Mahina

1.3K 49 0
                                    

Nagulat si David ng dumating si Intoy na may mga bagong kasama.

"Woah? Bagong kaibigan?"

"Opo, Sila Amao, Roselinda, at si Daniel"

"Kilala ko sila Intoy, mga estudyante ko sila"

"Goodmorning Sir" sabay na Bati nung tatlong bata

"Nga pala Intoy, Kaylangan mo nang maghanda dahil hindi magiging madali ang paglabas mo ng mas malaking apoy diyan sa palad mo" Paliwanag ni David "Kaya kaylangan mag concentrate ka"

"Opo" umupo ang tatlong bata sa isang bench at pinanood ang pagsasanay nila.

Nagsimula na sila Intoy at professor david sa pagsasanay.

"Ngayon, Intoy... Hindi muna kita sasanayin sa pagpapalabas ng apoy, Tuturuan muna kita lumaban, tuturuan kitang umipensa, handa ka na?"

"Opo" pagkatapos sabihin ni Intoy ang sagot niya ay isang mabilis na hampas ang umatake sa kanya, Napatumba si Intoy sa pagkabigla "Ano?!" Sabi ni David "Yun na yon?"

"Oh! Tumayo ka nga diyan! Bilisan mo ang kilos mo!" Pilit na tinatapakan ni David ang nakatumbang katawan ni Intoy. Mabilis na gumagapang si Intoy upang maiwasan ang atake ni David.

Ng tuluyan ng nakatayo si Intoy, mabilis na sipa ang bumulaga sa kanya, yung atake na yon ay hindi na naiwasan ni Intoy, Napatalsik siya ng husto. Nagukat din ang tatlong bata na nanunuod.

"Mukhang masakit yun ah" sabi ni amao

"Hindi lang mukha, masakit talaga" sabi ni Roselinda.

"Okey lang ba siya?" Tanong ni Daniel

Pilit na tumayo si Intoy dahil mukhang nasaktan siya. Kaya naman natawa si David. "Kaya pa? Hahaha!"

"Kaya ko pa!" Sabi nito na halatang nasaktan.

"Iwasan mo to!" Pinalipad ni David ang kanyang mga kamao, pilit talagang iniiwasan ni intoy ang mga atake sa kanya sa kabila ng sakit na nararamdaman niya.
Pagkatapos sumuntok ni David, ay isa na namang sipa na hindi inasahan ni Intoy ang pumuntirya sa kanya.

Kaya naman tuluyang napabagsak si intoy.

Ilang sandali ang nakalipas at tanging paghahabol lang ng hininga ni intoy ang maririnig sa loob ng silid.

"Susuko ka na?" Sa sinabi ni David ay muling tumayo si Intoy "Hinde!" Napangiti si David.
"Ngayon... Ikaw naman ang umatake" huminga ng malalim si Intoy at mabilis na sinugod si David, Isang flying kick ang ginawa ni Intoy na mabilis na naiwasan ni David "Flying kick? Isang mabagal na technique" Sabi ni David, sunod sunod na atake ang ginawa ni Intoy, pero lahat, sumablay.

"Intoy kaya mo yan!" Sigaw ni Amao

"Oo! Tama! Kaya mo yan!" Sigaw ni Roselinda

"Kaya mo yan!" Sigaw ni Daniel
Kahit papaano, nagkaroon ng kaunting motibasyon si Intoy sa pag suporta sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Kahit na todo na ang pagtulo ng kanyang pawis ay magsusumikap pa rin siya.

"Kaya ko to" Mabilis na kumilos si Intoy at isang matinding suntok ang inihagis niya kay David subalit nasalagan lang siya nito, pagkatapos ay tinisod niya ito kaya nadapa ito.

"...."
"...."
Katahimikan ang naghari sa mga oras na iyon.

"Kaya mo pa?"
"..." hindi na nakasagot si Intoy "magpahinga ka muna" sabi nito
Nilapitan si intoy ng mga bago niyang kaibigan at tinulungan makatayo "Ayos lang yon" Sabi ni amao

Sinubukan siya ni Daniel patayuin "Nice" sabi nito
"Ayus ka rin pala e" sabi ni Roselinda
"Hmmh... Sa-Salamat" saad nito.

"Intoy, Maganda ang ipinakita mo... Magpahinga ka muna sandali, dahil hindi pa tayo tapos" Nagulantang si Intoy sa narinig mula sa propesor.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora