Chapter 69

1.4K 29 2
                                    

"IPINADALA mo pala kay Lola 'yung video natin," sabi ni Gideon habang nanonood sila ng balita tungkol sa tensyon ng North Korea at Amerika at kung paanong mapanganib kung sakaling biglang magpakawala ng missile ang taga-Norte para sa kanilang nasa South Korea.

Magkatabi sila sa couch. Nakahilig si Yana sa balikat ng lalaki. Gusto niyang malaman kung ano ang totoong sitwasyon dahil nag-aalala na ang mga tao sa Pilipinas. Gusto na nga ng tatay niya na umuwi na siya ng Pilipinas.

Dalawang oras na silang nakauwi mula sa pagdalaw sa lola nito at nangako siya kay Mi Su na ipapadala niya ang pictures nila dito ni Gideon. Nabanggit niya na may music video sila at gusto daw nitong makita.

"Oo. 'Yung One Love," sabi niya dito. Gumawa kasi siya ng slide show ng mga picture nila ni Gideon. "Nagustuhan daw ba niya?"

"Yes. Ipinagkalat na nga sa mga kaibigan niya." At inabot sa kanya ang cellphone.

Halos matupok ang mukha ni Yana sa init nang makitang di video montage ang nagpe-play sa video kundi ang version kung saan hinalikan lang siya ni Gideon sa buong kanta. It was hot and passionate. Parang di nga siya ang humahalik dito lalo na nang isuklay niya ang daliri sa buhok nito at kagatin ang pang-ibabang labi ng binata. That was no prude. She acted like a vixen.

"No! No! Gideon, burahin mo iyan!" sabi niya at di alam kung anong gagawin. "Ang dami nang nakanood niyan."

"Come on. Romantic naman. Saka kung ayaw mo, bakit di mo binura?"

"It is private," angil niya sa lalaki. "Ano na lang ang iisipin ng mga tao?" Gustong sabunutan ni Yana ang sarili.

"That I am one lucky man to get to kiss someone like you. Saka masaya naman si Halmoeni. She is so convinced that you are so into me. Kitang-kita daw kung gaano ka ka-in love sa akin lalo na nang titigan mo ako.

Parang sinabuyan ng malamig na tubig ang dalaga. Ibig sabihin nagpapanggap lang ito nang halikan siya? Of course nagpapanggap lang siya. Ganoon din naman si Yana. Except when she kissed him, it was as close as giving him her heart and soul. Kahit nang halikan niya si Dong Uk ay di ganoon katindi ang nararamdaman niya.

Bigla siyang tumayo at patakbong umakyat ng hagda. "Matutulog na ako. Goodnight!" Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at nagkulong sa kuwarto niya.

Ngayon lang naging klaro sa kanya ang lahat. She let him kiss her and she kissed him back. Di naman siya nagpapanggap lang ng halikan nito. She enjoyed kissing him. At kailan pa naging libangan sa akin ang manghalik at magpahalik sa isang lalaki? Kahit kay Dong Uk di naman ako ganito.

Pagdating kay Gideon, nalulusaw ang logic niya. Nawawalan siya ng reservations. Parang natural lang sa kanya na halikan at yakapin ito. And she won't allow the same liberties to another man, not even to her boyfriend for more than three years. Di ba, boring at prude ang tawag ni Dong Uk sa kanya?

Hindi lang ang halik na iyon. Si Gideon na lang ang nagpapangiti at nagpapasaya sa kanya. Minsan nakakalimutan na niyang nagpapanggap lang sila. Because he made her feel loved. He made her feel better about herself. Inalagaan siya ni Gideon. He broke his own rules just to please her. Handa rin siya nitong depensahan kahit sa sariling kaibigan. It was not so hard to love him.

Love him? Mahal ko si Gideon? Pero si Dong Uk ang boyfriend ko. Siya ang mahal ko. Siya ang pinuntahan ko dito sa Jeju Island. Siya ang babawiin ko.

Pero kalmado lang ang puso niya. Parang sinasabi na "Sinong Dong Uk?". Nagbago na si Dong Uk. He broke her trust. He couldn't support her when he needed her the most. Handa siyang magsakripisyo para dito kung kinakailangan pero para saan pa? Hindi na niya makapa sa puso ang pagmamahal na para dito. Parang salita na lang ang pagmamahal pero wala na siyang nararamdaman.

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now