Chapter 35

1.3K 35 0
                                    

"I LIKE your new hair and your bangs. You look like a Kdrama heroine," sabi ni Mi Su habang hinahaplos ang buhok niya. "My grandson really treats you well."

"Nee, sangjang-nim," sang-ayon ni Yana habang nanood sila ng evening news sa cottage ng matandang babae. Naghuhugas naman ng pinagkainan nila si Gideon. Gusto daw nito na mag-relax siya dahil gusto ni Mi Su na ikwento niya kung ano ang ginawa nila ng apo nito buong araw. "He even allowed me to pay for the couple mug and shirt. So sweet."

"Sweet? A man is sweet because he allowed you to pay?" lukot ang mukha na tanong ng babae. "I taught my grandson better than that."

Ginagap niya ang kamay nito. "Sangjang-nim, that is just be being a loving girlfriend. It is just a small thing compared to everything he did for me."

Hindi na siya naiilang kanina kapag kasama niya si Gideon. She felt like she was a new person. More confident. Hindi na talunan. Lalo pang nadagdagan ang kompiyansa niya nang ipakilala siya ni Gideon na girlfriend nito, kahit na hindi naman totoo.

Dala niya ang magandang mood hanggang sa nakasakay na ng kotse kasama si Gideon at pabalik na sa bahay nito. "You look happy," puna nito. "Maganda ba 'yung Kdrama na napanood ninyo ni halmoeni?"

"No. Nakaka-stress nga ang awayan ng kabit. Naku! Kahit saan talaga uso ang mga kabitserye."

"Bakit ka masaya?" tanong ng binata.

Inunat niya ang dalawang kamay. "My pride is not smarting. Hinayaan mo akong ibili ka ng couple's item natin. Tapos okay lang din sa iyo ang heart-shaped na brief na bigay ko."

Bigla itong nagpreno. "What? Para ba sa akin iyon?"

"Oo naman. Ang laki-laki kaya no'n kaya di kasya sa akin. Cute iyon sa iyo."

Napailing ito. "Hindi ko isusuot iyon. Sino bang babae na matutuwa na makakita ng ganoong underwear sa lalaki? That would be a major turn off."

Kunwa'y nalungkot siya. "Minsan na nga lang ako magregalo. Saka akala ko ba kampante ka naman sa male prowess mo na kahit ano pang isuot mo matutuwa pa rin ang babae."

"Isusuot ko lang iyon kapag ikaw ang nagsuot sa akin. Deal?" tanong nito.

Kasama ba ito sa lesson nila? O gusto lang nitong gantihan siya sa pang-aasar niya dito?Bumuka ang bibig niya para tanggihan ang deal nito pero nakita niya ang paghahamon sa mga mata nito. Ano bang isasagot niya nang hindi siya nagmumukhang duwag?

Sakto naman na tumunog ang Messenger sa cellphone niya. Ibig sabihin ay may pumasok na mensahe. Nawala ang ngiti niya nang mabasa ang message ni Dong Uk. Di niya binuksan iyon. Tiningnan lang niya ang bungad.

"O! Bakit nawala ang ngiti mo diyan? Chicken?" nanunuksong tanong ni Gideon at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Nag-message si Dong Uk."

Nawala rin ang playful mood ng lalaki. "Anong sabi?"

"Nangungumusta lang. Na kagagaling lang daw niya sa camping sa Mt. Halla at wala daw signal." Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone. "Parang gusto ko ngang mag-reply at sabihin na sinungaling siya at alam ko na may kasama siyang ibang babae. Na ang lakas ng loob niya na..."

"Don't bother replying. Hayaan mo lang siya. After all, ilang araw ka na rin naman na wala sa social media. Di ka nagpo-post. Hayaan mo siyang mataranta," sabi ng lalaki. Si Yulia lang ang nakakaalam na nasa Korea siya at kung ano ang nangyayari sa kanya. Tiyak na maghihinala si Dong Uk.

"Paano kung lalo siyang magkaroon ng rason na piliin si Eu Jin dahil hindi ko sinasagot ang mga message niya?"

"Trust me, Yana. Fool-proof ang plano ko. Magme-message ka sa kanya kung kailan ko sasabihin sa iyo at kung ano ang isasagot mo. Arraso?" tanong nito kung naiintindihan niya.

"Arraso yo," mahinang sang-ayon niya.

Mahirap pala na may kinikimkim na emosyon at sakit. Mahal pa niya si Dong Uk pero di siya matatahimik hangga't di niya ito nakokompronta.

"Yana, don't let him steal your sunshine. Mababawi mo siya sa tamang panahon. Just trust me. Okay? Kapag nakaharap mo na si Dong Uk, gusto ko makita niya na parang balewala lang siya na wala siya sa buhay mo dahil nandito ako para sa iyo. That you got the better end of the deal." Tumirik ang mata nito. "Okay. That is not true so just fake it. Fake it good."

Tumango siya at pilit na ngumiti. "Nee, oppaaa," malambing niyang sagot. "Pwede ko bang sabihin sa kanya na binilhan kita ng heart printed na briefs para malaman nila kung gaano kita kamahal?"

Iwinaksi nito ang kamay. "Oo na. Kung saan ka masaya."

Bumalik na ang masayang mood niya hanggang makarating ng bahay nito. She wondered how he could easily make her mood light the his own expense.

Nakita niya ang pagod sa mga mata nito at aalukin sana ito ng masahe nang makatanggap ito ng tawag. Sinagot nito ang tawag. "Yabusaeyo!"

Iniwan niya ang lalaki at pumunta sa kuwarto niya. Katatapos lang niyang maghilamos nang katukin ni Gideon ang kuwarto niya. "Yana, I have to go. May birthday celebration ang isa sa regular customer ko sa bar. Nakalimutan ko lang. Gusto mo bang sumama?"

"Hindi na. Nakapaghilamos na ako at nakapagbihis. Maaabala ka pa kung hihintayin mo ako. Magpapahinga na lang ako dito sa bahay."

Nabulabog niya ang mundo ni Gideon mula nang dumating siya sa Korea. Pati trabaho at social life nito ay apektado nito. He needed some normalcy in his life. Kung saan di nito kailangang magpanggap na girlfriend niya.

"Okay lang ba sa iyo na maiwan dito? Paano kung may ibang babae doon?""

Nagkibit-balikat siya. "Ikaw bahala. May tiwala ako sa iyo."

"Talaga?" tanong nito.

"Oo naman." Kinintalan niya halik ang pisngi nito. "Huwag mo akong pagtataksilan kasi magiging impotent ka habambuhay."

Humalakhak ito. "Darn! Don't curse me like that, Yana. Hindi ako titingin sa ibang babae kung gusto mo."

Ihinatid niya ito hanggang sa pinto ng bahay at pinanood ang paglabas ng sasakyan nito. Hindi niya alam kung bakit sa puso niya, alam niyang di ito titingin sa ibang babae. 

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt