Chapter 70

1.7K 38 1
                                    

MABIGAT ang pakiramdam ni Yana nang gumising kinabukasan. Mugto ang mata niya at masakit ang ulo kaiiyak. Wala na si Gideon sa tabi niya at maliwanag na sa labas. Asul na asul ang langit pero makulimlim ang puso niya.

Nakita niya na may sampung missed call ang numero ni Eu Yin. Siya na ang tumawag sa babae. "Yabusaeyo!" bati nito.

"Eu Jin-ssi, this is Yana. You want to talk to me?"

"Nee," sagot nito at narinig niya ang paghinga nito ng malalim. "Mianhamnida! I didn't mean to break you up with Dong Uk. Everything he said last night was true. He would marry me so he could get that loan to finance his restaurant. H-He said that he loves you still and he will divorce me after two years."

"And you are okay with that."

"I love him." Humagulgol ang babae. "If I could only have him for a year or even for a month, as long as I can call him mine. He still loves you even if you have another boyfriend."

"Eu Jin-ssi, you deserve more than this. I deserve more. He shouldn't treat us like this."

"Please don't be mad at him. He was just forced to marry me."

"No. He was not forced. He made a choice." It was a bad case of Korean drama plot and she didn't want to be a part of it anymore. "He is all yours, Eu Jin-ssi. Tell him to stay away from me. I have more self-respect than that. Be happy. I hope he treats you well. Goodbye."

Walang duda na aalagaan ni Eu Jin ang dating nobyo. Kahit pa ito ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Dong Uk, masasabi niyang mabuting babae ito sa maigsing panahon na nagkakilala sila. Sana maging masaya din ito.

Nag-send siya ng mensahe kay Dong Uk na wala itong aasahan sa kanya. Na wala siyang planong maging kabit nito at maghintay dito. She deserves someone who would love her. At sa huli, sinabi din niya na alagaan nito si Eu Jin at mahalin ang babae.

Pwede sana niyang sabihin iyon nang harapan o tawagan ito sa phone pero pinili niyang huwag na lang. Technically, wala na siyang aasahang magandang relasyon dito mula nang tanggapin nito ang pagpapakasal kay Eu Jin.

Bumaba siya ng kama at naligo na. Wala siyang oras para magmukmok. Nagbihis siya ng dress na may design ng cherry blossom at inilagay ang clip ng cherry blossom sa tainga. She wanted to feel brand new. Wala na siyang oras para magluksa kay Dong Uk. Simula na ng bagong buhay para sa kanya.

Naabutan siya ni Dong Uk na inaayos ang pagkain sa tray. "Good morning!"

"O! Iaakyat ko sana ang breakfast sa iyo."

"Hindi na kailangan. Dito na lang ako kakain. Wala naman akong sakit," sabi niya. "Anong iniluto mo? UY! Egg rolls! Gusto ko iyan."

Parang nawiwirduhan siyang tiningnan ni Gideon habang sunud-sunod ang subo. "Yana, okay ka lang?"

"Oo naman. Huwag kang mag-alala. Tapos na akong umiyak," sabi niya at dumampot ng wheat bread. "Nagkausap na rin kami ni Eu Jin. Sabi ko sa kanya na si Dong Uk. Sabi ko rin kay Dong Uk, wag na niya akong habul-habulin. Ituloy na lang niya ang kasal niya at di ako interesado na maging kabit niya o second wife."

"Wala ka nang plano na bawiin siya?"

Nilagyan niya ng egg roll at ham ang mangkok ng binata. "Wala na akong babawiin. Nagdesisyon na si Dong UK kung sino ang gusto niya. Si Eu Jin at ang negosyo niya. Kasi kung mahal niya ako, sana ipinaglaban niya ako. Na ako lang ang mahal niya. Oo, di madaling magsimula kasi mahirap lang din naman ako. Pero mapagtutulungan naman namin iyon. Di pwedeng gusto niya 'yung negosyo niya with strings attached at kalaunan ako rin."

"I know this hurts a lot..."

"Wala. Iniligo ko na lang 'yung sakit," kaswal niyang sabi at sumubo. "Wala na rin namang mangyayari kung iiyak ako."

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt