Chapter 41

1.2K 33 1
                                    

Pagdating sa bar ay ibinilin siya ni Gideon sa staff nito na si Jae Eun para asikasuhin siya. Si Jae Eun din ang nagpapasok sa kanya sa bar noon at nagbantay sa kanya nang nalasing siya.

"My girlfriend," pakilala ni Gideon sa kanya. "Yana will help out in cleaning and dishing out. She's not a hired help. She just wants to help out because she's so in love with me." Naka-freeze lang ang ngiti ni Yana dahil sumosobra naman yata ang introduction ng binata sa kanya. "Go easy on her."

Puno ng pag-aalinlangan na nagpalipat-lipat ang tingin ng babae sa kanila ni Gideon. "A-Are you sure, sangjang-nim? You want your girlfriend to help with the dirty dishes, clean up the table...."

"Anything she's capable of, anything she wants," sabi ni Gideon sa frustrated na tono. Halatang napipilitan lang ito na patulungin siya. Pagkatapos ay pumalakpak ito. May inutos ito sa Korean dahilan para biglang kumilos si Jae Eun na parang robot at idinala siya sa kuwarto ng mga staff kung saan may locker.

"So, you are the boss' girlfriend?" tanong ni Jae Eun habang kumukuha ng isusuot niyang uniform sa closet. "The one staying in his house and the reason why preferred dying of soju bomb than touching another woman?"

"Nee," pag-oo niya at kinamayan ito. "I am Yana. Nice meeting you. Thank you for helping me out when I was drunk."

"I thought you are just a figment of my imagination. He doesn't do girlfriend. Someone who is not temporary and.. Mianhamnida," hinging paumanhin nito. "I didn't mean to insult you or the boss."

"No worries. I know about Gideon's reputation and his womanizing ways. That's all in the past. We are together now.

Nakangiti itong tumango. "Of course. Can you really help in cleaning..."

"Nee," maagap na sagot niya. "Stop worrying about me. I am not made of glass. I will change my clothes then you can tell me how I can help. Forget about me being Gideon's girlfriend. I am also just one of the staffs now."

"I like you," sabi nito at itinuro sa kanya ang restroom na para lang sa mga staff.

Mabilis ang kilos ni Yana sa pangangailangan ng customers. Alerto siya kapag may kailangang linisin na table lalo na't maraming customers kahit maaga pa. Dala daw ng spring season kaya tourist peak sa Jeju Island.

"You okay?" tanong ni Gideon kay Yana matapos niyang magpasalamat sa umalis na dalawang babaeng Koreano na customer at nilinis ang mesa.

"Nee," aniya at tumango. "Mababait sila dito at binigyan pa ako ng tip. This place is not so bad."

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ng lalaki.

"Nakaka-relax ang ambiance ng lugar at hindi maingay tulad ng ibang bar. Suwabe lang ang music. Saka napansin ko na at home na at home ang ibang guest mo dito."

"Hindi naman lahat ng tao nagpupunta sa bar para magpakalunod sa alak. Although we pride ourselves with our selection of wine and spirit, we are also known for our good food. Mas masarap uminom kapag may masarap na pagkain at pulutan. Ang totoo, may Korean version kami ng seafood sisig."

"Mukhang kailangan kong matikman iyan." Natutuwa siya na may fusion ng Filipino at Korean dish sa menu ng binata. Akala niya ay itinakwil at tinalikuran na nito ang pagiging Filipino.

"It is perfect with soju."

Nawala ang ngiti ni Yana. "Ah! Iyon lang." Parang di na niya gugustuhin pang ulitin ang bangungot ng soju. "Bakit mo nga pala naisip na magtayo ng bar? Bakit di na lang restaurant? Masarap ka rin namang magluto."

"You could never go wrong with a bar. Alam mo ba na according sa study, kailangan daw ng mga lalaki na lumabas nang dalawang beses sa isang linggo para manatiling healthy. Para pampa-boost ng immune system."

"Para may lisensiya ka kamo na makapambabae," pakli ni Yana at pinusitsitan ng sanitizer ang mesa bago punasan.

"Ang alam ko, mula nang dumating ka dito sa Jeju, ikaw lang ang babae sa bahay ko at sa buhay ko. No need to be jealous. Ngayon pa ba na maraming nakakaalam tungkol sa iyo. Tinatanong na nga ng regular customers ko kung ikaw daw ang girlfriend ko."

Umungol siya at inilagay sa tray ang mga bote ng soju at baso. "Ilan na nga ang nagtanong sa akin kung ako daw 'yung babae sa video. At kung boyfriend daw kita. Ngiti na lang isinasagot ko."

Di naman masasabi ni Yana na viral ang video noong una. Nasa dalawang libong views pa lang iyon. Pero dahil nag-share ang lola ni Gideo at nai-share pa daw sa grupo ng taga-local community sa Jeju at sa isang grupo na ang palangan ay Romantic Jeju, mas dumami ang nakanood sa kanila.

"Di mo man lang ako maipagmalaki na boyfriend mo," nagtatampong sabi ni Gideon. "Akala pa mandin mahal na mahal mo ako."

"Drama mo!" pakli niya dito at tinalikuran ito.

"Saranghae!" pahabol na sigaw pa nito na ang ibig sabihin ay mahal siya nito.

Nag-init ang pisngi ng dalaga nang habulin siya ng tuksuhan at kantiyawan ng mga tauhan ng binata. Ngumiti na lang siya nang makadama ng kilig. Kahit pala nagpapanggap lang, masarap pa rin marinig na sabihing mahal siya ng isang tao sa harap ng maraming tao. Mas ganado siyang magtrabaho.

Matapos hugasan ang mga baso at tray ay tinuyo at pinunasan niya ang mga iyon. Nakaka-miss magtrabaho. Mula nang magkasakit siya, binawalan muna siya ni Yulia na magtrabaho. Importante daw na magpahinga siya. Nasanay siya na laging may ginagawa at pinagkakakitaan. Masaya siya na sa simpleng paraan ay nakakatulong siya kay Gideon.

Lumabas si Yana para maglinis ulit ng mesa nang bumukas ang pinto kasunod ng pagpasok ng customer. Humarap siya at bumati sa papasok na customer. "Anneong hasaeyo!" bati niya subalit nawala ang ngiti niya nang makitang si Dong Uk ang pumasok kasama ang babae nito na si Eu Jin. 

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu