Chapter 55

1.2K 28 0
                                    

At idinala ni Sang Hee si Gideon sa pantry sa likod ng shop. Subalit kumuha ito ng baso at nagsalin ng tubig mula sa dispenser at tinungga iyon na parang uhaw na uhaw ito. "Do you want water?"

"N-No. I am fine."

"No. I want to apologize for my crass behavior. I was wrong. Mianhamnida," hinging paumanhin niya at yumukod.

Hinawakan nito ang balikat niya at pilit siyang pinatuwid ng tayo. "No. You don't have to apologize. I am sorry because I am not good enough that's why you can't love me back." Tuluyan nang pumatak ang luha na pinipigilan nito hanggang tuluyan na itong pumalahaw ng iyak. "Mianheeee, Jin Woo-na. I didn't mean to hurt you. I-I tried my best to be better so you will like me."

Niyakap niya ito. "Stop it, Sang Hee! You are not lacking anything."

"No. It is my fault. I am sorry for hurting the woman you love. Mianheeee!"

Hinayaan lang ni Gideon na yakapin siya ng babae. Hindi niya ito itinulak sa pagkakataong ito. Parang may malaking kamay na pumipiga sa puso niya habang pinakikinggan ang paghingi nito ng tawad, ang mga kakulangan nito.

Noong una, sinisisi niya ito dahil sa pamimilit ng sarili sa kanya. Naging prangka siya dito na wala siyang interes. Pinapaniwala lang nito ang sarili na darating ang araw na mamahalin niya ito. Ito lang ang nagpaasa sa sarili nito. It was not supposed to be his problem. Wala siyang hiniling dito kundi tantanan siya. Kailangan pa niyang gamitin si Yana para lang itaboy ito.

Pero habang yakap niya ito ngayon, dama niya ang sakit na ibinigay niya dito. Kung paano ito nagdusa na di niya maibalik ang pagmamahal nito. Na kahit anong ibigay nito anong sarap nitong magluto o kahit labhan pa nito ang tambak niyang labahin, wala itong napapala sa kanya. Kahit halos maghubad na ito sa harap niya, di pa rin niya ito pinapatulan. Na kailangan pa nitong ihingi ng tawad dahil pakiramdam nito ay hindi ito sapat. At ang hinihingi lang nito ngayon ay ang kapatawaran niya para makalaya na rin ito.

"I forgive you, Sang Hee-ssi."

Tigmak ang luha sa mga mata nang iangat ang tingin. "Y-You forgive me?"

Tumango siya. "Nee. I don't deserve your love. And I am sorry for treating you badly."

"Don't say sorry. I pissed you off by invading your privacy. I-I hurt Yana-ssi. Maybe that's why you don't love me..."

"Y-You are not a bad person. And don't even think that nobody will love you someday because I am such an asshole."

Kuntodo iling ang babae. "Aniyo. You are perfect." Puno ng paghanga ang bose nito.

"Sang Hee-ssi, I am not perfect. Don't ever think that way. I am thankful for all the love you gave to me and my grandmother. But always remember that you deserve someone better than me. Someone who will love you and protect you." Inilahad niya ang palad. "Look around you. Someone might be waiting for you to notice him. He is just waiting for his chance."

Isang ngiti ang sumilay sa labi ito sa kabila ng basa sa luhang mga mata. "My star?"

"Your star?" tanong ulit niya.

Tumango ito. "Nee. Yana-ssi told me that you are the sun."

"The sun?" Bakit nasabi iyon ni Yana? Did it mean that he was too hot?

" You are too bright that I can't see the stars. But once the sun sets, I will finally see the beauty of my star. I just have to look around."

"She is right," nausal na lang niya.

Muntik nang mapakamot sa ulo si Gideon. Tuwing nagkikita sila ni Sang Hee, lagi niya itong hina-hard talk at real talk pero di naman ito nakikinig. Kailangan lang pala ng mga araw at mga bituin para matauhan ito. Mga romantic na tao lang talaga ang nagkakaintindihan. Minsan mas alam talaga ni Yana ang gagawin.

Pagak itong tumawa. "I want to hate Yana-ssi for taking you away from me. But how can I do that if she's so nice to me? S-She's like so perfect. An angel."

Tinapik niya ang ibabaw ng ulo nito. "So you must not be so hard on yourself. There are billions of people on this Earth. You'll find that special someone who will appreciate you.."

"Just like you and Yana-ssi. She said that she doesn't even like you before. But during the lowest point in her life, you were there to support her. That's the reason she fell in love with you."

"She said that?" gulat niyang tanong.

"Nee. How can I make it up to you?"

"Nothing. Just be happy. Love yourself. Find a man who will love you more than yourself. Someone who will take care of you a make you smile. Someone who is not an asshole like me. Arraso?"

"Arraso yo."

Niyakap niya ito sa unang pagkakataon. "Thank you for everything you did for me, Sang Hee-ssi. You are always welcome to visit my grandmother."

Ito ang kusang kumalas sa kanya. "Go back to your girlfriend. Don't make her wait. Tell her that she should teach me how to cook this rice cake. Anneong, Jin Woo-na!" At kumaway pa ito sa kanya.

"Anneong!" pagpapaalam niya at magagaan ang hakbang nang lumabas ng gift shop. Wala na siyang nararamdamang bigat sa dibdib. Dahil ba alam niyang di na siya hahabul-habulin ni Sang Hee o dahil nakapagpatawad na siya? Tama ba si Yana na malaki rin ang maitutulong sa kanya kung buburahin niya ang galit sa dibdib?

Paglabas niya ay natanaw niya si Yana na nakaupo sa breakwater at nakaharap sa dagat. Di nito alintana ang malakas na hangin at ang init ng araw. Hinahayaan lang nitong tangayin ng hangin ang buhok at di man lang nagsuot ng sumbrero para takpan ang ulo o magpayong.

Nasisilaw din kaya ito sa kanya? Paano kung nocturnal ito at di nito nakikita ang sikat ng araw? Magagawa kaya niyang ilayo ang tingin nito sa bituin nito na gaya ni Dong Uk? 

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now