Chapter 49

1.3K 31 0
                                    

Na naman? "Sinabi niya iyon sa iyo? Magkita kayo ulit o nagkausap tungkol sa akin?" Walang nabanggit sa kanya sa Gideon kanina kung nakausap nito si Dong Uk. Kaya ba mainit ang ulo nito at ayaw siyang pansinin.

"Wala naman akong sinabi na nagkita kami. Please miss me because I will miss you more. Kkeu-neulgeyo!" pagpapaalam nito.

Tulungan nang umupo sa duyan si Yana at nagtatakang inulit sa isip ang usapan nila ni Gideon. Nilingon niya si Moody na gising pero nakaungos ang dulo ng nguso malapit sa paa niya. "Moody, narinig mo ba 'yung usapan namin ni Gideon?" Gumalaw lang ang tainga ng aso. "Ano bang nasinghot ng lalaking iyon? Miss daw ako." Ipinilig niya ang ulo at tuluyan nang bumaba ng duyan. Di na rin naman siya makakatulog dahil paikot-ikot na si Gideon at ang "I miss you" nito sa utak niya.

Umingit si Moody at tumayo din. Parang nabalisa ito sa pagkabalisa niya. Naghilamos siya at nag-toothbrush. Tapos ay nagpaalam siya sa nurse ni Mi Su dahil tulog ang matandang babae na maglakad-lakad sa tabing-dagat. Sumunod si Moody sa kanya. Kailangan niyang mahimasmasan.

Alas dos na ng hapon pero di mainit ang araw sa balat niya. Wala rin tao sa beach kaya solo nila ang lugar. Matay man niyang isipin, di rin niya maintindihan kung ano ang inaasal ng pekeng nobyo.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad at nakapamaywang na hinarap si Moody. "I-explain mo nga sa akin kung anong trip ni Gideon. Nakasinghot ba siya ng chilli powder. Mami-miss ko daw siya. Huh! Kakikita lang kaya namin kanina. Ganoon ba talaga iyon kapag ka-close niya ang isang tao? Parang di naman siya sweet friend."

It was not friendly. It was flirty. "Tapos kinantahan pa niya ako ng theme song ng Koreanovela. Samantalang feeling ko nababaduyan siya doon. Para siyang in love sa akin. Baliw na in love."

Ipinilig niya ang ulo. Humagikgik siya nang maalala kung paano siya kantahan ni Gideon. "Ini-internalize kaya niya ang pagiging boyfriend niya sa akin? Medyo clingy, pero sweet naman. Kina-career naman niyang masyado ang pagiging fake boyfriend ko. Parang totoo na tuloy. Sweet din ba sa iyo si Gideon?" tanong niya at hinaplos ang ulo ni Moody. "Nasasabihan ka rin ba niya na miss ka na niya? Ang lakas magpakilig ng isang iyon. Muntik na akong maniwala. Nakakalimutan ko tuloy na di siya naniniwala sa forever at di ko siya totoong boyfriend."

Nawala ang killig at ngiti niya. Sumalampak siya sa buhanginan at patuloy na hinaplos ang ulo ni Moody. "Ilang buwan na rin pala mula nang sabihan ako ng I miss you ni Dong Uk. Di ko man lang napansin."

Binaha ng lungkot ang puso niya. Alam kasi niya na nagtatampo sa kanya ang nobyo kaya hinayaan na lang niya. Nag-focus na lang siya sa pagtatrabaho. Di na niya napansin ang mas simpleng detalye ng relasyon nila. Di niya napansin na lumalayo na ang loob nito sa kanya.

Kung magkakabalikan kami, kailangan ko sigurong bumawi kay Dong Uk. Di lang si Dong Uk ang kailangang bumawi sa relasyon namin. May pagkukulang din ako. I want to be a better girlfriend. Baka sakaling deserving din ako sa sweet na boyfriend katulad ni Gideon, kahit pa fake.

