALING napakisamahan nila Intoy, Amao, Roselinda at Daniel ang bago nilang kaibigan na nakilala. Mabait kasi ito, Madaldal, Masiyahin at hindi nahihiya sabihin ang kanyang nais sabihin.

"Bakit ka nga pala, napadpad dito sa Amadeus?" Tanong ni Daniel

"Ah, Ang totoo kasi niyan. Nais ko sanang sumali sa Odus Battle Exam na gaganapin na sa susunod na linggo!"

"Ow! Kung ganon, lumalaban ka rin pala?" Tanong ni Roselinda

"Oo, Tyaka may isa pang dahilan kung bakit nais kong pumunta dito sa bayan niyo" sabi ni Ramuel

"Eh ano yon?" Tanong ni amao.
"Oo nga, Ano yon?" Tanong ni Intoy

"Dahil nais kong makita ang tagapagtangol"

Nagulat silang apat sa narinig, lalong lalo na si Intoy

"Hindi mo ba alam! Kilala namin ang tagapagtangol" Pabirong sabi ni Amao

Bakas sa mukha ni Ramuel ang pagka-gulat "Talaga?!" Natawa sila sa naging reaksiyon niya. "Oo naman! Kilala namin talaga namin

"Sino siya?! Sino siya?! Gusto ko siyang makilala! Sige na pakiusap!!!" Pagmamaka-awa ni Ramuel kakiusap

"Gusto mo ba talagang malaman?" Tumango ito.
Napapangiti ng husto si Intoy sa eksenang kanyang nakikita.

"Sabihin mo na" sabi ni Roselinda

"Sige na kasi pakiusap!" sabi ni Ramuel

"Sabihin mo na kasi!" Sabi ni Intoy na nakikisali na rin si Trip.

"Sige na nga! Pero clue lang ha!" Sumimangot bigla si Ramuel na sadyang ikinatuwa nilang lahat. "Huwag kang mag-alala, dahil madali lang to!"

"Sige na nga!"
"Isa sa aming apat ang tagapagtangol"

Mas lalong nabigla si Ramuel sa naring "Talaga?! Talaga?! Talaga?!" Paulit ulit niyang sambit, sa sobrang kasiyahan niya nga ay hinati niya ang katawan niya at ibinuka ang pakpak upang lumipad.

Si Ramuel kasi ay batang mananangal.

"Sobra siyang masiyahin ah" sabi ni Intoy

"Hindi nga halata eh" sabi naman ni Roselinda

"Siguro ikaw ang tagapagtangol Daniel!" Biglang sabi niya

"Ah! Oo! Ako nga!" Sabi ni Daniel
"Talaga?! Ikaw nga?!" Pagkukumpirma niya,
Biglang sumabat si Amao "Hindi ah! Binibiro ka lang niyan! Ako talaga!"

Mas lalong naguluhan si Ramuel "Huh?! Ano ba talaga?!" Natawa ng husto sila Roselinda

"Hindi, ako talaga" biglang sambit ni Intoy.

Mas lalong naguluhan si Ramuel sa mga pangyayari. "Ano ba? Gulong Gulo na ko!!" Sabi niya na may sabunot pa sa buhok.
"Sino ba talaga?" Tanong niya bigla kay Roselinda

"Um... Baka ako?" Sabi nito na nakisabay na rin sa trip.

"Bahala kayo ah! Niloloko niyo lang ako eh! Ang balita, batang santelmo ang tagapagtangol! Duon ko lang napagtanto, na Duwende ka" sabay turo kay amao "dalakitnon ka!" Sabay turo kay Daniel "at tiktik ka!" Sabay nguso kay Roselinda "ibig sabihin, ikaw yon! Intoy!" Ngumiti ito ng husto at tinaas baba pa ang mga kilay "Ano, tama ako no?" Tanong ning

"Oo na"

"Yahooooo!!!" Sa sobrang tuwa niya ay nagpa-ikot ikot siya ahooooo

"Ano, hablutin ko na bato?" Pagbibiro ni roselinda

"Ikinagagalak ko na maging kaibigan ang tagapagtangol!" Sabi nito habang hawak hawak ang kamay ni Intoy

"Pwede bang sampolan mo ko ng kapangyarihan mo, kasi maliban sa, nakausap ko na ang tapagtangol, ngayon lang ako ng kaibigan na Santelmo, gusto ko lang makita yung abilidad niyo"
Napakamot tuloy si Intoy sa kanyang batok "Ang totoo kasi eh, nagsasanay palang ako. Kaya hindi pa ako masyadong nakakapagpalabas ng apoy"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now