Chapter 10

1.4K 46 0
                                    

Pinagmasdan niya ang babae nang palabas ng pinto. Ibang klase talaga. Hanga din siya sa fighting spirit nito. Ilang beses na niya itong sinabihan na wala itong maaasahan sa kanya pero di pa rin ito sumusuko. Di niya maintindihan kung ano ang meron sa kanya samantalang ilang kaibigan niyang Koreano ang nagpakita ng interes dito. He didn't even fuck her or kiss her.

"Ang mga ganyang babae, trouble iyan," sabi niya kay Moody nang lagyan ng dog food ang kainan nito. "Sige nga. Ano bang meron sa akin at kailangan niyang ipilit ang sarili niya? I am an asshole. Walang babaeng magpapatino sa akin."

Yes, he was an asshole. Kaya kahit na itinaboy niya si Sang Hee, kakainin pa rin niya ang kimchi stew na ihinanda nito dahil gutom na gutom na siya. Laman naman iyon ng ref niya. Kaya rin niyang magluto ng kimchi stew. Ito lang ang nakialam.

Really? Who needs a wife? Kaya naman niyang magluto para sa sarili niya. Di niya kailangan ng pagmamahal ng iba dahil mahal niya ang sarili. Hindi siya emotionally dependent na isang babae lang ang kukumpleto sa buhay niya. No. He didn't care about that shit. Mas miserable ang buhay ng mga nai-in love.

Ayaw niyang magaya sa tatay niya na minahal nang todo ang nanay niya pero iniwan kung kailan bagsak na bagsak ito. He won't be a victim like his father.

Nangangalahati na siya sa kimchi stew nang mag-ring ang cellphone niya. "Jin Woo-na, is Sang Hee taking care of you?"

Mariin siyang pumikit nang marinig ang malambing na tanong ng lola na si Mi Su. "Halmeoni, please stop. She invaded my privacy. Do you know that I can report her to the police?"

"But she is a nice girl. You need a nice girl around."

"Halmoeni... not again."

It was becoming tiresome. Parang obligasyon niya sa mundo na mag-asawa at magkaanak. Habang maraming nasa relasyon at may pamilya ang miserable.

"I am old and sick, Jin Woo. I don't want to leave you alone in this world. I want you to settle down with a nice woman who will take care of you and give you kids. I want to play with my grandchildren," anang lola niya sa seryosong boses. Her grandmother was sick. Kahit gusto niyang pagbigyan ang lola, di madali na ibigay ang gusto nito. Maisip lang niya na mag-settle sa isang babae, nangangati na siya.

"We will get there, halmoeni. I just don't want to see Sang Hee here, invading my house as if she owns it. I feel violated."

"Okay. I won't. But please open your heart. The one for you might be just around the corner but you are too busy playing around."

"Enjoy the party, halmeoni." Gusto na lang niyang matapos ang pag-uusap na iyon. Hindi effective ang pagiging matchmaker ng lola niya.

"Oh, by the way, remember Teacher Yana?"

"Yanamarie from the Philippines? Nee. Your favorite tutor and the sweetest thing on Earth."

Umikot ang mga mata niya. Yana was naturally sweet and nice. Gusto ito ng lahat. Muntik na nga itong ampunin ng lola niya. Wala itong nakaaway o nakagalit noong nasa tutorial school - maliban sa kanya.

"She's here in Jeju right now."

Parang nakasinghot siya ng chili powder sa nalaman at napaubo. "What? S-She's here in Jeju Island?"

"She called me a while ago. She told me that she's at the airport and will surprise her boyfriend. It means she and Dong Uk are still together. I didn't expect that they are still together after a long time. I thought Dong Uk has a girlfriend."

"I am not sure."

"Oh! Love can really wait. So romantic. She's really brave and she really fulfilled her promise to come here."

Napamura siya sa utak. Isang sorpresa na sumunod sa Jeju Island ang babae. Ang alam niya, nagkalabuan na ito at si Dong Uk mula nang di natuloy ang flight na kinuha ng kaibigan para dito. Limang buwan na ang nakakaraan nang sabihin ni Dong Uk na may nangyari dito at sa kababata nitong si Eu Jin. At na-realize nito na gusto nitong gawing pormal ang relasyon sa kababata dahil malabong puntahan pa ito sa Korea ni Yana. Nawalan na ng pag-asa ang lalaki. Malaking problema ito dahil mali ng sapantaha ang kaibigan.

"D-Do you have her number, halmeoni? I just want to check up on her and make sure that she is safe," tanong ni Gideon sa lola.

Ipinadala ng lola niya ang numero sa cellphone niya matapos silang magkausap. Hindi na niya natapos ang pagkain sa labis na tensiyon.

Una muna niyang tinawagan si Dong Uk para bigyan ito ng warning. Ang alam niya ay may date ito at si Eu Jin. Paano kung magpang-abot ang dalawang babae? Malaking gulo iyon. Sa kasamaang-palad ay naka-off ang cellphone ng lalaki.

"Baka nagkarambulan sila. Sakit talaga ng ulo ang mga relasyon na iyan. Pati ako namomoroblema dito."

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now