Chapter 58

1.2K 32 0
                                    

"Nee! Anneong!" bati rin ni Yana dito.

Bumati din si Gideon. "Anneong hasaeyo. We are choosing some window sticker for our room." Nakataas ang kilay niya nang tingnan ang lalaki. Pinalalabas nito na magkasama sila sa isang kuwarto.

"Dong Uk, nae sarang!" tawag nito sa dating nobyo ni Yana. Nawala ang nakita niya nang akayin ni Eu Jin palapit ang lalaki. "Ahhh! They are so sweet. They will decorate their room."

"You will let Yana decorate your room?" nakatigagal na tanong ni Dong Uk. "I thought you particularly like that design..."

"I want Yana do whatever she wants in my room and my life. Her house is my house, too." At inakbayan siya ni Gideon.

"It is okay with you decorate it with silly flowers?" tanong ng lalaki nang tingnan ang cherry blossom design na hawak niya.

"Yes. Anything to make her happy," sabi ni Gideon at kinintalan ng halik ang babaw ng ulo niya. Nakita niya ang pagpupuyos ni Dong Uk.

"So, you are like husband and wife now?" nakangising tanong ni Eu Jin at niyugyog ang braso ni Dong Uk. "Let's decorate your room, too."

"I like my room just fine," sabi ni Dong Uk sa magkadikit na labi. "Omma had just decorated it."

Lumabi ang babae. "How about your restaurant? It could use a little cheering up so we can encourage more teenagers to visit it. I have an idea..."

Nagsalubong ang kilay ni Dong Uk. "Are you saying that my restaurant is boring?"

Umiling agad si Sang Hee. "Aniyo! I am just suggesting..."

"How about we go to my place and eat black pork burger?" tanong ni Dong Uk. "Yana haven't tasted it yet."

Ngumiti siya kahit mas gustong maggiyagis ang ngipin niya. Ipamumukha ba nito ang mga pangarap nitong natupad sa kanya na pangako nito ay ise-share nito sa iba? Akala ba nito ay uurong siya?

"See you there," sabi ni Yana na direkta ang tingin kay Dong Uk.

"That is a bit brave," bulong ni Gideon nang nagbabayad na sila ng pinamili sa counter. Limang decal design ang napili nila. "Ikaw pa mismo ang pupunta sa teritoryo ni Dong Uk?"

"Para saan ba ang lahat ng practice natin bilang couple nitong nagdaang araw? Di ba para harapin siya? Saka ganoon ba siya kasungit kay Eu Jin lagi? Para namang hindi niya mahal. Hindi siya ganyan sa akin dati..."

"People change, Yana. Mabuti nang makita mo ngayon kung ano na si Dong Uk. Kung siya pa rin ang minahal mo. Then you decide if you still want him and you still want to take him back."

Huminga ng malalim ang dalaga. Baka naman kay Eu Jin lang ito masungit. O baka ayaw lang nitong pinakikialaman ang kuwarto nito o ang restaurant. It was very personal for him, of course. O baka dahil di naman talaga mahal ni Dong Uk si Eu Jin. Ako pa rin ang mahal niya.

A pang of nostalgia hit her when they entered the restaurant. Kalahati ng restaurant ang puno. Tumutugtog na naman ang kanta ni Sung Si Kyung gaya unang gabi na tumapak siya doon, kung saan tiniis niya ang gutom para lang makasama agad ang nobyo.

Nakaupo na sina Eu Jin at Dong Uk sa isang couch sa gilid ng restaurant. May pinag-uusapan ang mga ito habang nakatingin sa iPad. Si Eu Jin ang unang nag-angat ng tingin at kumaway sa kanila. "Anneong!" bati nito. Nakakabata talaga ito. Parang di nauubusan ng energy.

"What do you think of my place?" anong ni Dong Uk.

"It is relaxing. But a little decoration would be nice. Eu Jin is right with those cute decal stickers. You are a food store so it is okay to be cute," sabi ni Yana. "That is what I like about Gideon's bar. Those cute window paintings..."

"Thanks for the support, Yana-ssi," sabi ni Eu Jin. "At least you have a boyfriend who lets you decorate his house. While I have a boyfriend who doesn't trust my artistry. Naleul seulpeuge handa."

"Don't be sad, Eu Jin. Let's just eat? I am hungry." Bumaling siya kay Gideon. "What do you usually order here?"

"I asked our kitchen staff to prepare something special," sabi ni Dong Uk. "How about Hawaiian black pork burger?"

"That's new," sabi ni Eu Jin. "Not yet on the menu."

"I know that Yana-ssi likes pineapple. She likes them on pizza, salad and she loves Aloha burger. I remember when I asked her what she wants for her birthday and she said she wants that burger."

"You bought her a pair of earrings instead," sabi ni Gideon.

"And you bought her a can of pineapple slice, burger patties and bread. You are a cheapskate , Jin Woo-na!" kantiyaw ni Dong Uk at humalakhak.

Iniinsulto nito ang munting bagay na nagawa ni Gideon sa kanya. Di sa minamaliit niya ang bigay na hikaw ni Dong Uk sa kanya. Alam niyang may kamahalan iyon. Pero wala naman siyang handa no'n sa birthday niya. Kundi pa siya ipinagluto ng burger ng binata at bumili ng cake si Misu, ise-celebrate lang nila ng pinsan niyang Yulia ang birthday niya sa isawan.

"Yana-ssi at least got her birthday wish. And you get to eat them, too. You even ate a lot more than her. If you bought her that burger instead of the earrings, you won't be so hungry," mariing sabi ni Gideon. Iyon ang panahon na wala nang allowance ang dating nobyo dahil ibinili pa nito ng hikaw. Na-appreciate niya noon ang sakripisyo ni Dong Uk sa kanya.

"That burger completed my birthday," sabi ni Yana at tipid na ngumiti. "I am the type of her person who is easy to please."

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now