Chapter 30

1.3K 35 0
                                    

"Weeeeh! Ikaw? Celibate?" tanong ni Yana.

"Oo naman. Gusto kong maging faithful sa girlfriend ko. Kaya ko iyon. Kaya wala akong idadalang babae sa bahay ko habang nandoon ka."

Hinaplos niya ang sariling noo. "Gideon, alam ko malaking sakripisyo iyon sa iyo. Dapat nga normal lang ang buhay mo. Wala kang ibang inaalala."

"Sino ba ang nakiusap sa iyo na magpanggap na boyfriend para sa lola niya?"

"Ikaw."

"Ibig sabihin, kailangan kong mag-effort para patunayan kay Lola na mabait akong boyfriend. Hindi muna ako maglalagi sa bar. I have able staffs after all. Hindi naman ako sobrang fuckboy katulad ng inaakala mo na kailangan gabi-gabi iba't ibang babae ang ka-sex ko. And I can definitely control my urges."

"Talaga?"

"Yes," he answered with full conviction. "I am a grown man, Yana. Alam ko kung ano ang pinasukan ko nang kunin kita para magpangap na girlfriend ko. Seryoso ito para sa akin. I won't do anything to jeopardize it. I mean, I like sex but I don't let it rule my life. Hindi laro sa akin ang deal natin na ito."

Madalang niyang makitang seryoso si Gideon. Kapag lang desidido ito sa isang bagay. Lumunok siya. Kahit paano ay nabunutan siya ng tinik. Mahirap na magpanggap na girlfriend nito pero may iba naman itong babaeng kasama.

"Uhmmm... ano palang plano natin bukas?" tanong niya kay Gideon nang makapasok sila sa bahay nito. "Kahit diyan lang tayo sa tabi-tabi. Lakad-lakad lang. Di naman ako choosy. Di mo naman kailangang ma-pressure."

Pagak na tumawa ang lalaki. "Tabi-tabi? Alam mo ba na honeymoon place ang Jeju Island? Kaya dadalhin kita sa mga romantic na lugar dito. Magde-date tayo."

"Okay lang ba talaga?" paniniyak niya.

Hinawakan nito ang balikat niya. "Look. I know that I am a poor substitute for Dong Uk. Pero ako ang boyfriend mo ngayon. Kaya dapat lang tiyakin ko na ma-enjoy mo ang bakasyon mo."

Bumuntong-hininga siya. "Kailangan talaga romantic? You don't do romance. Saka nakakailang kasi di naman natin kailangang magpanggap..."

Binitawan siya nito at itinapik ang dalawang palad sa pantalon. "It doesn't really have to be a romantic date."

"Friendly date?" marahan niyang tanong.

"Yes. Friendly date. I want you to enjoy your stay here, Yana. You owe it to yourself. Okay. Kung ayaw mong friendly date, pwede mo rin akong maging lowly slave. Utus-utusan mo ako kung gusto mo."

"Ikaw? Utusan ko?" Napailing na lang siya. "Di ata ako sanay na mag-utos. Saka parang di naman bagay sa iyo ang utus-utusan."

"Bakit naman hindi? You've been a doormat all your life, Yana. Lagi ka na lang sunud-sunuran sa ibang tao. Lagi mo silang pinagsisilbihan at inaalagaan kahit na si Dong Uk. At kung kailan naman natuto ka na ipaglaban ang gusto mo, may iiba na palang gusto ang taong nagpapasaya sa iyo. So treat me like your genie. Kung may gusto ka, sabihin mo lang sa akin."

A genie? A personal wishing machine? She never had one before. At di niya naisip na pwede siyang tratuhin ni Gideon na parang prinsesa. And he was the best thing that ever happened to her since she arrived in Korea.

"Thank you for being an angel, Gideon," nausal na lang at mabilis itong kinintalan ng halik sa pisngi.

"Angel? Ako?" di makapaniwalang tanong nito at itinuro ang sarili. "I am the devil, Yana. I had never been an angel."

Sinapo niya ang pisngi nito. "Nah! You are an angel. Kahit ano pang sabihin mo. My angel in disguise. Magtino ka lang, pwede ka namang maging perfect boyfriend material sa palagay ko. Ako nga gusto mong pasayahin, ibang babae pa kaya na mamahalin ka rin?"

"No. Not gonna happen. Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas."

"Good night, oppa," pagpapaalam niya dito sa pa-cute na boses at umakyat ng hagdan.

Hinabol siya ng halaklak ng lalaki. Na-realize niya na nakangiti siya hanggang makabalik na siya sa kuwarto. Di na siya malungkot. Sa wakas, pakiramdam niya ay nasa bakasyon siya. May dahilan na siya para sumaya. Gideon would make sure of it.

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now