Dahil sa totoong buhay, kahit pa siguro tunay na pag-ibig, di kakayanin na intindihin ang lahat ng pinagdadaanan niya sa buhay. Ipapakita niya ngayon na marunong na siyang bumalanse sa pagmamahal sa pamilya at sa pagmamahal sa sarili. Hindi na siya magpapa-abuso. Hindi siya perpekto. Hindi rin perpekto si Dong Uk. Hindi perpekto ang relasyon nila. Pero kaya pang hilutin kung mabibiyan n pagkakataon. Kung makikita nito kung paano niya alagaan si Gideon, siguro naman mare-realize niya na mas higit pa ako sa babaeng una niyang minahal. Na dapat ako ang piliin niya sa huli.

Dapat ko sigurong malaman kung ano ang meron kay Eu Jin na wala sa akin. Bakit niya naagaw si Dong Uk? Ano ang kailangan kong I-improve sa sarili ko?

Kailangan niyang maging competitive. Nakuha na niya ang atensiyon ni Dong Uk. Kailagan nilang masinsinan na pag-usapan ni Gideon kung ano ang susunod na hakbang. "Sana lang di na magbago ang mood ng lalaking iyon. Kanina masungit sa akin tapos ngayon sweet. Baka mamaya topakin na naman. Sala sa init, sala sa lamig ang isang iyon. Siguro naisip niya na maging mabait sa akin kasi baka bigla ko na lang siyang layasan. Ano bang gagawin ko sa isang iyon? Di naman siguro siya bipolar 'no?"

Hindi niya tatantanan si Gideon hanggat di niya nalaman kung bakit bigla na lang itong sumungit sa kanya nang umagang iyon pero biglang naging sweet kalaunan. Tulad nang basta ko na lang siyang hinalikan kasi trip ko lang? Baka trip lang din niya. Baka ginagantihan lang ako.

Pinanggigilan niya ang mukha ni Moody. "Hindi ito tama. Kinikilig ako sa pagiging sweet niya sa akin kahit na fake. Kinikilig ako kahit na hindi ko siya totoong girlfriend. Kinikilig ako kahit may iba akong mahal. Bakit affected ako? Hindi ako nae-excite na mabawi si Dong Uk kahit iyon ang tama." Isinipa niya ang paa sa buhangin. "Ahhh! Nakakainis talaga! Faithful ako. Di naman ako nagtataksil, di ba?"

It was confusing. Matagal na nga siguro siyang di kinikilig kay Dong Uk. She thought their love more than just kilig. Lampas na sila doon. Pero normal ba na kiligin sa isang lalaki na di naman niya mahal kahit na may mahal siyang iba? Parang lalong naging komplikado ang sitwasyon niya. May problema ba sa kanya? Malayo na ba ang loob niya kay Dong Uk. Gaano pa ba niya ito kamahal?

Umingit lang si Moody at dinilaan ang mukha niya. Parang nahimasmasan naman ni Yana. Eyes on the goal. Si Dong Uk ang mahal mo, Yana. Bawiin mo siya. Kung anuman ang kilig mo kay Gideon, mawawala din iyan kapag nabawi mo na si Dong Uk. Kahit nang halikan mo siya kanina, practice lang iyon para mapagselos si Dong Uk. Para balikan ka niya. Di ka pwedeng ma-in love kay Gideon. Kahit magunaw ang mundo, di siya magseseryoso sa babae. Kay Dong Uk ka lang.

"Mahal ko si Dong Uk. Mahal ko si Dong Uk," paulit-ulit na usal ni Yana habang naglalakad pabalik sa cottage ng lola ni Gideon.

Di niya alam kung bakit kailangan pa niyang gawing mantra na mahal niya si Dong Uk na parang kinukumbinsi niya ang sarili. It should be the other way around, right? Peptalk niya dapat ay kung pano kukumbinsihin na ang sariling magpanggap na mahal niya si Gideon. Bakit parang mas madali iyon sa kanya habang mabigat na sa dibdib niya na sabihing si Dong Uk pa rin ang mahal niya?

Matapos maghugas ng kamay sa gilid ng bahay ay pumasok na siya sa back door. Naunang pumasok ng bahay si Moody.

Tumuloy siya sa sala. "I am back!" Nagulat siya nang makitang nasa sala si Sang Hee, ang babaeng patay na patay kay Gideon. 

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon