Chapter 11

1.3K 45 1
                                    

Sumunod niyang tinawagan si Yana. Sana lang ay hindi pa nito nakikita si Dong Uk. Baka magawan pa niya ng paraan para hindi dumanak ang dugo. Yana looked like a gentle girl. Mukhang babasaging kristal. Pero alam niyang may pangil ito. Kapag ito ang tinapak-tapakan, di ito papayag na manahimik na lang sa isang tabi. She would fight back. She won't stop until she had proven she was right.

Na-ring ang cellphone nito. "Yana, don't do anything stupid. Don't. Kumalma ka lang."

Sa wakas ay may sumagot sa phone. "Hello. Sino ka?"

"Yana, this is Lee Jin Woo."

"Sino?" tanong nito.

Huminga siya ng malalim. "This is Gideon Lee," aniya sa pormal na boses. Sa Pilipinas lang siya tinatawag na Gideon at ng mga customer sa club na di nabubulol sa Korean niya.

"Gideon Lee? Ah! Boss, ikaw pala iyan." Humalakhak ito. "Ex-boss! 'Yung guwapong may papandesal lagi tapos babaero." Humina ang boses nito pero naririnig pa rin niya. "Wag kayong magulo. Kausap ko boss ko dati. Guwapo ito kaso parang galit sa akin."

"What?" bulalas niya. Nasa katinuan pa ba ang babae? She didn't sound like herself. At sino ang kausap nito? Bakit itsini-tsismis siya sa ibang tao? Di iyon ang importante ngayon. May mas importante siyang pakay. "H-How are you? Sabi ni Lola nasa Korea ka para makita ang boyfriend mo."

Kailangan muna niyang tantiyahin ang mood ng babae. Dapat ay di siya magpahalata na nagpa-panic siya, na may alam siya sa relasyon nina Eu Jin at Dong Uk. Shit! Baka pati ako maipit dito.

"Oo. Pumunta ako sa Korea, nahilo ako sa turbulence papunta dito, walong oras na biyahe para makapunta ng Jeju Island, tapos ano lang ang aabutan ko dito sa Korea? Nakita ko na si Dong Uk. Nakita ko na siya na may kahalikang ibang babae sa labas pa ng cafe. Ang sakit! Sobrang sakit, Sir Gideon. Two years. Sabi niya maghihintay siya ng two years. Nandito na ako tapos iyon lang ang makikita ko?" At humagulgol ito ng iyak. She was really in pain and he could feel it eminating from her voice. "Bakit? Mahal na mahal ko naman siya."

"Yana, nasaan ka na? Kasama mo ba si Dong Uk?" Paano kung nasa prisinto na ito dahil sa pagsugod kay Dong Uk at Eu Jin?

"Wala si Dong Uk. Bago ko pa sila nalapitan, sumakay na sila ng kotse. Pinatay din niya ang phone niya. H-Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong tutuluyan k-kasi akala ko si Dong Uk ang bahala sa akin," anito at humikbi. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko."

Tumanaw siya sa labas. Malakas ang ulan. Mag-isa ito sa Jeju Island habang malakas ang ulan at wasak ang puso. Di niya ito pwedeng pabayaan. "Nasaan ka? Pupuntahan kita," sabi niya at nagmamadaling umakyat ng kuwarto para magbihis.

"Nandito ako sa bar na nagpapanggap na coffee shop. Kasama ko ang mga bagong kaibigan ko at tinutulungan nila ako na mag-practice para mabawi si Dong Uk sa patpating babaeng iyon. Hindi ako papayag na basta-basta lang siyang mabawi sa akin ng babaeng iyon. Alam ko ako pa rin ang mahal ni Dong Uk. Hey, chinggu! Soju jusseyo!" May tinawag itong kaibigan at nag-request ng soju.

"Nee, gongju-nim." Gongju-nim? Princess. Someone called her princess. Boses ng lalaki. Lalaki ang kasama nito.

This is bad. Nadagdagan ang pag-aalala ni Gideon para kay Yana. May kasama itong ibang lalaki habang nag-iinom. May-ari siya ng isang bar. Alam niya kung gaano kadelikado sa isang babae ang kombinasyon ng alak at mabigat na problema. Susceptible ang mga babae sa mga lalaking mapagsamantala. Ilang beses na ba siyang napaaway sa customer dahil nahuhuli niyang sinasamantala ang mga lasing na babae at ipinagtatanggol naman niya?

"Yana, where are you?" tanong niya at hinablot ang pinakaunang T-shirt na nakuha niya. Pinindot niya ang loud speaker ng cellphone at ibinaba sa kama habang nagbibihis.

"Nasaan tayo? Anong bar ito?" tanong nito sa mga kasama.

"Aradeutda," sagot naman ng mga kasama nitong Koreano. Hindi daw ito maintindihan. Malamang di maiintindihan si Yana dahil ng mga Koreano dahil nag-Tagalog ito. She must be really buzzed.

"Yana, tawagin mo ang waiter. Ako ang kakausap," utos niya sa babae. Wala siyang tiwala sa mga lalaki na kasama nito. Baka mali-mali pa ang ibigay na impormasyon sa kanya. Yana was young and vulnerable. Nakainom pa at wala sa sarili. Mistulang buwitre ang ibang lalaki na nakakaamoy ng bibiktimahin. Kailangan niyang protektahan si Yana.

"Waiter! Waitress! Ate, gusto ka daw makausap ng boss ko. Guwapo iyan saka may papandesal pero huwag mong sasabihin na sinabi ko. Shhhh!"

"Yana, just give her the phone," mariin niyang utos.

"Yabusaeyo!" anang boses ng babae.

"Yabusaeyo. What is the name of your establishment?"

"Chwihangeon-anigo. We are at Lee Jeong Sup Street."

"Arraso yo," aniyang nakuha na ang lugar. Nakahinga siya ng maluwag dahil nasa bar na pag-aari niya ang babae. Nabosesan ang isa sa mga staff. "Chin Sun, this is Jin Woo. Lee Jin Woo."

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon