Si Mara

672 24 1
                                    


Nang magising si Axel sa kanyang pagkaka-tulog, hindi na siya muling dinalaw ng antok. Muling nag-pakita ang mga alaala ni Axel sa kanya at sa tuwing ito'y kanyang iniisip, bumabalik ang masasakit na pangyayari na hangang ngayon ay sariwa pa din at nakatatak sa kanyang isipan at puso.

Minabuti niya nalang na lumabas upang maka-langhap ng preskong hangin. Tulog na rin ang kanyang dalawang kapatid at napansin niyang wala si Dugong sa loob.

Umupo si Axel sa taas ng bubong ng kanilang tinutuluyan at pinagmasdan ang kabuuhan ng bayan ng amadeus. Habang siya ay nagmamasid. May isang pamilyar na boses ang biglang lumitaw sa kanyang utak.

"Axel, wag kang matakot. Nandito ako... dahil mahal kita"

Napapikit si Axel ng kanya na naman itong naalala, kumirot muli ang kanyang puso. Tumulo ang kanyang mga luha. Pinipigilan ang pag-hikbi pero ang sakit na nasa kanyang dibdib, ay sumisigaw dahil sa hapdi.

"At, Bago matapos ang pagsasalita ko dito sa harap ninyo... nais kong magpasalamat ng paulit-ulit! Asahan niyo ang agaran kong paglilingkod upang maprotektahan ko ang mga mamamayan ng perla!"

Humiyaw ang lahat sa huling talumpati ni Haring Marino, maski si axel ay nagsisigaw dahil sa tuwa. Tuwa na hindi lang sa gantimpala na natamo ng kanyang ama, kundi sa pagkakataon na makakasama niya ang dalawa pa niyang kapatid na si Lily at Karlo.

"Tumahimik ka nga diyan.... nakakahiya" sermon ni reyna Isabela. Ina nila Axel.

Bumalik na lang si Axel sa kanyang upuan at pinilit itago ang lungkot na kanyang nararamdaman. Hindi man ito pansin ng kanyang ina at mga kapatid, kitang kita naman ni Mara ang lungkot na sumisigaw sa mata nito.

Magkakatabi lang silang lima sa isang espesyal na upuan. Ito'y inireserba sa kanila upang mas komportable nilang pagmasdan ang entablado na kinatatayuan ni Haring Marino.

Sobrang saya ng lahat pero silang lima, akala mo ay burol ang pinuntahan.

Nais sanang makipag-usap ni Axel sa kanyang dalawang kapatid pero hindi siya pinapansin ng mga ito. Ilang beses niyang tinangka na makipag-usap pero parang hangin lang ang trato nila dito.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now