Chapter 14

1.4K 44 1
                                    

Fuck! She looked so fine. Yana was more on the voluptuous side. Pero alam niyang di niretoke ang dibdib nito. Maliit ang baywang nito. Her skin was light brown. Nakasuot ito light brown na panties. More on granny underwear. He preferred women in lace underwear. Sino pang babae ang nagsusuot ng panglola na underwear? Walang lalaki na maaakit dito... except him.

Tipsy, brokenhearted, granny underwear and a virgin. Nasa turn off list iyon ng binata pero pinagpapawisan siya nang malapot. Parang alay ang dalaga sa kanya. At gusto nitong turuan niya ito kung paano mang-akit ng lalaki para mabawi si Dong Uk? No. Kailangan niyang tumakbo na palabas ng kuwarto.

"Gabi na. Bukas na ang lesson na ganyan," sabi na lang niya sa magaang boses at tumalikod para lumabas na ng kuwarto. Kailangan niya ng cold shower bago niya dalhin sa kuwarto ang maleta mamaya.

Niyakap siya nito mula sa likuran. "Please. Hindi ko mababawi si Dong Uk kung wala akong alam."

He could feel her breasts against his back, searing him. Lalo siyang nanghihina. A primal part of him wanted to surrender to his desire. "Yana, no!" Kinalas niya ang braso nito sa baywang niya at hinarap ito.

"Yes." Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito, tumingkayad ito at hinalikan siya.

Inosente pa nga itong humalik. Tentative yet addicting She tasted like sweet nectar that he wanted to taste. And he found himself kissing her back, coaxing her how to kiss properly.

She became more aggressive. Naramdaman na lang siya na nakahiga siya sa kama. She was on all-fours above him. Bumaba ang labi nito sa leeg niya.

"Am I doing this right?"

Umurong siya dahil pababa iyon nang pababa. Inangat ng kamay nito ang T-shirt niya at pumailalim. Mas agresibo na ang kamay nito nang haplusin ang tiyan niya at umakyat sa dibdib niya. Shit! This virgin is on fire.

It was wrong. She was buzzed. Di nito alam kung ano ang ginagawa nito. Wala ito sa sarili. So, he was a playboy. He was a first class fuckboy. Pero hindi siya nagsasamantala sa mga babaeng lasing o nakainom at di alam ang ginagawa ng mga ito. In his book, that would be considered as rape.

Hinawakan niya ang kamay nito. "Yana, we have to stop."

Tumigil ito sa pagbalik sa collar bone niya at malungkot na inangat ang tingin sa kanya. "You are rejecting me. Hopeless na ba talaga ako?"

"No. That is enough lesson for now. Sleep. Kapag di ka natulog, hindi kita tuturuan," babala niya dito.

Sa halip na humiga sa tabi niya at ng malawak niyang kama, dumapa ito sa ibabaw niya sa ibabaw niya. "Huwag mo akong iiwan. Ayokong mag-isa."

Her almost naked body sprawled over his hard body. Inalalayan niya ang baywang nito para di ito malaglag mula sa katawan niya. Pero kuyom niya ang palad para pigilan ang sarili na hawakan ito.

Mariin siyang pumikit habang pigil ang hininga. Ipinatong nito ang kamay sa dibdib niya at hinaplos iyon. Then she started humming a song. And her voice vibrated through his manhood, making him harder.

Mariing nagdikit ang labi niya at pinigilan ang kamay ni Yana. "Stop!"

"Okay," sabi lang nito at di na nakipag-argumento pa. Then she kept on humming.

Napaungol na lang si Gideon. Ipinadala ba talaga ang babaeng ito para I-torture siya? "Yanaaaa, wag ka nang kumanta. Matulog ka na."

"Di ako kumakanta. N-Nilalamig kasi ako," sabi nito at saka niya naramdaman na nangangaligkig ang hubad na katawan nito.

Minura niya ang sarili sa isip. Sa kagustuhan niyang protektahan ang sarili mula kay Yana, nawala sa isip niya na malamig ang panahon at walang damit si Yana. Baka magkasakit pa ito. Dali-dali niyang tinakpan ng thermal blanket ang dalaga. And he realized another mistake. Dalawa na silang nabalot ng kumot at di niya basta-basta maiaalis ang sarili sa ilalim ng binata.

Parang nasa loob sila ng mainit na cocoon. Tuluyan nang ipinikit ng dalaga ang mga mata at maya maya pa ay narinig niya ang mahinang paghinga nito. Dapat ay ibaba na lang niya ito sa kama at iwan itong mag-isa. But he couldn't let her go. Kapag gumalaw siya ay magigising ito.

She needed his comfort more than anything. He just needed to ignore his hard dick. It would be a long, long night for him. This is pure hell.. and heaven. Tumingala siya. Dong Uk, ayusin mo ang gulong ito. Take her off my hands.

Hahayaan lang niya itong makatulog. Then he would leave her alone. If only that was easy.

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now