Chapter 21

1.3K 47 1
                                    

Pumalatak ang lalaki. Then he waved his finger infront of her face. "You kissed me last night. At paano mo maaalalang mabuti kung lasing ka?"

Naumid siya. "When I say making love, you should be in love."

Itinaas nito ang dalawang kamay. "Okay. I do sex. And because don't know much about sex, nararamdaman ko ang insecurity mo. Iyon ang advantage ni Eu Jin sa iyo."

"May alam siya sa sex..."

"She is confident. Alam niya kung ano ang strong points niya na magugustuhan ng isang lalaki. She's a go-getter. And besides, love is not just about emotions. The physical aspect is a part of it. Hindi ka ba natutuwa na may katulad ko na nag-aalok ng tulong sa iyo?"

Maasim siyang ngumiti. "Oo nga naman. May utang na loob pa ako sa iyo ngayon samantalang ikaw ang nang-ipit sa akin sa sitwasyon na ito." Mas kailangan siya ni Gideon kaysa mas kailangan niya ito.

"Yana, tinakasan mo ang magulang mo na inapak-apakan ka. Pumunta ka sa Korea at gusto mo na ituloy ang relasyon ninyo ni Dong Uk. Marami ka nang in-invest sa relasyon na ito. Pagod, pera, pagmamahal at panahon. Uuwi ka na lang ba sa Pilipinas na talunan?"

"Paano kung wala na akong ipaglalaban? Paano kung wala na pala akong babawiin?" tanong niya sa mahinang boses.

"You'll never know unless you try. Ipaglaban mo si Dong Uk. Mahal mo siya, di ba? Ang pagmamahal, ipinaglalaban. Hindi sinusukuan. Gagawin mo ang lahat para makuha siya. Ngayon, kung sa palagay mo di mo naman siya ganoon kamahal at di mo siya kayang ipaglaban, then by all means leave." At inilahad nito ang palad sa direksyon ng pinto.

Nangingilid ang mata niyang tiningnan ang pinto. Kapag umalis siya at tuluyan nang iniwan ang Jeju Island, alam niyang malabo niyang mabawi pa si Dong Uk. "Sa palagay mo ba may pag-asa pa ako?"

"Bakit naman hindi? Yana, di ko ija-justify ang panloloko ni Dong Uk sa iyo. But not everything in this world is black and white. Di tayo perpekto. We commit mistakes. Dapat siguro madinig mo rin ang side niya. Malaman mo kung saan nagkaproblema ang relasyon n'yo. Kung mahal mo siya, it is worth a try. Gusto mo bang umalis ng Jeju Island nang puno ng what ifs ang utak mo? Gusto mo bang magsisi sa huli? Na sana sinubukan mo. Na sana lumaban ka. Sana di ka na lang umalis. Nandito ka na, Yana. Ngayon ka pa uurong?"

Kinuyom niya ang palad. Walang ibang lalaban para sa relasyon nila ni Dong Uk kundi siya lang. Mabuti nang matalo nang lumalaban kaysa naman umurong siya nang di niya sinusubukan. "Hindi ako aalis. Ipaglalaban ko siya ." Inilahad niya ang palad dito. "Tinatanggap ko ang tulong mo. Payag na akong magpanggap na girlfriend mo."

Ikinulong nito ang kamay niya sa palad nito. "Deal!"

"PUMAYAG kang magpanggap na girlfriend ni Gideon Lee. As in Gideon Lee, my first love?" Sunud-sunod ang hugot ng hininga ng pinsan ni Yana na si Yulia habang kausap niya sa video chat. Sapo pa nito ang dibdib na parang hinihika. Dinampot nito ang bote ng tubig na nasa tabi ng laptop nito at tinungga. "Gosh! Habang ni-reject niya ako, siya naman magiging boyfriend mo. Unfair!"

"Huwag ka ngang OA diyan. Matagal ka na niyang nabasted at matagal ka na ring naka-move on. Nakatatlong boyfriend ka na uy!"

