K A B A N A T A - 68

Start from the beginning
                                    

"Hey! Why are you touching her?!" nanigas naman si Gab sa kanyang kinatatayuan ng sigawan siya ni Theron.

"Why are you shouting at me?!" inis nitong tanong.

Magpinsan nga talaga sila.

"Wala kang karapatang hawakan basta-basta yung girlfriend ko." naibuga naman ni Jarrett yung iniinom niyang tubig.

"ANO?! GIRLFRIEND?!" sabay na tanong nila Gab.

"Yes. And she's mine again," nakangising sagot nito saka ako hinila palapit sa kanya.

Sige lang, pagpasa-pasahan niyo ako. At kapag ako napuno, sisipain ko kayo palabas.

"No! Hindi ako papayag! Sinabi ko na kay Tita Martina na liligawan ko siya! You're so unfair my dear cousin." mangiyak-ngiyak na sabi ni Gab.

"Wow! Hiyang-hiya naman ako sa inyong dalawa. Kung tutuusin dapat sa akin si Verena kasi matagal ko na siyang kasama at mas kilala ko siya kesa sa inyo. Kung hindi lang kayo dumating dalawa, eh di sana kami na ngayon!" komento naman ni Jarrett.

Napahimas nalang ako sa noo ko at pinanood silang tatlo kung paano magsigawan sa harapan ko.

"Kanina, sinabi niya sakin na pumapayag na siyang bigyan niya ako ng second chance."

"Madaya ka! Dapat kung gusto mo siyang maging girlfriend, court her in a nice way! I don't care kung may past kayong dalawa!"

"Kung hindi lang ako natorpe at naunahan ng isang ito, dapat ako na ngayon ang minamahal niya!"

"Wala na kayong magagawa, dahil mula ngayon—-"

"NO! MANLILIGAW TAYONG TATLO SA AYAW AT SA GUSTO NIYO!"

"Tama—-"

"MGA PUT*NG IN* NIYO ANG IINGAY NIYO!!! BAHAY NIYO BA ITO HAH?! SINONG MAY SABING PAG-AGAWAN NIYO YUNG KAPATID KO?! KAHIT KAILAN AY HINDI SIYA NAGING BAGAY PARA GAWING PAGMAMAY-ARI!!! KUNG GUSTO NIYONG MAGSIGAWAN, DUN KAYO SA KANTO PARA PAGKAMALAN KAYONG ADIK!" sigaw sa kanila ni Kuya dahilan para matahimik silang tatlo.

Halos mabasag na yung ear drums ko sa lakas ng boses ni Kuya, sabagay sino ba naman ang hindi maririndi kung makakarinig ka ng ganitong klase ng usapan?

"Magsilayas na kayo bago pa magdilim ang paningin ko." mahinahong sambit niya sabay lapit saken.

"Ikaw kasi Theron eh!"

"What? Ako pa talaga hah, eh kung tutuusin dapat tahimik na kami ngayon ni Verena kung hindi kayo dumating dalawa!"

"Kesa sa nagsigawan tayo, dapat kinain nalang natin yung binake kong—-"

"MAGBIBILANG AKO NG TATLO, PAG HINDI PA KAYO NAWALA SA PANINGIN KO, IPAPALAPA KO NA KAYO SA ASO." banta sa kanila ni Kuya at alam ko na kung sino ang unang namutla at natakot sa kanilang tatlo.

"I'm not afraid of dog," taas noong sagot ni Gab.

"Lalo naman ako, ewan ko lang diyan sa isa." pagpaparinig ni Jarrett.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now