Chapter 45

1.3K 43 0
                                    

NAKAUPO si Yana sa couch rooftop habang umiinom ng tsaa at pinagmamasdan ang mga ilaw mula sa bahayan at sa tulay pati na rin ang mga nagdadaang mga bangka. Matapos buong gabing pagtatrabaho sa bar ni Gideon at iba pang nangyari sa gabing iyon, kailangan niya ng katahimikan para mapahinga ang isip niya at puso niya. Pakiramdam niya ay nagulpi siya.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng rooftop at papalapit na yabag. "Bakit gising ka pa?" tanong ni Gideon.

"Di ako makatulog," matamlay niyang sagot.

"Pero napagod ka sa paghuhugas ng plato, paglilinis ng table at sa pangungulit ng mga customers kung ikaw nga 'yung nasa viral na video." Umupo ito sa tabi ni tinapik ang binti niya. Sinesenyasan siya nito na ipatong ang pinto niya sa kandungan nito. Inangat niya ang binti at hinayaan ito na imasahe siya. "Pinag-iisipan mo na ba na umurong bilang girlfriend ko at umuwi na ng Pilipinas? I can change your mind with a massage."

Umungol siya dahil kailangang-kailangan niya ng masahe nang mga oras na iyon. Nagpoprotesta ang muscles sa katawan niya. "Ang sarap!"

"Orgasmic massage is my expertise," he drawled in a sensual voice.

Pabiro niyang isinipa ang paa dito. "Puro ka talaga kalokohan."

Pinigilan ito ang binti niya. "Just trying to make you laugh. Mukhang seryosong-seryoso ka kanina. Iniisip mo ba si Dong Uk? Mianhamnida," hingi ng paumanhin nito sa malumanay na boses. "Bigla na lang silang dumating. Ipinakilala na lang kitang girlfriend ko kaysa naman kulitin ka ni Eu Jin. Pumunta siya sa bar ko para dikdikin talaga ako sa viral video natin."

"Hindi naman ako makakaiwas sa kanila. Kung na-caught off guard ako, mas lalo naman sila. Parang nakakita sila ng multo nang malaman nila na ako si Yana na niloko nila." Pero pansamantala lang ang tagumpay niya. Feeling close sa kanya si Eu Jin na parang wala lang ang kataksilan ni Dong Uk para dito. Akala mo naman ay BFF forever sila kung makipagpalit ng number sa kanya.

Kinuha ni Gideon ang tasa ng tsaa sa kanya at inilapag sa mesa sa tabi ng couch. "Does it hurt to see them together? Di rin naman sila nagtagal sa bar nang umalis tayo sa table nila."

Bumuntong hininga si Yana at inunat ang katawan sa couch. "Ewan ko. Nagkausap kami ni Dong Uk kagabi. Noong breaktime ko, pumunta ako sa 7-Eleven para bumili ng chocolate. Nakaabang na siya sa labas at kinompronta niya ako. Pinalalabas pa niya na una ko siyang niloko. Kapal talaga."

"How typical. Kapag guilty nga naman, sa taong niloko nila ipapasa ang mali na akala mo may moral higher ground sila." Naging matiim ang anyo ni Gideon at naramdaman niya ang bahagyang pagbigat ng kamay nito. "Anong sabi mo?"

"Na dapat magpasalamat siya dahil nasa buhay kita. Na di ko siya inaaway o ginugulo. Sabi niya mali daw ang desisyon ko na piliin ka. Sasaktan mo daw ako dahil ikaw itong mas maraming babae."

Pagak na tumawa si Gideon. "Ako pa talaga ang mananakit. Anong tawag sa ginawa niya?"

"Mismo. Tapos sabi niya mahal pa niya ako."

"At naniwala ka naman?" tanong nito sa tono na parang gusto nitong batukan siya kung katangahan ang isasagot niya.

Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang may sabi na mahal pa niya ako kaya may tsansa na magkabalikan kami." Bakit parang negatibo ito ngayon?

"I mean, that's great. Daebak! Anong sabi mo?"

"Na balikan niya ang girlfriend niya dahil wala na akong pakialam sa kanya," sabi niya at umingos.

Kumislap ang paghanga sa mga mata nito. "Good job. Alam ko na mahirap tanggihan siya pero tama lang ang ginawa mo. Part of the plan."

"Hindi iyon, Gideon. Iyon talaga ang pakiramdam ko kanina. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang makasama." Natigilan siya sa mga lumalabas sa bibig niya at naguguluhan na nilingon si Gideon. "Normal ba iyon?"

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now