Chapter 29

1.3K 34 0
                                    

"IT is so peaceful here."

Matapos maghapunan ay umupo sina Mi Su at Yana sa bench na nakaharap sa dagat. Nagtsa-tsaa sila habang pinapakinggan ang alon ng dagat. Madilim ang gabi at may poste ng ilaw na tumatanglaw sa kanila. Tahimik sa parteng iyon ng Jeju Island. Natatanaw lang nila ang mga ilaw ng mangingisda sa laot.

Mabini lang ang ihip ng hangin kaya masarap tumambay sa labas. Sa nagdaang linggo ng buhay niya, ngayon lang siya nakatagpo ng kapayapaan.

"That's why I like it here. This is not a tourist area. This is just an old fishing village where old folks can fish and pick up shells if we want to. I can play with the waves like a kid if I want to," anang matandang babae na mukhang payapa ang anyo habang pinagmamasdan ang dagat. Parang wala itong iniindang sakit.

"Why did you live here on your own? Gideon should stay with you and take care of you," nag-aalala niyang usal. Alam niyang tahimik ang lugar na iyon at may kasama itong private nurse pero matanda na ito. Ito na lang din at si Gideon ang magkamag-anak. Kailangan pa bang bumukod ng mga ito?

"Aniyo," tanggi nito at umiling. "I don't want him doting me around. I don't want to feel that I am sick and weak. I want to be independent. And I think he deserves his privacy as well. He is a grown man."

Baka di kayanin ng matandang babae ang umaga nang pag-uwi ni Gideon at nagsasama pa ng babae. Baka lalo itong ma-stress.

Biglang natigilan si Yana. Kung magpapanggap siya na girlfriend ni Gideon, sabihin ay titira siya sa bahay nito. Ibig sabihin pwedeng may gawin itong extra-curricular activities. Di naman ito pwedeng tumigil sa pambababae dahil lang sa kanya. After all, di naman siya nito totoong girlfriend. Wala itong obligasyon na maging tapat sa kanya.

"How about I stay here with you?" tanong niya at pumihit paharap sa babae.

Bakas ang protesta sa mukha nito. "No. You should spend time with my Jin Woo. He is your boyfriend."

"But he is not always around. He needs to work. I can spend time with you while he works at the bar. I can sleep here and read you books. We can even watch your favorite Korean dramas. I can join you when you walk at the beach and I can be your companion when you party with your friends."

"Work? Why would Jin Woo work? You came here for a vacation then he would work? No. That is not right."

"But I surprised him. He didn't know I..."

Hindi siya pinansin ng matandang babae at tinawag ang binata. "Jin Woo-na! Jin Woo-na!"

"What is it, halmoeni?"

Kinausap ito ng matandang babae sa Korean. Nakangiwi na lang ang dalaga dahil parang sinesermunan ito at alam niya na tungkol iyon sa request niyang tumuloy muna sa bahay ng matandang babae. Lumalabas tuloy na parang pabayang nobyo ang binata at binabalewala siya dahil sa trabaho.

Lumapit ang binata sa kanya at kinintalan siya ng halik sa noo. "Don't worry, halmoeni. I will make sure that she will enjoy this vacation. She will be my priority." At hinaplos-haplos ang buhok niya. "We will try to work on that grandchild project."

Parang iyon lang ang kailangang marinig ni Mi Su at naging maaliwalas ulit ang mukha. "Good. I want you to tour her around like a good boyfriend and show her the sights of Jeju. Enjoy this romantic place as a couple. She should not waste her time with an old boring woman like me."

"Nee, halmoeni. I am planning to do that," sagot naman ni Gideon. Kung napipilitan man ito na sabihin iyon, hindi niya halata.

Iwinaksi ng matandang babae ang kamay. "It is already late and I am tired."

Tinawag ng matandang babae ang nurse at nagpahatid na sa kuwarto nito. Wala silang choice ng binata kundi ang umalis na.

"Bakit di mo ako sinuportahan?" angil niya nang nakasakay na sila ng kotse pabalik sa bahay nito.

"Na ano? Na sa kay halmoeni ka na titira at iiwan mo ako? Para naman tayong nag-cool off agad kahit kasisimula pa lang ng relasyon natin. Paano tayo makakapagbigay ng apo kay halmoeni kung di tayo magkasama?"

"Tumigil ka na nga sa apo-apo na iyan. Takot mo lang mapikot."

"Look. Hindi ko naman pwedeng hayaan ka na matulog kay halmoeni. Dumalaw, oo. We are supposed to be in love. 'Yung hindi naghihiwalay."

"Binibigyan ko lang ng konsiderasyon ang trabaho mo, ang bar mo. Di naman pwedeng pabayaan mo ang negosyo mo dahil lang sa akin," aniya at humalukipkip.

"Magagaling ang mga tauhan ko. May business partner din ako na pwedeng magbantay ng bar kaya walang problema."

"Paano naman ang lifestyle mo? Malulungkot naman ang mga babae dito sa Jeju kung hindi mo sila mae-entertain. Nakakailang naman na nandoon pa ako sa bahay mo kapag nagdala ka ng babae." Awkward yata iyon.

His lips twisted. "Kaya ko naman maging celibate habang nandito ka."

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now