Tinapik ni Yana ang pisngi matapos talpakan ng moisturizer ang mukha. Matapos sumang-ayon sa deal ni Gideon sinabihan siya nito na magpahinga muna sa guestroom at bumawi ng tulog. Ayaw daw nito na haggard siya kapag magkasama sila lalo na kung siya ang ipapakilala nitong girlfriend. Umilip lang siya saglit at tinawagan ang pinsan. Nag-aalala na kasi ito kung anong nangyari sa kanya dahil huling message niya ay nasa airport pa siya.

"H-Hindi ko maintindihan kung paano napunta sa ganyan ang sitwasyon mo samantalang ang kwento mo lang sa akin kanina nakita mo si Dong Uk na may kasamang iba. Pero di ka muna uuwi ng Pilipinas dahil babawiin mo siya at tutulungan ka ni Gideon. Di naman kayo close para tulungan ka niya. May hindi ka ba ikinukwento sa akin?" panghuhuli ng pinsan niya at tinaasan siya ng kilay. "Ano ang nangyari sa pagitan ng nakita mo si Dong Uk na may kahalikang ibang babae at inalok ka ni Gideon Lee na maging fake girlfriend niya."

Tumirik ang mata niy Yana at bumilang ng sampu saka ikinuwento sa pinsan ang nangyari. Na napadpad siya sa isang bar, napainom ng soju, hanggang sunduin ni Dong Uk sa bar at nagising siya sa bahay nito. Ikinuwento din niya kung paano siyang sinugod ng baliw na admirer nito at ipinakilala siya bilang girlfriend nito.

"Napasubo na ako, okay? Naipakilala na niya ako sa kay Sang Hee at kay Ma'am Mi Su na girlfriend niya. Ewan ko kung mapapangatawanan ko."

Humagikgik ang pinsan. "The prude and the manwhore. I can't imagine."

Sinapo niya ang pisngi. "Sabi niya tutulungan daw niya ako kung paano akitin si Dong Uk. Iyon daw kasi ang advantage sa akin ni Eu Jin. Di ko tuloy alam kung tama ang desisyon ko."

"Ano ka ba? Chance mo na itong magka-free lesson kay Gideon. Kung sa akin niya inalok iyan, ibibigay ko lahat-lahat sa kanya. Chance ko na iyon," kinikilig nitong sabi. "Ang sarap siguro niyang maging lover."

"Magtigil ka nga diyan. Siyempre walang mangyayari sa amin 'no?"

"Kahit kiss man lang. Feeling ko ang sarap-sarap niyang humalik."

Di lang niya masabi sa pinsan na titig pa lang ni Gideon, parang nakaka-devirginize na. Paano pa kaya ang halik nito? Paano kung halikan siya nito at ayaw na niyang tumigil? Di ba delikado iyon?

"Natahimik ka yata diyan?" puna ng pinsan.

"Wala. Kulang lang siguro ako sa tulog. May dinner pa kami kasama si Ma'am Mi Su."

"O baka naman iniisip mo 'yung lesson mo kay Gideon?"

"Baliw. Sige na. I-update na lang kita..."

"Yana, kahit wala ako sa tabi mo, suportado kita sa mga desisyon mo. Pero kung sa palagay mo iba na talaga ang mahal ni Dong Uk, hayaan mo na siya. Marami pang ibang lalaki diyan."

"Salamat. Pero susubukan ko lang naman. Kaysa naman sumuko na lang ako agad nang hindi ko sinusubukan." Tama naman si Gideon. Kailangan niyang ipaglaban ang sarili niyang kaligayahan para wala siyang pagsisihan sa huli.

"Good luck sa lesson mo diyan kay Teacher Gideon. Namamalo kaya siya kapag di mo nakuha ang lesson?" Hinampas nito ang sariling pigi. "I am such a bad girl. Punish me, Sir."

Ngumiwi siya. "Kadiri ka! Bye na!"

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now