Ang Pagtatapos

621 27 1
                                    


Pagod na pagod at hapos na hapos ang kalagayan ni Kaza habang pilit prinoprotektahan ang tatlong bata na sila Teri, Jek-Jek at Laura. Hindi pa rin makapaniwala si Kaza sa husay ng tatlong bata sa pakikipaglaban lalo na si Axel na parang may mala-halimaw na lakas. Hindi normal sa isang batang katulad nila ang magkaroon ng ganon katinding kakayahan na halos nalagpasan na pati ang mismong lakas ni Kaza.

Pilit na ginagamot ni Teri ang mga sugat na natamo ni Laura na halos naglulumpasay na sa lupa. "Kaya mo yan Laura, kumapit ka lang dahil makakaligtas tayo dito" Wika ni Teri na halos namumuo na ang luha dahil sa kaba. "Wag kang umiyak teri... dahil siguradong makakapasa tayo sa susunod na pagsubok" sabi ni laura habang pilit hinahawakan ang kamay ni Teri.

Habang ang tatlong bata naman na mula sa perla ay taas noo paring nakatingin sa mga kalaban nilang mistulang nawawalan na ng pag-asa.

"Tingnan mo nga naman, kaawa-awa ang mga itsura nila hindi ba?" Wika ni Lily.

"Tama ka diyan, hindi ako makapaniwala na pinapahiya nila ang bayan ng amadeus sa pagiging lampa nila" Komento pa ni Karlo na nakangisa pa.

"Ayoko ng patagalin pa ito at gusto ko ng lumabas sa maduming gubat na to" Bulong ni Axel na sinang-ayunan naman ng dalawa niyang kasama.

Muli, inihanda ni Kaza ang sarili niya dahil mukhang aatake na naman ang tatlong bata. Tinabihan naman siya ni Jek-Jek na buong puso at handa nading makipaglaban. "Kaya natin ito hijo" Sabi ni Kaza kay jek-jek na halatang balisang balisa, tango nalang ang isinagot nito at pilit pinapakalma ang sarili.

"Katapusan niyo na!" Wika ni Axel, habang sumugod naman paabante yung dalawa niya pang kasama. Agad kinontrol ni Axel ang tubig at hinugis patusok. Ang mga tubig na iyon ay nagtungo sa pwesto nila Kaza at Jek-Jek.

Agad umiwas ang dalawa at agad dinepensahan ang mga sarili dahil sumunod namang umatake ang dalawang bata na sila Lily at Karlo. Tinangkang suntukin ni Karlo si Jek-Jek ngunit ginawa niyang pansalag ang kanyang malaking pakpak kaya hindi siya gaanong nasaktan samantalang si Lily naman ay bumuga ng napakalakas na tubig sa pwesto ni Kaza pero naiwasan niya ito.

Agad umaatras si Karlo at bumwelo upang hampasin si Jek-jek ng espada nito. Mabilis na iwinasiwas nito ang kanyang espada na muntik ng hindi maiwasan ni Jek-Jek. Agad pinihit ni Karlo ang kanyang espada na hindi na naiwasan ni Jek-Jek, nahiwa ang kanyang braso na dahilan upang dumanak ang madaming dugo. "Aray!" Sabi niya habang pinipigilan ang pag-agos ng pulang pula na dugo, muli sinipa siya ni Karlo dahilan para bumagsak siya paibaba. Samantalang si Kaza naman, Napapa-iwas siya sa tuwing tinatangka ni Lily na suntukin o sipain siya. Hindi na nakaatras pa si kaza ng maramdaman niyang may puno na nakaharang sa likod niya, kaya naman napangiti si Lily at akmang bubugahan na ito ng malakas na pwersa ng tubig ngunit bago pa siya makaatake ay biglang gumalaw ang puno at hinampas si Lily na nagpalipad dito gamit ang sanga nito.

"Akala mo ah" Bulong ni Kaza at agad pinuntahan si Karlo. Ginawa niyang malaking sanga ang kamay niya hangang braso at akmang hahampasin ang nakatalikod na si Karlo pero bago pa siya makaatake isang agos ng tubig mula sa lupa ang lumitaw at naging patusok sa daanan ni Kaza, mabuti na lamang ay nakaiwas siya.

Napalingon si Kaza sa kinaroroonan ni Axel at nakita niyang tinitingnan siya ng masama nito habang kinokontrol ang tubig. Kaya naman gumawa si Kaza ng kahoy na kamukha niya at pinasugod sa lokasyon ni Axel. Ibinaling niya muli ang atensiyon kay karlo na hangang ngayon at nakatuon pa rin ang atensiyon kay Jek-Jek na gumagapang na palayo.

Kasing bilis ng kidlat ng hawakan ni Kaza ang magkabilang braso ni Karlo na ngayon ay halatang nabigla at pina-ikot ikot at itinapon sa di kalayuan.

Agad tinulungan ni Kaza na makatayo si Jek-Jek na ngayon ay hirap na hirap na. "Kaya mo yan jek-jek, tiisin mo ang sakit. Pangako... Makakalabas ka ng ligtas dito" Wika ni Kaza na dahilan para maluha ito. "Sige po, Opo" Patango-tangong sagot ni Jek-Jek.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant